Chapter 24

4.3K 87 1
                                    


Jorgette's POV

"Oh ate, magmumukmok ka ulit diyan?" tanong ni Mia sakin. Nakabihis ito at mukhang may pupuntahan.

"San punta?" tanong ko tsaka bumangon at inayos ang higaan.

"No ate, saan tayo pupunta" pagtatama niya ng tanong ko. Oh eh bat kasama ako?

"Kasama ako?"

"oo. Nagmumukmok ka nalang dito eh, kailangan mo din makalanghap ng sariwang hangin. Tara sa park" anyaya nito sakin. Napaisip ako, hmm baka kailangan ko din lumabas labas minsan.

"Sige ba" sabi ko tsaka naligo at nag-ayos. White dress at rubber shoes lang ang isinuot ko. Nagdala na din ng malaking tumbler dahil madali akong mauhaw.

Sa paglabas namin pinasamahan kami ni mommy ng dalawang guard. Hayy para mamasyal lang may guard pa. Pagkarating namin dito sa park, naisip na lang ako habang nakikita ang mga cute na batang naglalaro.

Pagkasilang ko ng anak ko, ganyan din ba siya kakulit? ganyan din ba ka-cute? oh mukha ng daddy niya ang makikita ko sa mukha ng anak ko? damn! bakit ba siya na naman nasagi sa isipan ko?!

Maghapon kaming namasyal ni Mia, masaya at kahit sandali nalimutan ko na may problema ako. Na kahit sandali sumaya ulit ako.

4:23pm na din at kailangan na namin umuwi dahil hanggang 5:00pm lang daw kami sabi ni mommy kaya heto, paabalik na kami ng kotse nang makasalubong ko si Unice na may kasamang lalaki. Boyfriend niya siguro.

"Napakamalas ko naman dito pa talaga kasi tayo dumaan" parinig ni Unice. Hindi ako kumibo at nanatiling nakatayo sa harapan niya. Ayoko ng gulo, may bata sa tiyan ko na kailangan ng pag-iingat para sa anak ko.

"Tumataba ka ata? are you pregnant?" ngising tanong niya sakin.

"Disgrasyada?"

"Puro ka kasi kalandian eh" sige lang Unice. Sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin. Magsawa ka, tutal karma na ang bahala sayo.

"Oh eh bakit kung buntis ang ate ko? tsaka ikaw babae, kamukha mo yung babaeng nanampal sa kapatid ko. Siguro mama mo yung pangit na yon?!" pang-aasar ni Mia. Agad ko naman siniko si Mia para magtigil.

"At sino ka naman para makialam sa usapan ng may usapan?" sabi ni Unice tsaka itinulak si Mia. Napaatras naman si Mia.

"Ah gusto mo away ah?! teka! ate hawakan mo to" nanggigigil na iniabot sakin ni Mia ang bag at iba pang hawak niya. Jusme ito na yon!

"Mia let's go home-"

"No ate, tinulak niya ako. Gaganti ako!" sagot nito tsaka mabilis na sinapak sa bunganga si Unice. Napaatras naman ito at napahawak sa bibig niya. Pagkaalis niya ng kamay sa bibig niya, dugo agad ang bumungad samin galing sa bitak niyang bibig.

"How dare you!"galit na sigaw ni Unice tsaka sinabunutan si Mia. Mabilis akong pumunta sa guard na pinapanood lang sila. jusko anong silbi nilang sumama sama pa?

"Kuya awatin niyo sila" sabi ko na agad naman nilang ginawa.

"bitawan niyo ako tuturuan ko ng leksyon yang babaeng yan-kuya bitawan niyoko sabi eh! isa! isusumbong ko kayo kay mommy! gaganti lang ako sa bwisit na yan! tinulak ako! hoy bumalik ka dito. hindi pa tayo tapos! bitawan niyoko sabi eh-" sigaw ni Mia habang buhat siya ng guard papuntang kotse. Si Unice naman hinila siya ng kasama niyang lalaki paalis.

Jusko naman Mia. Mapapaaway tayo palagi sa bunganga mo eh.

Pag-uwi namin ng bahay, heto siya nagsusumbong kay mommy. Kinukwento ang pangyayari habang ako naman abala sa pagkain ng pritong manok.

Mula nang maglihi ako dina nawawalan ng pritong manok sa kusina.

"Ano pang ginawa niya sayo?" alalang tanong ni mommy sa kapatid ko

"opo mommy. Tinulak niya ako kaya gumanti ako. Alam mo bang mas masakit ginawa ko sakanya? so ayon. dahil sa kayabangan niya napadugo ko bibig" kwento nito tsaka sila nagtawanan ni mommy. Napatawa na lang din ako dahil inaasal nila. Para silang bata.

Pagkatapos naming magkwentuhan at kumain ay dumiretso na ako ng kwarto ko upang magpahinga.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon