Chapter 1

9.7K 132 12
                                    


Jorgette's POV

"Oh, aga natin ah?" Sulpot ni Clark  tsaka ako inakbayan. Kung saan-saan sumusulpot tong kumag na to. May paakbay-akbay pang nalalaman tas mamaya tatakbuhan na naman si Tyron.

"May mga aasikasuhin lang ako sandali. Tsaka hindi naman sobrang aga, sakto lang" sagot ko tsaka kinuha ang cellphone ko sa bag. Hayy kagabi pa walang text si Tyron. Ano na naman ba pinagkakaabalahan nun?

"Sipag mo naman, mas lalo tuloy akong nahuhulog sayo-"

"What did you say?!" napatingin kami pareho ni Clark sa taong nagsalita sa likuran namin. Agad namang nagtago si Clark sa likod ko habang ako salubong ang kilay na nakatingin sa kanya.

"Don't you dare-" akmang lalapitan niya sa Clark ng harangan ko siya. Bumaba naman ang tingin niya sakin kasabay ng pag-amo ng galit niyang mukha.

"Kagabi kapa walang paramdam ah" tanong ko tsaka siya tinalikuran at naglakad.

"Babe I'm just busy, madami akong inaasikaso" sabi nito tsaka ako sinundan. Madaming inaasikaso kahit mag goodnight manlang di niya pa nagawa? ganon na lamang siya ka busy? absent ng maghapon kahapon tapos walang paramdam at heto siya ngayon nangungulit

"Babe..." bahala ka diyan, minsan naisip ko baka nga may babae na to eh.

"Babe talk to me please?" humarap ako sakanya tsaka siya tinignan sa mata

"Bakit ka absent kahapon? alam mo Tyron? sa inyong limang magkakaibigan kapag absent ang isa absent na kayong lahat" lumapit ito sa akin tsaka dinampian ng halik ang aking mga labi.

"Busy lang kami mahal ko. Huwag kana magalit" hindi ko maipaliwanag kung bakit napakarupok ko.

Na sa tuwing away namin, isang halik at i love you lang niya lahat ng inis at galit ko nawawala.

"Bati na tayo?" Ngiting tanong niya. Ayan na naman siya sa ngiting yan.

"Tyron! Lumang building tayo ngayon!" sigaw ni Yohan na hinihingal pa sa kakatakbo.

"Babe, stay here. I'll be back" muli niyang paalam tsaka ako hinalikan sa noo at tuluyang umalis. Mag-iisang taon na kami pero pakiramdam ko madaming hindi sinasabi si Tyron sakin. Nagkakaroon siya ng mga pasa at galos sa katawan, mukha at kung saan saang parte ng katawan niya pero wala naman akong nababalitaang nakakaaway niya.

"Oh! iniwan ka na naman ng boyfriend mo? bakit ka pa kasi nagtyatyaga sa taong hindi ka kailan man pinahalagahan?" Sulpot ni Unice. Ang step sister ko. Anak ng bagong asawa ni daddy.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon