Chapter 2

6.2K 122 12
                                    

Jorgette's POV

"Late ka na naman nakauwi?! tsaka sino yung naghatid sayo, malandi ka?!" Galit na sigaw sakin ni mom tsaka ako hinila sa buhok. Napahawakan naman ako sa kamay niya dahil sa sakit. Feeling ko sumama na pati anit ko.

"Who else mom? Boyfriend niya yon. Galing nga yan ng condo niya eh" Pagsisinungaling ni Unice. Sa pamilyang ito, ako si Cinderella. Inaapi at inaalila ng mag-ina ni dad.

Palaging ganito, sa tuwing malelate ako sa pag-uwi. Sa tuwing may inutos silang diko magawa. Sa tuwing mas pinapaburan ako ni dad, yan sila. Nagagalit sakin.

Gusto ko na nga maglayas eh, kaso mahal ko si daddy. Siya na lang ang meron ako. Namatay si mom 12 years old pa lang ako. Namatay siya dahil sa car accident na hanggang ngayon hindi pa nabibigyan ng katarungan pagkamatay ni mom.

May konting galit din ako noon kay dad dahil hindi manlang niya inasikaso ang kaso ni mom bagkus ay hinayaan niya lang at nag-asawa ng iba. Pero nang makita kong masaya na si dad, nawala na ang galit ko. Naging masaya na din ako para sa kanya.

"Mag-luto kana. May bisita si Unice mamaya, ayusin mo trabaho mo" utos ni mom sakin tsaka ako iniwan.
Bumuntong hininga na lang ako tsaka naglakad papuntang kwarto ko, naligo sandali tsaka sinimulan ang gawaing bahay. May kasama naman kaming dalawa dito eh, si ate Mae at manang Polly pero hindi ko alam kung bakit ako pa ang magluluto.

Hindi sa nagrereklamo ako pero madami pa akong kailangang gawin sa mga reviewer ko. Yung mapapaisip ka na lang 'inaalila ka sa sarili mong bahay'.

Dumaan ang maraming oras at heto na kami naghahanda ng pagkain nang sabay-sabay naman na dumating si Jerome, Alden, Mika at iba pang kaibigan ni Unice. Tapos ko na naman ang trabaho ko kaya minabuti ko na lang na pumasok sa kwarto para magreview.

**toott**

Agad akong napatingin sa text sa cellphone ko. Si Tyron.

Tyron: Babe...
Ako: Hmmm?
Tyron: I miss you

At heto na naman siya. Pinapakilig ako sa mga simpleng banat niya.

Ako: Haha, magkasama lang tayo kanina eh

Tyron: Eh hindi kita nasolo. Pwede bang sa ngayon, hayaan mo akong masolo ka?

Ako: Haha. Sige ba

Tyron: Baba ka diyan, nandito ako sa harap ng bahay niyo.

Mabilis akong lumapit sa bintana tsaka sinilip siya sa labas. Nakaupo siya sa harap ng kotse niya, nakausot ng pambahay. Hayst bakit ba ganyan siya ka-gwapo?

Ako: Okay, pababa na ako

Mabilis akong bumaba tsaka binuksan ang gate, kumaway ako sa kanya mula sa kabila. Patakbo akong tumawid habang siya salubong ang kilay na nakatingin sa dibdib kong umaalog dahil sa pagtakbo.

"Oh bat ganyan ka makatingin?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya. Hindi siya umimik pero pinagbuksan ako ng pinto.

"Bakit ganyan ka makasuot?" tanong niya pabalik. Napatingin ako sa sando ko tsaka sa maiksing short ko.

"Nandiyan pa naman sila Jerome. Kung sayo okay lang na magsuot ka ng ganyan but its different from me" Heto na naman siya. Manenermon, akala ko ba gusto lang akong masolo? uuwi na lang ako. Bubuksan ko na sana ang pinto pero nakalock ito.

"What are you doing?" tanong niya sakin.

"Buksan mo" sabi ko pero nakatingin lang siya sakin

"Stay here, okay?" sagot niya.

"Gusto mo lang sermonan ako, uuwi na lang ako. Hindi naman ako nakita nila Jerome sa ganitong suot eh" sabi ko tsaka humarap sa bintana at pinagmasdan ang bahay namin. Ilang sandali lang nang may kamay na pumulupot sa bewang ko kasabay ng paghalik sa leeg ko.

"Im sorry babe, I love you" Taena. Bati na naman kami.

"Ayoko lang na may titingin sayo. Gusto ko ako lang, gusto ko ako lang titingin at magkakagusto sayo" Umiiral na naman pagkaseloso ng boyfriend ko.

"Ang seloso mo talaga" Sabi ko tsaka kumalas ng yakap at humarap sa kanya. Ang manyak, agad isinubsob ang mukha sa pagitan ng dibdib ko.

"Ginagawa mo?" ngiting tanong ko

Kumalas siya ng yakap tsaka lumabas ng sasakyan. Ano na naman kayang balak ng lalaking to, at ngayon ko lang napansin na may mga unan sa likod.

"Anong meron?" tanong ko pero hindi ako pinansin kaya pinanood ko na lang ang ginagawa niya. Yung ibang mga unan pinag patong-patong sa sahig ng kotse dito sa likod at ginawang higaan. Kinuha niya ang natuping fom tsaka inilatag sa ginawa niyang mahihigaan tsaka inilagay ang unan.

"Higa kana" utos niya sa akin. Napapalunok na lang ako habang palipat-lipat ang tingin ko sa ginawa niyang higaan at sa kanya.

"Babe, mahihiga lang tayo. I just want to hug you. Ayaw mo kasi sa condo ko" Sabi niya sabay halakhak. Tumawa na lang din ako tsaka pumasok sa loob at nahiga. Sumunod siyang pumasok tsaka isinarado ang pinto nang bigla siyang pumatong sa akin.

"Babe teka anong ginagawa mo? akala ko ba mahihiga lang tayo" Nag-aalalang tanong ko pero ngumiti lang ito tsaka tuluyang isinubsob ang mukha sa dibdib ko tsaka pumikit. Haysstt ano ba Jorgette! ang dumi ng isip mo.

"I love you" sambit ko habang hinahaplos ang buhok ng lalaking mahal na mahal ko

"I love you more mahal ko" sagot niya tsaka iniangat ang mukha at binigyan ako ng isang mainit at madiing halik sa labi.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon