Chapter 17

4.2K 72 0
                                    

Jorgette's POV

"Mommy alis na ako" paalam ko tsaka kinuha ang bag upang pumasok sa skwela.

"Wait anak, si mommy maghahatid sayo" ngiting sambit ni mommy nang palabas na ako ng kusina

"Mom malaki na ako" tumatawang sagot ko

"Kahit pa may asawa kana. Ako parin ang hatid sundo mo" ngiting sagot niya. Hasuss! napakasaya ko dahil makakasama ko na si mommy. Wala nang mananakit sa akin.

"I love you, mom"

"I love you more anak ko. Wala nang makakapaghiwalay sa atin"

So ito nga, si mommy ang naghatid sa akin. Sinabi niyang uwi daw ako ng maaga para makapag shopping kami kasama si ate Mae at manang Polly. Gusto ko sana kaso bigla kong naalala si Tyron kaya sinabi kong sa ibang araw na lang.

Ilang araw nang walang paramdam si Tyron eh. Nang maglakad ako papuntang gate nahagip ng mata ko ang kotse niyang nakaparada. Ibig sabihin, meron siya?

Halos patakbo na akong maglakad room. Miss na miss ko na kasi siya.

"Babe?" tawag ko sakanya nang makita ko itong nakapikit at nakaupo sa likod. Tumakbo ako palapit sakanya tsaka siya hinalikan sa labi. Sobrang miss ko na siya. Ang labi niya, ang yakap niya, boses at amoy niya.

"Babe okay ka lang? may masakit paba sayo? bakit hindi ka nagrereply sa text at tawag ko? bakit hindi ka nagpaparamdam-"

"Jorgette. I'm tired. Please, huwag ka munang maingay" malamig na sagot sa akin. Natigil na lang ako tsaka tulalang napaupo sa tabi niya.

Hindi niya ba ako na-miss? hindi ba niya ako gustong makausap? Anong nagawa ko?

Natapos ang first and second subject na wala akong naririnig na salita mula sa bibig niya tungkol sa aming dalawa.

Malamig ang pakikitungo niya sa kin. Tanging ang ibang girls lang ang kinakausap niya pero ako? hangin lang sakanya. Nasasaktan ako dahil hindi ko alam kung alin dun ang nagawa ko. Diko alam kung saan ako nagkamali para maging ganyan siya sakin.

"Babe may problema ba?" tanong ko nang pauwi na kami.

"Wala naman. Sige na, ingat pauwi ah" sagot at paalam niya tsaka umalis. Ganon na yon?

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon