Chapter 26

4.3K 82 1
                                    

Jorgette's POV

"Jorgette, sasama si Mia sa office sasama kaba?" tanong sakin ni mommy nang makababa ako ng hagdan. Since matagal ko nang gustong sumama doon ay pumayag na lang ako.

Alam ko ding makikita ko si dad doon dahil sabi ni mommy ka sosyo daw niya si dad sa negosyo. Habang nasa byahe kami, diko maiwasang hindi kabahan dahil matagal na ding hindi kami nagkikita ni daddy.

Hindi ko alam kung anong mararamdaan ko sakaling magkita kami. Kung kilala niya paba ako bilang anak niya o hindi na. Hindi ko siya masisisi kung ayaw niya na sa akin dahil iniwan ko siya. Pero paano pa ako mag-stay don?

"Oh Mia, iwasan mo ang pakikipag-away kay Ruth ha? ikaw talaga napaka ano mo!" sabi ni mommy tsaka hinalikan sa noo si Mia.

"Inaaway si ate Jorgette eh. Kaya pinagtatanggol ko" sagot nito.

Pagkarating namin ng building, inayos ko agad ang sarili ko tsaka sumunod kay mommy. Nang makapasok kami ng building, dumiretso na lang kami sa pagawaan ng sardinas kasama ang iba pang trabahador dito.

"Good morning-" bati ni daddy kay mom na agad ding napatigil nang makita ako. Yumuko ako at nagpaalam kay mommy na mamasyal muna dito sa loob ng building. Hindi ko man nakita pero alam kong sinundan ako ni daddy ng tingin. Hindi ko siya kayang kausapin. Hindi ko alam kung galit ba ako sakanya o ano.

"Good morning maam Jorgette"

"Hi po"

"Hi maam"

Ilan lang yan sa mga bati ng mga tao sakin habang naglalakad ako. Nginitian ko na lang sila, hindi ko alam kung paano nila ako nakilala dahil ngayon lang naman ako napunta dito.

"Ahm excuse me. Nasaan yung office dito ni mommy?" tanong ko sa isang babae.

"Ah this way maam. Diretso lang po tapos kanan then may makikita kang pinto don. Mababasa mo lang po yung name ni mrs. Alvarez sa may pinto" turo nito. Tumango ako tsaka tinahak ang direksyong papunta sa office ni mom.

Pagkarating ko dito, agad ko namang nakita ang pinto ng kanyang office kaya pumasok ako dito nang madatnan ko si tita Ruth na may kinakalkal sa drawer ni mommy.

"tita?" tawag ko sakanya. Agad naman itong napatigil at nagulat.

"A-ano pong ginagawa niyo?" tanong ko habang nakatayo sa may pinto

"M-may pinapakuha lang sakin ang mommy mo. Aalis na din ako" sabi nito tsaka tarantang isinara ang drawer ni mommy.

May pinakuha? sa pagkakaalam ko hindi sila ganon ka close para pumayag si mommy na si tita Ruth ang mangalkal sa mga gamit niya at ganon din si tita na ayaw sumunod lalo na sa utos ni mommy. Isa pa, may sekretarya si mom para gumawa niyan. May mali?

Naglakad ako at lumapit sa drawer ni mommy na kanina'y kinakalkal ni tita. Binuksan ko ito at tinignan. Marriage certificate? Anong meron dito? Umupo ako tsaka inayos lahat ng nabuhol-buhol na papers dito sa drawer ni mommy at sakto naman ang kanyang pagdating.

"Why honey?" tanong nito sakin tsaka ibinaba ang bag sa kanyang mesa at lumapit sakin tsaka ako hinalikan aa ulo.

"Galing po kasi dito si tita Ruth mom" sabi ko na ikinagulat niya.

"Ha? anong ginagawa niya dito?" tanong nito. Sabi na nga ba eh.

"Heto po" sabi ko tsaka iniabot ang certificate of marriage nina mom at dad na kinakalkal ni tita kanina.

"Iyan po yung huling hawak niya kanina" sabi ko. Napahinga ng malalim si mommy na para bang may iniisip.

"Anak, gusto ka daw makausap ng daddy mo" pangiiba ni mommy sa usapan. Agad akong nakaramdam ng kaba kaya umiwas ako ng tingin.

"Kung ako sayo anak, hindi ko kakausapin ang daddy mo. Kasinungalingan lang lahat ng sasabihin niya. Mahal niya si Unice at hindi ikaw" nasaktan ako sa sinabi ni mom. Tama naman Siya e. Kaya tama siguro si mom.

"Next time na lang siguro mom. Nagpunta po ako dito para maglibang. I don't want to talk to him. Maybe next time pag okay na ako" sabi ko tsaka ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

Lumabas kami ni mom sa office niya tsaka nagtungo sa pagawaan ng sardines. Naabutan ko pa si daddy at ilang mga tao dito na abala. Si tita Ruth na nasa tabi ni daddy at si Mia na may kakulitang lalaki. Jusme, Mia talaga!

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon