Chapter 5

5K 90 3
                                    


Tyron's POV

"Tyron, humamon ulit gang ni Lance" Napangisi na lang ako sa balita ni Josh. Hindi paba sila nadala sa sakit ng katawan na binigay ko sakanila?

"Anong oras daw?" tanong ko sabay sindi ng yosi. Tsaka lang ako naninigarilyo pag wala wala si Jorgette. Ayaw daw niya ng naninigarilyo kaya tinatago ko sakanya.

" 9:00 sa lumang building"  sagot niya. Bigla kong naalala si Jorgette. Nangako pala ako sakanyang maaga akong papasok. Magtatampo na naman yun

"Sabihin mo mamayang gabi na lang. Nangako ako kay Jorgette na papasok tayo ng maaga bukas" sabi ko.

Gusto ko na ngang matulog pero 'tong mga gunggong nanggugulo sa Kwarto ko. Akala ko umuwi na sila, pagdating ko dito sa kwarto ko amoy ng alak at sigarilyo agad ang bumungad sakin.

"Wala ba kayong balak umuwi?" tanong ko sakanila tsaka pinunasan ang buhok kong basa. Kakaligo ko lang eh.

"Ayaw mo na ba kaming makita?" biglang tanong ni Lester. Ngumisi ako tsaka siya inirapan

"Jorgette kaba? kasi kung ikaw siya gugustuhin kitang kasama oras-oras" sagot ko. Agad naman akong binato ng unan.

"Haha! in love ka masyado pre" tawang sabat ni Yohan. Ngumiti na lang ako. Tama nga sila, nainlove ako sa simpleng babae. Babaeng nagpaparanas sakin ng kilig, saya, lungkot, selos at pag-ibig.

"kung sabagay. Yung tipo ni Jorgette talaga ang kagusto-gusto ng mga lalaki. Simple, matalino, mabait, walang arte sa katawan pero pre ang ganda niya! ang ganda pa ng katawan-"

"Ge tuloy mo!" Banta ko kay Clark sabay hagis sakanya ng unan. Gago to eh. Pati pala katawan ni Jorgette pinapansin din.

"Hahahah! ang seloso mo!" Tawanan ng tropa habang ako salubong ang kilay.

"Umuwi na nga kayo! layas!" sigaw ko sakanila. Tumatawa naman sila habang paalis.

"mga ugok!" sigaw ko.

Nang makaalis na sila agad kong kinuha ang cellphone ko tsaka tinext si Jorgette.

*babe* sending... sent!

*Hmmm?* reply niya sakin.

*How's my girl?*

*K lang babe*

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon