Chapter 10

4.8K 80 1
                                    


Jorgette's POV

Kanina pa ako dito sa may gate hinihintay si Tyron pero wala pang Tyron na dumarating. Ang sabi niya maaga siya susunduin niya ako sa bahay.

Kanina pa ako nag-aantay sakanya pero hindi siya sumipot kaya napagdesisyonan kong dito na lang sa gate ng school ako mag-hihintay.

"Sinong hinihintay mo diyan?" tanong ni Allen na classmate ko.

"Si Tyron ba?" tumango ako.

"Hay nako sis! huwag mo nang hintayin. Ang mga gangster pag bigla bigla nawawala kung hindi nambabae sigurado nasa suntukan. Halika na, kaysa lamukin ka sa pag-antay diyan!" sabi niya. Bigla akong kinabahan. Kung hindi siya nambabae, malamang nasa gulo sila. Wait! kailangan kong puntahan

"A-allen!" sigaw ko sa pangalan niya tsaka nagmadaling lumapit sa kanya.

"Alam mo ba kung saan nila ginaganap ang gulong yan?" tanong ko sakanya.

"Mmm... Oo, bakit? huwag mong sabihing pupuntahan mo? uy! delikado yon!" wala akong pakialam. Delikado man o hindi. Nandun si Tyron kaya pupunta ako.

"Sabihin mo na lang" sabi ko.

"Haysst! sakay ka ng taxi. Baba ka sa may lumang building. Abandonadong school building yon kaya madali mo lang siyang makikita. At kapag nandon kana, daan ka sa may left side at huwag sa right side kasi makikita ka don" paliwanag niya. Agad akong umalis tsaka tinungo ang lugar na sinabi ni Allen.

"Miss. A-ano pong gagawin niyo sa lugar na yan? delikado po diyan" Payo ni manong driver bago umalis. Gaano ba ka delikado ang lugar na ito? Kung delikado, bakit hindi manlang ako kinilabutan?

Nagmasid muna ako sa paligid tsaka ako maingat na pumasok. Sa left side? ayun! sa may kinakalawang na gate. Maingat at matiyaga akong pumasok sa loob. Ito pala yung school ng elementary noon na sinira ng bagyo.

Patuloy lang ako sa paglalakad nang bigla akong nakita ng dalawang lalaki na may tattoo pa sa katawan. Tatakbo na sana ako ng may tao din pala sa likod ko.

"At saan ka pupunta binibini?" tanong nito sa akin tsaka humalakhak at sabay hawak sa bewang ko.

"Kay gandang dalaga! waw!" sambit ng isa na may halong pagnanasa.

"Bitawan niyo nga ako! isusumbong ko kayo sa boyfriend ko!" banta ko pero hinawakan lang ako sa may braso tsaka kinaladkad papasok ng building.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon