Chapter 50

4.1K 75 3
                                    

Jorgette's POV

"Sana mapatawad mo ako, h-hindi ko gustong gawin yon. Mahal kita kaya wala akong ibang gusto kundi ang ikakabuti mo" naluluhang paliwanag ni Tyron. Napahagulgol na lang ako sa mga narinig ko. Ang sakit lang tanggapin na yung sariling kapatid mo pa pala ang sisira ng buhay mo.

"Bakit hindi ka nagpaliwanag bago ka umalis? N-nag antay ako. Kahit galit ako alam ko sa sarili kong nag-antay ako" sagot ko sabay punas ng luha ko

"hindi ko kasi alam kung paano kita haharapin, im sorry babe" wala na akong nagawa kundi ang yakapin siya habang nakaupo sa harap ko.

Bakit ba siya nagagalit sakin? Balak niya akong ipagahasa sa iba at kung hindi pa kuntento ipapapatay pa ako? Malaki na din ang pasasalamat ko dahil si Tyron ang gumawa niyo.

Atleast siya ang ama ng mga anak ko. Binabawi ko na lahat ng masasakit na salitang binitawan ko sa kanya. Nagsisi akong pinangunahan ang lahat ng ito.

"N-ngayong alam mo na ang totoo. P-pwede mo na akong iwan-"

"I love you" singit ko sa sasabihin niya. Agad itong napatigil at natulala sa sinabi ko habang sakin nakatingin.

"I love you" muling saad ko ngunit tulala parin.

"Mahal kita" sabi ko tsaka dinampian ng halik ang kanyang labi. Nang bumitaw ako, masuyo niya muli akong siniil ng halik.

"Mahal kita" sabi nito tsaka ako niyakap.

Tyron's POV

Nagising ako dahil sa mabigat sa dibdib ko. Napapangiti na lang ako sa sayang diko akalaing muling mararamdaman ko. Napamulat ako nang makitang ang mag-iina kong halos sa katawan ko na nakaunan.

Ang kambal na nasa dibdib ko at si Jorgette na nasa braso ko. Nakakangawit pero ang saya ko. Ramdam ko ang paggalaw ni Jorgette sa braso ko tsaka ito nagmulat ng mata.

Agad naman itong napatingin sa akin, tinitigan ko ito sa mata tsaka kinindatan. Kita ko ang pamumula ng kanyang mata kaya napangiti ako.

"Good morning babe" malambing at masuyong saad ko.

"Good morning b-babe" mas lalo akong napangiti ng matamis.

Pigilan niyo, hahalikan ko ang babaeng to!

Bumangon ito tsaka nagtungo ng banyo tsaka nag toothbrush at muling lumabas. Sandali itong nagsuklay tsaka niya tinalian ang buhok at lumabas ng kwarto.

Ilang minuto lang ang nagdaan nang magising ang kambal. Tumingin ito sakin tsaka ngumiti.

"Good morning " masayang bati ko. Hindi ito kumibo tsaka umayos ng higa sa magkabilaang braso ko.

"Daddy where's my milk" tanong ni Dylan.

Sa sandaling pagsasama namin ng kambal, sa tingin ko kilala ko na sila. Si Dylan na gatas agad ang hinahanap pagkagising at si Zylan na laruan agad ang hinahanap.

"Where did mommy put my toy?" tanong ni Zylan sabay halungkat sa tray.

"There baby" turo ko nang makita ito sa taas ng maliit na mesa.

"Oh! Thank you daddy!" Mabilis nitong kinuha tsaka bumalik sa tabi ko.

"Daddy... milk" sambit ni Dylan,

Hinalikan ko sila sa ulo tsaka inayos ang higaan at lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Jorgette na nagluluto ng makain kaya agad ko itong nilapitan at niyakap mula sa likod.

"Good morning mahal ko" bati ko tsaka isiniksik ang mukha sa leeg niya kagaya ng nakasanayan ko noon.

"Good morning " bati nito pabalik.

"Timplahan mo gatas mga anak mo" utos nito sakin, shit nakalimutan ko.

Sandali kong hinalikan sa pisngi si Jorgette tsaka bumitaw at nagtimpla ang gatas para sa kambal.
Pagkatapos magluto ni Jorgette ay agad kaminh kumain.

Natawa na lang ako dahil sa gulo nilang kumain. Si Dylan na nasa kandungan ko at si Zylan na nasa lamesa at sa plato ko na kumakain ganon din si Dylan.

Palagi silang sinusuway ni Jorgette dahil sa mga pagkaing nagkalat pero hindi sila pinapansin ng kambal.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon