Chapter 22

4.3K 89 2
                                    

Bella's pOV

Maaga akong umalis nang bahay para sa meeting ko with mr. Alvarez, my ex-husband. Mukhang kumagat sila sa patibong ko.

Sa isang business proposal magsisimula ang lahat. Lahat nang gagawin ko, kulang pa sa sakit at pag-hihirap ng anak ko. Kulang na kulang pa. Makukuntento na lang siguro ako kapag halos gumapang na sila sa harapan ng anak ko upang humingi ng kapatawaran sa lahat nang nagawa nila. Okay lang sa akin yung pagtaksilan ako pero yung tungkol kay Jorgette ibang usapan na yon.

"Maam nandito na tayo" sabi ng driver ko nang makarating kami dito. Mabilis akong nag-ayos ng sarili at tumingin sa labas.

Nahagip nang mata ko si Ruth na nakahawak sa braso ni Jorge. Inaamin kong hanggang ngayon nakakaramdam parin ako ng selos pero uunahin ko paba ito? kung para sa anak ko naman ang gagawin kong to?

"Tatawagan na lang kita kapag magpapasundo na ako" sabi ko tsaka lumabas ng kotse kasama ang dalawang bodyguard ko.

"Good morning m-mrs. Alvarez" utal na bati sakin ni Jorge nang magkaharap kami. Ngumiti ako ng matamis kahit sa loob-loobin ko'y gusto ko nang manakit.

"Good morning, mr. Alvarez" ngising bati ko pabalik tsaka lumingon kay Ruth na matalim ang tingin sakin.

Anong magagawa ko kung hanggang ngayon gamit ko parin ang apelyido ng ASAWA KO? kasal pa kami eh. Hawak ko pa ang papel.

"Have a sit" ngiti ni Jorge. Ngumiti ako sakanya pabalik tsaka umupo.

Mahaba ang oras ng pag-uusap namin habang si Ruth todo hawak sa braso ni Jorge na halatang ikinaiinis naman ni Jorge. Okay, ngayon pa lang panalo na ako. Wala pa akong ginagawa, mukhang mag-aaway mga to mamaya.

Natapos ang oras ng meeting na puro kontra ang ginagawa ni Ruth habang wala namang pumapansin.

Naglalakad na ako palabas ng building nang biglang may humawak sa braso ko tsaka ako mabilis na sinampal. Todo tinginan naman lahat ang mga tao.

"Ano bang plano mo?!" galit na sigaw sakin ni Ruth habang nakawak ng mahigpit ang braso ko. Kalmado lang akong humarap sa kanya kahit gustong-gusto ko na siyang patulan.

"Ikaw, kung anong nasa isip mo?" sagot ko tsaka binawi ang braso ko. Pinagpagan ko naman ang braso kong hinawakan nito tsaka nakangising tumingin sa kanya.

"Masaya na kami ng asawa ko-"

"Kabit ka lang hindi ba?" singit ko. Kita ko ang galit sa mukha niya. Akma niya ulit akong hahawakan nang mabilis na humarang ang dalawang bodyguard ko kasabay nang pagdating ni Jorge.

"Anong kaguluhan to?" tanong nito.

"Pagsabihan mo yang kabit mo. Para kasing AHAS na nanunuklaw. Ikulong mo, baka makapanakit ng iba delikado. Ahas kapa naman" baling ko kay Ruth na namumula na sa hiya. Inirapan ko siya tsaka rumampa paalis ng building.

Dumiretso ako sa company ko tsaka sinimulan ang trabaho ko pagkatapos ay maagang umuwi. Naghihintay pa kasi sakin ang dalawang prinsesa ko.

"Hi mom" bati ni Mia sakin pagkauwi ko.

"Where's Jorgette?" tanong ko nang mapansing wala ito.

"Haystt... Mommy!" sabi nito tsaka ibinagsak ang katawan sa sofa na akala mo ang laki ng problema.

"Where is she?" tanong ko. Itinuro niya naman ang kusina. Iniwan ko ang bag ko sa tabi niya tsaka nagtungo sa kusina.

Natameme na lang ako nang madatnan ang anak kong kumakain ng pritong manok na halos mapuno na yung bunganga sa dami ng laman nito. May mga mangga at iba't ibang sawsawan din ang nakalagay sa harapan niya.

Mukhang magkaka-apo na nga talaga ako. Umupo ako sa tabi niya tsaka hinaplos ang buhok niya. Napaluha na lang ako sa sakit na nararamdaman ko para sa anak ko.

Hindi ko alam kung ginahasa ba ito o iniwan ng lalaking nakabuntis sa kanya. Kahit hindi nito sabihin ang lungkot na nararamdaman niya kitang-kita ko ito.

"Mom omooyok ko?" (Mom umiiyak ka?) tanong nito sa akin habang puno ng pagkain ang bunganga.

"Anak sorry" sabi ko tsaka siya niyakap

"Sorry po saan?"

"Sa lahat-lahat. Kung hindi dahil sakin sana hindi ka sinaktan ng iba sana hindi ka nagkakaganyan sana nag-aaral kapa hanggang ngayon" sabi ko habang humahagulgol.

"Shhhh... Mom, okay lang ako. Tsaka about dito sa pag-bubuntis ko. it's not your fault. Kasalanan ko dahil umibig ako sa maling tao. I love you mom" sagot nito.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon