Chapter 51

4.2K 71 1
                                    

Jorgette's POV

Magdadalawang linggo na kami dito sa bahay ni Tyron kaya nakapag-usap na kami kanina para sa pag-uwi namin. Gusto ko nang umuwi, miss ko na din si Mia ganon din sila mommy at daddy.

Na kahit sa cellphone ko manlang sana makausap ang magulang ko, sigurado tumawag na ang mga yon at hinahanap kami ng mga bata. Sa ngayon paano ko ba ipapaliwanag sa kanila na nandito na si Tyron, ang ama ng mga bata.

Hindi ko alam kung magagalit ba sila o matutuwa dahil simula nang huminto ako ng pag-aaral wala akong sinabing dahilan kung bakit bigla na lang akong huminto.

Hanggang sa magbuntis ako at hanggang ngayon ni simpleng paliwanag wala akong sinabi. Kaya paano ko sasabihin sa kanila na nandito na si Tyron.

Ilang oras din ang lumipas at heto na kami palabas ng sasakyan habang nakahinto ang kotse ni Tyron sa harap ng aming bahay. Ayaw nga niya kaming payagan umuwi, sabi niya na sa bahay niya daw kami tutuloy kaso pinilit ko na lang. Sigurado namang miss na ni Mia ang mga anak ko at ganon din ang kambal sa kanya.

"Were here!" saad ni Dylan sabay labas ng kotse,

"Ingat anak" suway ko nang pumasok ito sa gate. Agad naman itong sinalubong ni Mia tsaka pinuno ng halik sa mukha.

"Babe, sa bahay na kasi kayo uwi" malambing na saad ni Tyron tsaka ako niyakap.

"Next time babe, pwede mo naman puntahan ang mga anak mo. Sigurado namang mamimiss ka nila" sagot ko tsaka bumitaw ng yakap sa kanya,

"Ngayon pa lang miss ko na kayo agad"

"Hmmm. Ingat sa pagdadrive" sabi ko tsak siya niyakap at akmang aalis nang hilain niya ako sa braso tsaka hinalikan. Ramdam ko ang bulate sa tiyan ko ganon na din ang saya na nararamdaman ko.

"Oh tapos na ba kayo? Pwede payakap naman ate?" sulpot ni Mia kaya agad kaming napabitaw. Mabilis akong niyakap ni Mia at ganon din ako, napatawa na lang ako.

"Alis na ako mahal ko" paalam ni Tyron tsaka umalis.

"Ate hinahap ka nila daddy, haayyy! Halos gabi-gabing tumatawag at tinatanong ka. Wala naman akong masabi kaya sinabi ko na ang totoo. Nakasama ko din si Vince sa pagpapaliwanag sa kanila kaya mas lalo nilang naintindihan. Tatawag mga yun mamaya sigurado " paliwanag ni Mia. Hayy! Kinakabahan ako.

"At ikaw, kayo na ba ni Vince?" tanong ko.

"Hmm" sagot nito tsaka namula.

"Actually manliligaw palang" ngiting sagot niya.

"Hasusss! May gusto ka sakanya no?"

"Hehe! Ate oo na! Tara na nga sa loob, daldal!" asik nito tsaka kami sabay pumasok sa loob. Pagkatapos naming kumain agad kong binuksan ang cellphone ko tsaka tinignan ang mga messages mula sa magulang ko.

39 messages and 53 missed calls. Bigla ko silang na miss.

"Hihihi!" biglang hagikgik ni Dylan hawak ang cellphone. Nag wave din ng kamay si Zylan habang nakangiti.

"Oh my! Mga apoooo!" dinig kong boses ni mommy mula sa kabilang linya. Agad akong kinabahan, papagalitan ba ako?

"How are you there mga apo? Where's your mom?" boses ni mommy at daddy.

Dahan-dahan akong lumapit tsaka nagpakita sa camera ng cellphone, agad silang napatigil sa pagsasalita tsaka sumeryoso ang tingin.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon