Chapter 40

4.4K 74 1
                                    

Jorgette's POV

"Oh ready na ba lahat ng gamit? Ikaw Mia baka may nakalimutan kapa" tanong ni daddy kay Mia.

"Okay na daddy" sagot nito sabay sakay sa van tsaka kinandong si Zylan.

"haysstt! Ewan ko ba sa batang ito bakit biglaang napaaga ang uwi. Isang linggo pa lang kayo dito eh" malungkot na saad ni lola.

Sorry lola, gusto ko man pero hindi na talaga kami pwedeng magtagal dito. Palagi na lang nagkukrus ang landas namin ng ex-boyfriend ko, natatakot akong sa bawat pagkikita namin ay may malaman siyang hindi dapat malaman.

Babawi na lang kami next time lola. Kapag okay na ang lahat, ayoko naman na magtampo kayo sa akin pero mas ayoko yung malaman ni Tyron na may anak siya sakin.

"M-may mga dapat lang akong ayusin lola, babalik naman po kami next time" saad ko.

Mahaba-haba ulit ang byahe pero hindi ko manlang namalayang nakarating na pala kami. Dahil na din siguro sa pag-iisip kung anong dapat gawin para sa mga anak ko.

Kinabukasan

"Good mowning mommy" bati ni Dylan sabay kusot ng mata. Ang cute naman ng anak ko.

"Good morning anak ko, i love you" bati ko pabalik. Humikab ito tsaka lumabas ng pinto. Sigurado akong kila mommy ang punta nito.

Maaga akong nagising dahil masyadong magulo ang kwarto namin. Madaming bag at laruan ang nagkalat dahil na din sa kakamadali namin kagabi dahil gabi na din nang makauwi kami.

Pagkatapos kong maglinis ng kwarto ay ginising ko na din si Zylan at bumaba sa sala. Habang nakaupo kami ako sa sofa habang nanonood, naisip ko.

Paano kaya kung magsarili na lang kami ng kambal ng bahay? Hindi habang buhay meron si mommy at daddy na umaalalay sakin, sa amin ng mga anak ko. Kailangan ko ding matutong tumayo sa sarili kong paa. Buhayin ang kambal ng mag-isa.

"Jorgette" tawag ni mommy sa pangalan ko kasama si daddy sabay upo sa tabi ko.

"Yes po?" tanong ko

"Since napaaga ang uwi natin, ahm gusto sana naming makausap ka tungkol sa alis namin ng mommy mo" pauna ni daddy.

About ba ito sa napag-usapan namin noon na aalis sila ng bansa? Uuwi sa London kung saan tumira si mommy noon?

"Akala ko po next month pa?" tanong ko. Ewan ko pero dahil sa narinig ko feeling ko ang lungkot ko.

"Oo anak pero gusto sana namin ng daddy mo na mapaaga uwi namin doon pero kung ayaw mo okay lang sa amin na next month pa" sagot ni mommy, bumuntong hininga ako tsaka nagsalita,

"Hmmm kung talagang kailangan na kayo ng trabaho mo dun mom okay lang naman sakin. Meron naman sila manang na kasama ko, hindi ko lang maiwasang hindi ka mamiss. Kayo ni daddy " sabi ko kasabay ng panggigilid ng luha ko.

"Tatawag naman kami anak, mamimiss ko kayo lalo na ang mga apo ko pero kailangan kong magtrabaho" sabi ni mommy.

"Kailan po alis niyo?" tanong ko

"Next week na anak" daddy.

Ang lungkot lang talaga,

Tyron's pOV

"Bakit parang wala na sila diyan?" iinis na tanong ko kay Vince habang nagmamasid sa kabuoan ng bahay nila Jorgette. Wala eh, pakiramdam ko may dapat akong malaman,

"Wait lalabas ako" sabi ni Vince. Lumabas ito tsaka nagtanong sa matandang babaeng bagong dating. Pagkatapos ay bumalik dito sa sasakyan

"Umuwi daw sila eh. Kahapon daw" sabi nito, tss umiiwas siya.

"Uwi na tayo" sabi ko tsaka tumingin sa labas at bumuntong hininga.

Umiiwas si Jorgette pero mukhang sa akin parin kumakampi ang tadhana kahit pa ako yung nagkasala. Gusto kong malaman ang totoo, dahil pakiramdam ko anak ko ang mga bata. Malaking katanungan ngayon sa isip ko kung nagbunga ba ang pang bababoy ko sakanya. Takte!

Kung anak ko nga ang dalawa, hindi ko hahayaan na mawala sila sa buhay ko. Maaring nasira ko buhay ng babaeng mahal ko pero maari din naman itong ayusin ngayon pero napapatanong na lang ako sa isip ko kung huli na ba ako.

Kung may ibang nagmamay-ari na ba sa puso ng babaeng sobrang mahal ko. Kung meron man, siguro nga huli na ako. Huli na para ayusin ang sakit na dulot at iniwan ko. Huli na para suyuin ang babaeng mahal ko.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon