Chapter 34

4.1K 89 6
                                    


Tyron's POV

"Hey dude! Kailan ka uwi dito? Miss you bro!" bungad sa akin ni Clark pagbukas ko ng cp ko nang marinig ang tawag niya. Napabuntong hininga na lang ako sa tanong niya.

"I don't know" taning sagot ko lang sabay inom ng kape.

"Iniisip mo parin ba yung posibleng mangyari kapag nagkita kayo ni Jorgette? It's been a years sigurado naman ako naka move-on na siya. Ewan ko lang sayo if until now you still love her"

"Sige na,  daldal!" pag-iwas ko tsaka in-off ang cellphone. Agad kasi akong umiiwas sa tuwing si Jorgette ang usapan eh. Bumabalik kasi lahat ng kagaguhan ko. Ni hindi manlang ako nakapag paliwanag kung bakit ko nagawa yon years ago.

Bago ako umalis nagtungo ako sa condo niya pero wala na siya doon. Hindi na din siya pumasok sa school kaya ano pang dahilan ko para mag-aral dun diba?

Wala na yung babaeng dahilan ng pagsisipag ko sa pag-aaral. Siya lang naman ang dahilan ng lahat eh. Ilang linggo ko siyang hindi nakita at parang piniga ang puso ko nang malamang dropped na pala siya.

Kaya heto, ipinagpatuloy ko na lang ang pagmamanage ng malaking company na itinayo ng magulang ko dito sa London. Hanggang sa muling nagpatayo si dad sa pinas para sakin daw kaso kung ako lang naman ang masusunod, mas gugustuhin ko na lang dito.

Ayokong dumating sa puntong magkukrus ang landas namin ng ex-girlfriend ko. Ayoko lang na magalit siya sakin lalo na sa laki ng kasalanan ko sakanya'y nakuha ko pang magpakita.

Inaamin ko, yung labis na pagmamahal ko sakanya noon ay ganon padin hanggang ngayon. First love ko si Jorgette kaya malamang sobrang apektado ako sa paghihiwalay namin.

Kasalanan lahat ng ito ni Unice. Bakit ba sa mundong ito? Kapag hindi nila kayang higitan ang isang tao nagagawa nila itong siraan? Hindi nila matanggap na may mas nakalalamang sa kanila. Bukod sa pagiging ma-issue ng mga tao nagagawa pa nilang bungkalin ang sikreto ng iba na halos sarili nilang sikreto nangangamoy na.

"Tyron?!" sigaw ni mommy sakin habang nakapamewang sa harapan ko. Nih! Halos diko naramdamang nandito na pala siya.

"Kanina pa ako salita ng salita dimo ko pinapakinggan. Im asking you kung kailan ka uwing pilipinas" sabi ni mommy habang salubong ang kilay.

"Maybe next year " tangin sagot ko lang tsaka siya iniwan sa sala at nagtungo sa kwarto ko.

Muli akong napangiti sa litrato sa kisame. Sa tuwing higa ko sa kama ko, sa kisame agad ang tingin ko kung saan nakalagay ang masasayang litrato namin ni Jorgette.

Miss na miss ko na siya. Kamusta na kaya siya? May bago na ba siya? May asawa na? Nakalimutan niya na ba ako? Siguro masaya na siya sa piling ng lalaking hindi siya sasaktan gaya ng ginawa ko sakanya.

Masakit lang isipin na yung babaeng iningatan ko, pagmamay-ari na ng iba ngayon. Pero okay lang din, kasalanan ko din naman eh.

Sana lang pagdating ng panahon, magagawa niya din ang patawarin ako. Kahit gano katagal, maghihintay ako.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon