Chapter 46

4.5K 90 8
                                    

Jorgette's POV

Abala ako sa paghahanap ng pwedeng maisuot ng dalawa habang yung bwisit na Tyron na yon naliligo kasama ang dalawa kong anak. Gusto ko nang umuwi, ayoko dito. Ayoko sa piling niya.

Sakit at bighati lang ang idudulot niya sa puso ko kaya kung ako sakanya huwag na siyang umasang babalik pa ako sa kanya. Lakas ng loob tawagin akong mahal niya? Tae niya!

"More daddy!!!" dinig ko mula sa loob ng banyo sabay hagikgik ni Zylan.

Yung saya ngayon ng mga anak ko, ibang-iba kumpara noon hindi pa nila nakilala si Tyron. Mahal ko ang kambal kaya kapag napapaisip ako, magiging selfish ba ako para sa kaligayahan ng mga anak ko. O hahayaan silang makapiling si Tyron na siyang tunay nilang ama?

Siguro hahayaan na lang. Okay lang maging malungkot ako basta kapalit nun kasiyahan ng mga anak ko. Pero kung matatanong niyo kung yung tungkol ba sa amin ni Tyron, ayoko na.

Tapos na kami at hanggang doon na lang yon. Hindi ko siya pwedeng mahalin ulit.

"Grrr mommy! Mommy! It's cold!" sulpot ni Zylan hawak ang towel sa kanyang katawan. Sumunod naman si Dylan na hubad-hubad habang hawak ang kanyang laruan

"Hey daddy come lets play here!" asik ni Dylan sabay takbo sa kama tsaka nagtatalon.

"Dylan you might fall. Stop it" suway ko sabay hanap ulit sa bag na pinakuha ni Tyron kay Clark kanina lang. At ako lang talaga ang walang maisuot ha?!

"Nakahanap kana ba ng damit nila?" sulpot ni Tyron habang naka tapis lang. Napatitig na lang ako sa ganda ng kanyang katawan pababa sa-

"You can touch it babe" ngiting sabi nito na ikinapula ko. Agad akong umiwas ng tingin dahil pakiramdam ko nangangamatis na mukha ko.

"Tumigil ka gago" mahinang saad ko. Marinig pa ng mga bata. Humagikgik naman ng mahina si Tyron sabay sabing

"Tabi tayo matulog ah" agad akong napalunok sa narinig ko. Gagahasain niya ulit ako? Okay fine. Bibigay ako pero sa isang kundisyon, umalis na siya sa buhay ko. Malaya siyang puntahan ang mga anak niya pero hanggang doon lang yon.

Pagkatapos magbihis ng tatlo agad akong nanguha ng pwede kong maisuot at takte bakit panty lang ang meron dito? Asan ang bra at damit ko?

"Tyronn!!" sigaw ko sa pangalan niya mula sa labas. Anong magagamit ko? Panty lang talaga?

"Yes baby?" sulpot nito mula sa pintuan.

"Bakit panty lang meron ako? Asan bra ko? Tsaka damit!" tanong ko. Ngumisi ito tsaka nagsalita

"Edi panty na lang suotin mo, huwag ka nang mag bra tsaka damit" ngising sagot niya.

"Tigilan mo ako Tyron! Wala akong gagamitin" singhal ko. Nakakainis naman, nagpakuha na ng damit ko kulang pa!

"Use this" sabi nito sabay kuha ng damit niya sa cabinet. Salubong na kilay ko namang inabot ito.

"Huwag kana masungit, lalo kang gumaganda eh" sabi nito sabay kindat. Inirapan ko lang ito tsaka pumasok sa banyo.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon