Chapter 28

4.4K 87 3
                                    

Ruth's POV



"Oh nagabihan ka ata" bungad ko kay Jorge nang makapasok ito sa kwarto ko. Nandito lang yan para magbihis, maya-maya aalis din yan at pupunta saan niy gusto.

"Madami pa akong ginawa-"

"Kasama ba sa ginawa mo ang tungkol sa pagsosolo niyo ng kabit mo?" singit ko sa sasabihin niya. Galit ako sa lalaking to, pinauwi ako kanina makapagsolo lang sila ng ex-wife niya!

Para ano? para diko makita ang kababuyan nila? para Wala akong sagabal sa mga gagawin nila? huwag ganon, dahil habang nabubuhay ako hindi sasaya si Bella.

Mang-aagaw siya. Ako dapat ang mahal ni Jorge mula pa nung una at hindi siya. Ako dapat yung binuntis niya at pinakasalan niya pero ahas siya. Ang ahas, walang karapatang sumaya at mas lalong walang karapatang mabuhay sa mundo.

"Ano hindi ka makasagot?!" nanggigilid kong luhang tanong. Alam mo kung gaano kita kamahal Jorge. Handa akong pumatay ng karibal mag-stay ka lang sa amin ng anak mo!

"Ruth I'm tired so please! kung ano man yang pinagsasabi mo diyan pwede ba? tumigil kana?!" inis na sagot niya sakin tsaka nagtanggal ng necktie niya.

"Bakit dimo na lang sabihin kung anong pinaggagawa niyo habang wala ako?! kumain kayo sa labas? kasama si Jorgette? happy family ganon? o di kaya nakipag sex ka sakanya habang dimo magawa sakin-"

"Pwede ba Ruth tama na! Wala kang karapatang magalit dahil una sa lahat wala tayong relasyon! wala tayong relasyon para galawin kita, patay man o buhay ang asawa ko wala akong karapatang lokohin siya dahil kailan man hindi niya ito ginawa! Hindi kita asawa, kinuha lang kita para magsilbing ina ni Jorgette. Magsilbing ina lang at hindi bilang asawa ko. Una palang sinabi ko na sayo na wala ni sino ang papalit kay Bella dito sa puso ko. Kaibigan ka ng asawa ko Ruth. Hindi ikaw ang asawa ko isaksak mo yan sa kokote mo!" sigaw nito tsaka padabog na umalis.

Wala akong masabi dahil lahat ng iyon totoo. Nagsisi akong ipinakilala si Bella kay Jorge noon, kung hindi ko sana yon ginawa sana ako yung mahal ng lalaking mahal ko.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon