Chapter 35

4.4K 84 8
                                    

Jorgette's POV

Maaga akong gumising dahil madami pa akong aayusin. Madaming gamit ang kailangang ihanda, hindi na kasi gaya ng dati na gamit ko lang ang inihahanda ko.

5:25 am pa lang at mamayang 1:00 pm pa naman kami bibyahe papuntang probinsiya. Dadalaw kila lolo't lola. Isang buwan lang kami doon dahil pasukan na next month.

Bago ako bumangon sa higaan ko, binigyan ko muna ng tag isang halik sa noo ng dalawang prinsipe sa buhay ko. Nakakalungkot lang dahil buong akala ko, magbabago ang magiging kamukha ng mga anak ko pero habang lumalaki sila. Isang batang Tyron ang nakikita ko.

Nasasaktan ako para sa mga anak ko na lumalaking walang kalinga ng isang ama pero anong magagawa ko? Sinira ng ama nila ang buhay ko. Yung mga pangarap ko na akala ko makakasama ko siyang tutupad at bubuo? Nagkamali ako dahil siya din pala ang sisira at tatapos nito.

Pero okay na sa akin. Galit ako sa kanya pero yung pagmamahal wala na. Ang importante sa akin ay ang makapiling ang dalawa kong anak.

"Jorgette anak, one month tayo doon kaya dalhin mo mga importanteng magagamit ng mga apo ko" bungad ni daddy sa akin sabay halik sa pisngi ng natutulog na kambal.

"Yes dad" sagot ko tsaka inilabas ang isang malaking bag sa cabinet ni Zylan.

Binilhan ko na si Zylan ng sarili niyang cabinet ganun din si Dylan dahil wala ng space kapag paghahaluin pa ang gamit nila. Sa tuwing kaarawan nila napakaraming damit ang natatanggap nila, napaka hilig din bumili nila mom at dad ng damit nila ganon na din ang mga laruan nila.

Isang dosenang pares lang na damit ang dinala ko para kay Zylan, ganon din kay Dylan. Ang hirap kasi bumyaheng napakarami mong dala tapos may dalawang makulit pa na bata.

"Dylan! Dylan! Wake up! It's already 6:00 am!"  dinig kong boses ni Zylan habang niyuyugyog si Dylan. Napangiti akong lumingon sa magkapatid.

"Zylan, careful love you might fall." suway ko sa kanya nang makitang umupo ito sa gilid ng kama. Umayos ito ng upo tsaka ngumiti sa akin.

Ang gwapo lang ng anak ko.

"Mommy where's my milk?" tanong ni Dylan ng makagising ito. Yan siya eh, yung kakagising pa lang gatas na agad ang hinahanap ng mga mata niya.

"Mommy what is this?" tanong din ni Zylan sabay angat ng banana chips na tinatago ko sa may drawer ko. Tinatago ko dahil pag iyan nakita nila hindi na naman nila titigilan.

"Can i eat this one mommy?" Zylan. Lumapit ako sakanya tsaka dahan-dahang kinuha ang pagkaing hawak niya.

"Mommy i'm hungry!" Dylan.

"No honey, this banana chips is for mommy-"

"Jorgette kain na tayo" sulpot ni mommy sa pinto. Tumango ako tsaka tumingin sa kama nang makitang wala si Dylan.

"Where's my toy?" sabi ni Dylan sabay kalkal ulit ng bag na kakaayos ko lang kanina pa.

"Mmmm! Sharap!" napalingon ako kay Zylan na punong-puno na ng banana chips ang bunganga.

Jusko! Ngayon alam niyo na kung bakit kailangan kong maghanda ng pagkaaga-aga.

"It doesn't taste good anak" banat ko kay Zylan sabay kuha ng pagkaing hawak niya tsaka ibinalik sa plastic at inilagay sa taas kung saan hindi niya ito maabot.

"Dylan anak your toy is here, look at mommy!" hindi ako nilingon sa halip ay kay mommy pumunta.

"Apo come to lola, let's eat na" mommy

"Zylan let's go" mommy.

Nagtungo sila sa baba habang ako sinamantala habang wala ang dalawa. Mabilis kong inayos ang mga gamit ganon na din ang isusuot nila mamaya. Naghanap na din ako ng maisusuot ko tsaka inayos ang kama at bumaba.

Nadatnan ko si Mia na abala sa pagsubo ng pagkain kay Zylan habang nasa kandungan ito ni daddy. Si Dylan na nasa taas ng lamesa at masayang kumakain sa plato ni mommy na ikinatutuwa naman ni mommy.

"Dylan..." ngiting tawag ko sa anak ko. Lumingon ito sa akin tsaka iniabot ang hawak niyang hotdog na may kagat.

"Mommy gushto?" tanong nito habang iniaabot ang hotdog sakin. Lumapit ako dito tsaka kinuha at kinain.

"Thank you anak" sabi ko tsaka umupo at kumain.

Araw-araw ganito kami. Mula nang dumating ang kambal nagkaroon na ng di maipaliwanag na saya ang bahay na ito.

Yung sa araw-araw kong nakikitang ngiti at tawa ng kambal lahat ng pagod, sakripisyo at hirap ko noon, ngayon nakikita ko na ang magandang bunga.

Ang saya, napakasaya. Apat na taong gulang na nila, kay bilis ng panahon. Parang kailan lang noong hinehele ko silang matulog habang puyat na puyat ako haha. Noong anim na buwan nilang ginamitan ko sila ng ibang sabon na dahilan ng pangangati ng katawan nila dahil diko namalayang ubos na pala ang dating sabon nila? Iniyakan ko yon dahil sa kaba at takot na akala ko kung ano ng masamang nangyari sa mga anak ko.

Yung araw na nadulas si mommy habang buhat si Zylan sa mismong harapan ko. Halo-halong takot ang naramdaman ko sa araw na yon. Yung mga araw na check up nila na iniiyakan ko din kapag nakikitang umiiyak ang mga anak ko.

Ganon talaga eh. Kapag mommy kana maiintindihan niyo ang ibig kong sabihin. Yung sa anak mo na umiikot mundo mo. Sakanila na buong atensyon mo.

Yung oras na dapat ilaan para sa sarili'y binibigay na lang sa mga anak dahil sila na ang first priority mo.

Na ikaw na yung unang masasaktan at iiyak kapag nakikita mo silang nasasaktan at nahihirapan. Mahirap pero masaya.

Swerte nga ng mga batang kumpleto ang magulang eh. Yung mga batang kasama ang nanay at tatay nila, yung mula sanggol sila dama nila ang kalinga ng isang ama,  meron silang ama na pumoprotekta kapag naaapi sila.

Pero ang mga anak ko? Isinilang na walang ama.  Lumaking walang ama. At ako na kinaya lahat ng sakit, hirap at pagod para buhayin ang mga anak ko. Inako lahat ng responsibilidad ng ama nila.

Kaya yung ibang tao'ng maiissue. Anong karapatan niyong husgahan ang pagiging isang single mom namin? Na huhusgahan kami bilang isang disgrashyada, maagang lumandi ngunit iniwan sa huli?

Na sasabihin niyong 'huwag yan dahil may anak na yan, huwag yan dina virgin yan'. Mabuti nga kayo, yung taong mahal niyo pinanagutan kayo. Pero ako? Ginahasa, sinira ang lahat lahat sakin. Iniwan ng walang paliwanag. At sa araw na magkikita kami, wala ng Tyron na papasok sa buhay naming mag-iina.




Author's Note

Nyahahaha! Ang lalim daw ng hugot ko about sa pagiging isang single mom sabi ng ilan sa readers ko, natanong din nila kung single mom daw ba ako bakit parang damang-dama ko ng hirap ng isang single mom.

Haha! Dalaga pa po ako, walang boypren dahil siguro pangit ako hihi! Alam ko lang ang hirap ng single mom dahil nakikita ko ito sa ate ko. Na nagiging doble kayod na para sa dalawang prinsesa sa niya,

Yun lang naman.

Thank you!

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon