Chapter 12

4.2K 72 3
                                    


Tyron's POV

"Ikaw kung anong magiging desisyon mo. Hindi sa lahat ng oras kapiling mo girlfriend mo" sabi niya.

"Pag-isipan mo. Alam kong mahal na mahal mo si Jorgette. Mahal ko din si Unice at kung ikaw ang nasa kalagayan ko, sigurado akong yan din ang gagawin mo" sabi niya tsaka tuluyang umalis nang hindi ako nakapagsalita manlang.

Sisirain ko buhay ng girlfriend ko? tangina hindi ko kaya. Pero anong maaring gawin ni Erwin kay Jorgette? papatayin? gagahasain? tangina bakit ganito?

Sandali akong napaupo dahil sa panghihina. Paano ko sisirain buhay niya nang hindi siya nasasaktan? nang hindi siya mawawala sakin?

         Ring....

"Yes?" pagsagot ko sa tawag ni Jorgette.

"Musta na pakiramdam mo?" tanong nito. Napahikbi na lang ako nang palihim. Ayaw kong mawala siya sakin. Sakanya na umiikot ang mundo ko. Sakanya lang ako kumukuha ng saya at lakas sa tuwing nanghihina at nalulungkot ako. Kaya paano ako mabubuhay nang wala siya sa piling ko? paano ako masasanay nang wala na siya sa buhay ko?

Iniisip ko pa lang diko na kaya.

"Babe? u-umiiyak kaba? may masakit paba sayo?" alalang tanong niya.

"W-wala mahal ko. Miss lang kita" sabi ko. Nasasaktan ako.

"Haha. Suuuss! naglalambing mahal ko. Hmmm?"

Nagpatuloy kami sa pag-uusap hanggang sa nagpaalam na ako upang magpahinga. Umuwi ako tsaka humiga nang hindi parin nawawala sa isipan ko ang gusto ni Unice para kay Jorgette.

Nahihibang na siya! pati kapatid niya pinagpaplanuhan niya ng masama!

Jorgette's POV

"Saan ka nagpupupunta malandi ka?. Ang aga mong pumapasok samantalang tanghali naman pala ang schedule mo!" Galit na saad ni tita/mommy/stepmom ko. Nagsisimula na akong magkaroon ng galit sa kanya. Tawagin niya na akong tanga, bobo, basura, walang kwenta huwag lang ang malandi ako dahil wala pa akong nilalandi ultimo boyfriend ko!

"Tita umaga po ang start ng klase ko. Hindi po tanghali at hindi din po ako maagang pumapasok para magpunta kung saan-saan" sagot ko.

"Tita? wow! okay yan Jorgette. Tita dapat tawag mo sakin dahil hindi naman kita anak eh. Si Unice lang ang nag-iisang anak ko" sabi nito. Nanatili akong tahimik kahit sa loob loobin ko'y gusto ko nang sumagot.

"Aalis na po ako" sabi ko tsaka umalis pero hinatak ako ni tita tsaka sinampal

"Kinakausap pa kita!" sabi nito.

"Tita malelate na po ako" sabi ko pero isang sampal ulit ang ibinigay niya sa akin.

"Maglinis ka dito bago umalis! naiintindihan mo?!" sabi nito tsaka umalis. Wala na akong nagawa kundi umiyak dahil sa sama ng loob.

Bakit ba sila ganyan sakin?!

"Iiyak-iyak ka diyan" ngising sabi ni Unice habang naka pamewang sa harapan ko.

"Ano bang problema mo?! Hindi kita inaano, wala akong ginagawa sayo pero bakit ka ganyan?!" sigaw ko sakanya

"Hindi mo alam? Simple ka lang naman bumanat eh" sabi nito

"Pasimpleng kinukuha lahat ng bagay meron ako. Lahat ng taong mahal ko kinukuha mo sakin!" sigaw ni Unice

"Wala akong inaagaw sayo!"

"Ang kapal ng mukha mo! Mula dito sa bahay ikaw na lang palaging tinutulungan ng mga letcheng katulong na yan, na imbis na ako ang pagsilbihan! Kay daddy na ikaw na lang mas pinapaburan niya! mula sa gamit hanggang sa pera! Mas mahal ka niya kaisa sa akin! dapat ako lang ang mahal niya! sumunod, sa school! grades mo pataas ng pataas habang ako nananatili sa baba! nananatiling pumapangalawa sayo! at huli? kay Tyron! Ako ang unang niligawan niya, pero dahil malandi ka inagaw mo siya!" umiiyak niyang sigaw sakin.

"wala akong ginagawa. Mas naiinggit nga ako sayo eh, dahil may ina ka! ako wala! tsaka paanong mas pinapaburan ako ni daddy? samantalang para akong hangin kapag ikaw ang kasama niya? tsaka yan ba ang basehan mo sa pagmamahal ng isang ama? yung gamit at pera? ako kasi iba eh! okay lang maghirap kami. Yung simpleng pamumuhay, basta sana masaya kaming magkasama. Pero wala eh!" sagot ko habang umiiyak. Nakakaramdam siya ganyang inggit na hindi manlang niya inisip na ang mahalaga'y meron siyang ina na gumagabay at nagmamahal sa kanya habang ako nag-iisa. Nangungulila sa pagmamahal ng isang ina!

"Sinira mo lahat nang sakin. Hintayin mo ang ganti ko" sabi niya tsaka ako iniwan.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon