Jorgette's POV"Oh! dumating kapang malandi ka! Gawain ba yan ng matinong babae?!" galit na saad ni mom tsaka ako ulit hinila sa buhok.
"K-kumain lang po kami sa-"
"Sinungaling! Galing ka na naman sa condo ng boyfriend mo! ipinakamot yang kakatihan mo!" Sabat ni Unice.
"Nagsasabi ako ng totoo!" sigaw ko kay Unice pero isang malutong na sampal lang ang binigay sakin ni mom. Napahawak na lang ako sa mukha kong namanhid ata dahil sa sakit.
"Ito ang tatandaan mo Jorgette! Ako, ako na mismong ina niya hindi nakarinig ng sigaw o kahit na anong masasakit na salita galing sakin pero ikaw? sisigawan mo? Oh ano? magagalit ka dahil nagsasabi ang anak ko ng totoo? Napakalandi mo! magsama kayo ng ina mo malandi kayo!" Galit na sigaw ni mom sakin tsaka ako itinulak nang matama ang braso ko sa kanto ng mesa.
"Umayos ka!" huling sambit ni mom tsaka ako iniwan na umiiyak.
"Oh eh ano ka ngayon? lalandi landi kasi eh" ngising sambit ni Unice tsaka ako iniwan.
"Okay ka lang ba anak?" sulpot ni manang Polly at ate Mae tsaka ako tinulungang tumayo.
"Okay lang po" sagot ko tsaka pinahid ang luha ko.
"Saan kaba galing kasi? Sa susunod huwag kana kasing magpalate ng uwi nang dika saktan ng bruha yon" sabat naman ni ate Mae.
Umupo ako sa sofa tsaka tinignan ang dumudugo kong braso. Bakit ba sila ganyan sa akin? ano bang naging kasalanan ko sa kanila? lahat naman ginawa ko ah? lahat naman sinunod at sinusunod ko.
"Jusko bata ka, medyo malaki sugat mo. Halika't gamutin natin bago pa dumugo ng dumugo yan" nagmamadaling nagtungo si manang Polly sa may medicine kit tsaka ito kinuha at ginamot ang sugat sa braso ko.
"Hi baby" sulpot ni daddy sa pintuan. Napalingon ako sa kanya ng may luha sa mata, agad akong umiwas ng tingin at nagpunas ng luha tsaka ulit tumingin sa kanya ng may pekeng ngiti.
"Oh anak. Why are you crying? what happened?" alalang tanong niya sakin tsaka umupo sa tabi ko sabay yakap sa akin. I miss Dad at hindi ko na kayang pigilan pa ang luha ko kaya humagulgol ako hanggang sa mailabas ko lahat ng sama ng loob ko sa bagong asawa ni dad.
Gusto kong lumaban sa pang-aapi nila sakin dad, but i love you. Ayaw kitang makitang nasasaktan at nalulungkot ng dahil sa akin. Natatakot ako na baka sa susunod na iwan ka ulit ng taong mahal mo, baka pati ikaw mawala na din sa akin.
"Anak what happened? Teka bakit ka may sugat?" alalang tanong nito nang makita ang sugat ko sa braso.
"W-wala ito dad. N-nagtakbuhan kasi kanina mga classmates ko. Dahil siguro sa pagmamadali nila kaya ako nabunggo at napatama sa kung saan" Pagsisinungaling ko. Sana lang maniwala ka dad.
"Eh bakit ganyan ka makaiyak? hmmm... umiiyak parin ba prinsesa ko kapag may sugat?" tanong nito sakin. Ngumiti ako ng mapait tsaka ko siya niyakap
"I miss you, dad" Umiiyak po ako dahil sa sama ng loob. Dad sarili kong pamamahay ito pero bakit ako yung naaapi? ako yung inaalila? iniwan ito ni mom sa akin bago siya namatay. Pero bakit ganon? lahat ng galaw ko, nakadipende sa mga taong nakikitira dito sa bahay ko?
"Hayyy...I miss you too baby" sagot niya.
Dad kung miss mo ako bakit ganito? hindi mo manlang ako mabigyan ng oras? Na para bang wala kang pakialam sa akin? Palagi kang wala sa bahay na ito. Na sa tuwing titignan mo ako, Segundo lang tapos umiiwas kana ng tingin? anong mali sakin dad?
"Honey?" Ngiting tawag ni mom kay dad tsaka ito masayang bumababa ng hagdan palapit kay daddy. Sinalubong naman ito ni dad tsaka niyakap
"Mae, pakitawag ang anak ko. Sabihin mo dumating na ang daddy niya" utos nito kay ate Mae. Nanatili akong tahimik na inayos ang gamit tsaka naglakad patungo ng kwarto ko pero tinawag ako ni mom
"Jorgette anak, kakain na tayo. Gutom kana ba?" Malambing na tanong niya sakin. Humarap ako sakanila ng nakangiti habang nasasaktan.
"Busog pa ako mom. Kayo na lang po" pagtanggi ko tsaka tumalikod. Inaasahan kong tatawagin ulit ako ni dad pero hindi yon ang narinig ko
"How's your day honey?" Tanong niya kay mom. Tumakbo ako sa kwarto ko tsaka umiyak ng umiyak. Kinalimutan niya na ang babaeng unang minahal niya. Ang babaeng kasama niyang bumuo ng pamilya.
Ngayon, bumabalik ang galit ko kay dad. Okay na sa akin yung hayaan niya yung kaso ni mom eh. Yung kaso niyang hindi manlang nahanap ang bangkay ng ina ko. Okay na sana yun, ang ikinasasama lang ng loob ko. Pati sa puso't isip niya tuluyan niya ng kinalimutan ang aking tunay na ina.
Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa diko namalayang nakatulog na pala ako.
BINABASA MO ANG
She's mine (BaFat#3)
Romantizm"You think you can scape from me?... You can't Jorgette! you're mine!" mga katagang pabalik-balik sa aking isipan. . Ayoko na! Tapos na kami! he raped me! galit ako sa kanya at hindi ko siya kailan man mapapatawad! "Mom? where's dad? i want him? i...