Chapter 54

3.8K 61 1
                                    

Tyron's POV

"Come on Zylan, faster!" excited na tawag ni Dylan sa kapatid niya habang nakaupo sa loob ng kotse. Natawa na lang ako sakanya,

First day of school kaya naman kailangan maaga daw sabi ni Jorgette. Suss pati na din siya excited sa pag-aaral ng anak namin.

Ni halos madaling araw na siya nagising samantalang 8:30 am naman ang start ng klase nila.

"Handa na ba lahat? Tara na" saad ni Jorgette sabay upo sa may passenger side.

"Di halatang di ka excited mahal ko" natatawang kantaw ko.

"Hmmm, natural lang naman uy! Parang kailan lang kasi noong hinehele ko sila at ngayon nag-aaral na sila" naluluha sa sayang sambit niya, nakaramdam ako ng guilty dahil hindi ko manlang natulungan sa pag-aalaga ng mga anak si Jorgette, kaya babawi ako.

"Daddy lets go!" sabi ni Dylan tsaka umupo,

Ngumiti na lang ako tsaka maingat na nagmaneho. Nang makarating kami dito sa school, agad lumabas ang dalawa sa kotse tsaka tumakbo papasok ng school.

"Mga anak wait!" tawag ni Jorgette sakanila pero hindi sila nito pinakinggan.

"Zylan, Dylan" tawag ko sakanila kaya naman sila napahinto at lumapit sakin tsaka sabay na nagpakarga.

"Grabe" busangot na bulong ni Jorgette sa sarili niya,

"Puro na lang ikaw pinapakinggan eh" sabi nito kaya dinampian ko na lang ng halik ang kanyang labi nang mapansin kong may nakatingin sa amin, its Unice.

"Wow huh, happy family" bungad nito habang nakangisi.

"So dito din pala mag-aaral ang mga anak mo?" tanong niya kay Jorgette.

"O-oo naman, m-mukhang dito din mag-aaral ang anak mo" balik tanong ni Jorgette

"Oo. At mukhang magkakaklase pa sila" muling tanong ni Unice. Bakit ba naiinis ako kapag nakangisi yan?!

"Hindi din siguro, 5 sections ang kinder at sa tingin ko hindi siguro at kung nagkataon man...hindi mo naman siguro bibigyan ng issue yon diba?" matapang na sagot ni Jorgette. Pasimple na lang akong napangiti, mabuti nga at kahit papano nagagawa niya ng sumbatan yang si Unice, namimihasa na eh.

"Huh? Haha! Bakit ko naman bibigyan ng issue? Tsaka natatakot kaba na baka nga magkakasama ang anak ko at mga anak mo sa iisang room tapos mas matalino ang anak ko?" Asik ni Unice. Tss... Mas matalino anak ko diyan!

"Ganun ba? Haha, okay lang kahit mas matalino ang anak mo. Hindi ako maiinggit at mandadaya para lang masabing top 1 sa klase kagaya ng ginawa mo dati diba? Kung ano ang kaya ng mga anak ko magiging proud parin ako. Lets go?" sabi ni Jorgette tsaka bumaling sakin. Ngumisi ako kay Unice tsaka siya iniwan kasama ang anak niya. Rinig ko din ang boses ni Erwin pero dina ako lumingon,

Pagkatapos ng usapan nila'y pumasok na kami sa magiging classroom ng kambal at tama nga, dito din ang magiging room ng anak ni Unice.

Pagkatapos nilang magpakilala ay nagsimula na silang mag-aral kaya naman bumalik na kami ni Jorgette sa kotse. Naiwan ang dalawang katulong para bantayan ang kambal lalo na't nandiyan si Unice.

Di ata ako makakapayag na saktan ang mga anak ko, nagawa na nila noon kay Jorgette at hindi ko hahayaan na hanggang ngayon gagawin muli sa mga anak ko.

"Parang ayokong umuwi babe" walang emosyong saad ni Jorgette.

"Why?" tanong ko tsaka tumingin sa kanya.

"Eh kasi nandiyan ang kapatid ko, sigurado akong gagawan niya nanaman ng hindi maganda ang anak natin. Kilala ko siya" malungkot na sambit nito. Hinawakan ko ang kamay nito tsaka hinalikan.

"Kung gusto mong mag-stay muna dito, Syempre ako din " sabi ko tsaka ngumiti. Tumango ito. Lumabas ako ng sasakyan tsaka umikot at pinagbuksan ito tsaka sabay naglakad papuntang isang kubo at doon tumambay habang inaantay ang kambal.

Ilang oras ang nakalipas at nakikita ko na silang nagsisilabasan. Agad naman tumayo si Jorgette at sinalubong ng yakap ang dalawa habang 'daddy' ang sambit ng dalawa.

Lumapit ako tsaka sila niyakap na tatlo.

"Daddy look!" Zylan

"Me too! Me too!" Dylan

Sabay kaming napatingin ni Jorgette sa parehong kamay ng kambal na may apat na star.

"Good job!" sabi ko sa dalawa tsaka sila hinalikan sa noo.

"Sabi ko na matatalino mga anak ko eh!" masayang sabi ni Jorgette.

"Okay dahil diyan, where do you want to go?" tanong ko

"Mcdo!" Zylan

"No!" kontra ni Dylan sa sinabi ng kapatid niya.

"I think....MCDONALD'S!" napahalakhak na lang kami sagot ni Dylan, ayaw niya sa macdo pero gusto niya sa MacDonald.

"Ikaw talaga...tara na nga!" natatawang sambit ni Jorgette.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon