Chapter 7

4.6K 92 8
                                    

Jorgette's POV

"

Oh ano naman yan?" sulpot na tanong ni Yohan kasama si Josh, Lester at Clark.

"Ano paba? sugat!" Pambabara naman ni Tyron. Kanina pa yan salubong ang kilay. Halos di maipinta.

"Ouch!" Agad kong nahila ang braso ko nang sandaling madampian ito ng alcohol.

"Shit! Im sorry" Sabi ni Tyron tsaka ako agad niyakap. Kung tutuusin para sa akin maliit lang na sugat to. Hindi naman kalakihan pero ewan ko kung bakit ganyan na lang sila maka react.

"Eh napano nga?"

"Sinaktan ng mama ni Unice" Sagot ni Tyron.

Pagkatapos gamutin ni Tyron ang sugat ko ay ang saktong pagdating ni Unice. Napatingin ito sa aming gawi habang matalim ang titig. Agad namang tumayo si Tyron tsaka mabilis na kinaladkad si Unice palabas.

"Teka Tyron-" Natakot ako sa gagawin ni Tyron kaya susunod sana ako pero mabilis akong pinigil ni Josh at Clark.

"Kung ano man ang gagawin ni Tyron. Dapat lang yun sa kanya. Lakas ng loob nilang saktan ka samantalang hibla ng buhok mo di magalaw ng sarili mong ama na siyang nagpakahirap sayo" natahimik na lang ako sa sinabi ni Lester.

Mabuti pa sila, ramdam ko ang pagmamahal nila kahit pa kaibigan ko lang sila. Pero sariling ama ko? hindi kita ang halaga ko. Mas nakikita ang halaga ng iba. Ang pangalawang ina ko naman tingin sakin walang kwenta, tingin sakin isang basura, isang alila sa sarili kong pamamahay.

"Ayokong saktan niya si Unice" sabi ko tsaka umupo. Hindi ako ganon kasama na dahil sa hindi ako mahal ni Unice ay hindi ko na din siya mamahalin. Mabuti akong tao, maayos ang pagpapalaki sakin ng tunay kong ina. At yun ang hinding-hindi ko babaguhin masaktan man ako ng paulit-ulit.

"Babe" sulpot ni Tyron tsaka ako dinampian ng halik sa labi.

"S-sinaktan mo ba siya?" tanong ko.

"Binalaan ko lang siya. Ayoko ng nasasaktan ka. Ayoko ng inaapi ka. Prinsesa kita at gusto ko lagi kang masaya" Sagot niya. Hindi ko alam kung bakit ba ganito siya, na sa simpleng banat niya nararamdaman kong hindi ako nag-iisa. Pakiramdam ko kaya ko. Kaya kong abutin lahat ng pangarap ko gano man kadami ang taong gustong humila sakin pababa.

Natapos ang maghapong hindi umalis si Tyron sa tabi ko kasama sila Clark. Tinginan at bulungan ng mga tao ang naririnig ko pero kung papansinin ko sila, buhay ko lang ang masisira.

Alam kong wala akong ginagawang masama.

"Dika ba talaga pwede sa Sunday? kahit bukas manlang?" tanong sakin ni Tyron habang inaayos ko ang gamit ko. Nandito na kasi kami sa bahay. Maaga kaming umuwi dahil may aasikasuhin pa daw si Tyron.

"try mo kayang magpaalam sa dad mo. Hindi diyan sa bwisit na step mom mo!" galit na saad nito. Loko talaga to

"Uy! bunganga neto oh! Mama ko padin yon kaya kailangan makinig ako" sabi ko. Kailangan makinig ako kahit nasasaktan ako.

"Psh! Ingat babe" sabi nito tsaka ako hinawakan sa batok at hinalikan.

Gusto ko ng bumitaw pero bakit ba parang minamagnet ang labi ko? ramdam kong muli ang paggalaw ng labi niya kaya nanlaban ulit ako. Hanggang sa bumitaw siya ng halik tsaka ako hinalikan sa leeg.

Hindi ko siya maitulak dahil alam ko ang ibig niyang sabihin pero bakit ganito? bakit ba parang pati katawan ko gustong gusto ito?

Mas lumalim ang halik niya sakin hanggang sa palapit na siya ng palapit sa dibdib ko. Bigla niyang ipinasok ang kamay sa loob ng damit ko tsaka nilamas ang dibdib ko. Nang ibaba niya  ang kamay sa may panty ko. Doon na lamang ako nagkalakas ng loob para pigilan siya

"B-babe" Pagpigil ko sa kanya tsaka na din lamang siya natauhan.

Sandali siyang huminto sa paghalik sa akin tsaka umayos ng upo. Napatingin naman ako sa alaga niyang nakatayo. Damn paano ba to. Muli akong tumingin sa kanya na seryosong nakatingin sa harapan.

"Sorry. Sana maintindihan mo. B-bibigay ko naman kung anong gusto mo babe. S-sana makapag-antay ka" sabi ko tsaka siya hinawakan sa kamay.  Humarap ito sakin at ngumiti.

"Naiintindihan ko babe. M-mahirap lang kasi magpigil. Im sorry" Sabi niya tsaka hinalikan ang likod ng palad ko.

"Sige na. Alis na ako. Mag-ingat sa pagmamaneho, mahal kita" sabi ko tsaka muling dinampian ng halik ang kanyang mga labi. Nang bumitaw ako, humirit pa ito ng isa tsaka tumawa. Yieeh pogi,!

Humirit pa eh. Nang makalabas ako, agad akong tumawid tsaka papasok na sana ako ng gate nang may mahagip ang mata kong isang babaeng nakatingin sa akin.

Agad akong kinilabutan sa nakita ko. Nanigas at nanlamig. Hindi pwede, patay na siya.

Si mom? paano?

Mabilis ko siyang pinuntahan pero agad din siyang umalis. Hinanap ko siya pero bigla siyang nawala nang may sasakyang bumusina ng malakas.

Pumikit na lang ako at hinintay ang kamatayan ko ng maramdaman ko ang taong yumakap at humila sakin

"Damn! babe are you okay? You scared me!" Agad akong napayakap kay Tyron sa takot habang siya mahigpit din akong niyakap

"Ano ba kasing ginagawa mo? Okay kana ba?" tanong niya sakin tsaka ako inalalayang tumayo.

Imbis na ang muntikang pagkakabangga ko ang nasa isip ko ay si mom na. siya yon at hindi ako pwedeng magkamali. Siya yon, si mom ang nakita ko.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon