Chapter 44

4.3K 86 8
                                    

Jorgette's POV

Nagising na lang ako dahil sa ingay ng tawanan at harutan na naririnig ko. Napatingin ako sa kabuoan ng silid, napakaganda at sarap naman sa mata. Nasaan ba ako?

"Daddy here! Hihihi" boses ni Dylan na humahagikgik ang narinig ko mula sa labas kaya't nagmadali akong bumangon palabas ng silid nang makita ko si Tyron at nang kambal na masayang naglalaro.

"Hey mommy! Come join us! Come on daddy hey!" sambit ng anak ko habang nasa likod ni Tyron. Ano daw? Daddy? Daddy? Daddy? Daddy?

Bigla akong nabato sa narinig ko, nananaginip ba ako? Agad akong bumalik sa kama upang mahiga nang mauntog ako sa gilid ng pintuan.

"Ouch!" daing ko sabay himas sa noo ko

"Are you okay?" sulpot ni Tyron sa likod ko sabay hawak nang ulo ko, doon ko lamang napagtanto na hindi panaginip ito.

Biglang nag flash pabalik sa isip ko ang mga lalaking kumidnap sakin.

"Nasaan ako?" sakristang tanong ko sabay pabagsak na hinawi ang kamay niya.

"Huwag mo nang alamin" tanging sagot ni Tyron tsaka ako tinalikuran at naglakad pabalik sa aking mga anak.

"Uuwi na kami. Zylan, Dylan lets go home" sabi ko sabay lakad palabas nang magsalita si Dylan.

"Im sorry mommy, you know how much i love you but i love daddy too" saad ni Dylan habang nakaupo parin sa kandungan ni Tyron.

"I want daddy" sabat ni Zylan sabay patong ng ulo niya sa dibdib ni Tyron. Tangina!

"Hindi siya ang daddy niyo kaya uuwi na tayo-"

"Hindi nga ba Jorgette?" singit ni Tyron sa sinasabi ko. Napalunok ako tsaka muling nagsalita

"Oo. Hindi ikaw at hindi kailan man magiging ikaw! So if i were you bitawan mo mga anak ko at uuwi kami-"

"Minsan ka nang nawala sakin dahil sa kagaguhan ko, hindi ko ulit hahayaan na ngayong may anak na tayo'y mawala pa kayo sa piling ko-"

"Dylan, Zylan pumasok sa kwarto " utos ko. Maingat naman na ibinaba ni Tyron ang mga bata tsaka sila naglakad papasok ng kwarto.

"Ang kapal ng mukha mong angkinin ang mga anak ko! Wala kang alam! Wala kang alam kaya huwag na huwag mong aangkinin ang anak ng iba. Ayoko nang gulo Tyron kaya kung ako sayo pauwiin mo na kami!" naluluhang sigaw ko sa kanya. Gusto ko siyang sumbatan, gusto ko siyang saktan, murahin at sigawan kung bakit niya nagawa yon.

"Babe" sabi nito tsaka lumapit sakin pero isang malutong na sampal lang ang binigay ko.

"Kapal-kapal ng mukha mo! Nagpakita kapa, masaya na kami! Umalis kana sa buhay ko, hindi na kita kailangan-mmmmm" hindi na napatos ang sasabihin ko nang isang malambot at mainit na labi ang lumapat sa mga labi ko.

Gusto ko siyang itulak ngunit ayaw gumalaw ng katawan ko, na parang ang mismong katawan ko'y tinatraydor ako. Ayaw ng isip ko ngunit gusto ng katawan ko. Ang mga labi kong parang uhaw sa halik ni Tyron. Napapikit na lang ako at dinamdam ang mainit na halikan kasabay ng mabilis na pag kabog ng dibdib ko.

Hindi, anong nangyayari sakin? Bitawan moko gago ka! Pagkatapos mo akong saktan, babalik ka ? Guguluhin ulit ang nananahimik kong mundo? Bigla ko na lang naramdaman ang pagbitaw ng labi niya sa labi ko tsaka ako niyakap at bumulong.

"Walang uuwi" bulong nito tsaka pumasok sa kwarto kung san naroon ang kambal.

Napahagulgol na lang ako tsaka umupo sa sofa. Bwisit ka Tyron! Ano pabang kailangan mo, nakuha mo na ako. Nagalaw mo na ako, binaboy mo na ako pero bakit ngayon bumabalik kapa?!

Nagpakilala kapa bilang ama sa mga anak mo! Napakagago mo! Hindi hindi na ako babalik sayo, hindi mo kailan man malalaman ang totoo.

Tyron's POV

"Daddy im hungry na" reklamo ni Zylan. Kahit papano'y namemorya ko na kung asan ang Dylan at Zylan sakanila.

Ang sarap lang sa tenga na tinatawag kang daddy ng mga batang halos kamukha mo na. Kaya paano nasasabi ni Jorgette na hindi ako ang ama ng dalawang ito? Unang kita ko pa lang sa kanila nahulog na agad ang loob ko, at ngayong sandaling pagsasama namin pakiramdam ko mamamatay ako kapag nawala sila sakin.

"Daddy" asik ni Dylan sabay hawak sa mukha ko. Napangiti na lang ako tsaka hinawakan ang maliit niyang kamay tsaka ito hinalikan,

"I love you both" sabi ko tsaka sila sabay niyakap.

"Do you love mommy too, daddy?" tanong ni Zylan.

"I do, son. I love your mom, she's my everything,  she's the love of my life. Pero kasi hindi na pwede dahil may mahal na siyang iba. At hindi na ako yon" malungkot kong sagot tsaka pinunas ang luha tsaka ngumiti.

Ang totoo niyan feeling ko ako padin ang mahal ni Jorgette dahil kanina habang hinahalikan ko, ramdam ko. Ramdam ng puso ko na ako parin ang mahal niya. Kaya naman mas lalo akong nabubuhayan ng loob upang pabalikin ang mag-iina ko sakin.

Tsaka para na din magkaroon ng dagdag impormasyon tungkol sa kanila, ang mga anak ko ang kakausapin ko kung ayaw ni Jorgette umamin.

"Tsaka may ibang asawa na ang mommy niyo" sabi ko sabay punas ng luha ko kuno

"No daddy wala siya asawa pa. You can be our dad po. Right Dylan?" napangiti ako ng palihim sa sagot ng anak ko. Huh! May asawa pala Jorgette ha? Sige lang, ang bata hindi nagsisinungaling.

"W-wala ba siyang pinapakilalang daddy niyo?" muling tanong ko.

"Nope daddy. When i ask her about our daddy payagi niya iniiba ushapan" sagot ni Dylan. Ang totoo, bata ba ito o may edad na?

"Why baby? A-ayaw niya bang malaman niyo kung sino daddy niyo?" tanong ko.

"I don't know po" Ngayon pa lamang sa konting impormasyon na nalaman ko mas lalo kong nakikila ang mga bata lalo na si Jorgette.

Napangiti na lang ako ng kusa, this is it. I already have my own family na kailan man hindi na mawawala sakin.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon