Chapter 21

4.5K 86 6
                                    


Jorgette's pOV

Mag- dadalawang buwan na ang nakalipas mula nang mangyari ng pangyayaring sumira sa pagkatao ko.

Hindi na din siya nagparamdam at nagpakita pa. Okay na siguro yon, yung hindi na kami magkita ni Tyron. Pero inaamin ko, gusto ko siyang makita at makausap kung bakit niya nagawa yon. Gusto kong pakinggan ang paliwanag niya, kaso wala eh. Wala siyang sinabi.

"Tulala ka na naman diyan ate" sulpot ni Mia habang abala ako sa pagtingin sa mga pictures ni Tyron.

Ewan ko ba, galit ako sakanya pero hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko nakikita mga pictures niya. Bago matulog gusto ko nakikita ko muna siya, bago gumising siya ulit.

Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga itong nararamdaman ko, galit ako sakanya pero heto ako. Paulit-ulit na pinapanood mga litrato niya.

"Hayy ano yan? uy gwapo!" sambit nito tsaka umupo sa tabi ko.

"Oh bakit gising kapa?" tanong ko tsaka itinago ang cellphone ko

"Wala ate, just want to check you. Are you okay?" tanong nito sakin. Ngumiti ako tsaka tumango.

"hmm. Are you sure? maghapon kang matamlay?"

"I'm okay Mia" sabi ko tsaka humiga. Ewan ko ba, wala naman akong ginawa pero pakiramdam ko pagod na pagod ako.

Pagkatapos naming mag-usap ni Mia ay umalis na din siya. At heto ulit ako, luha ulit ang pinupunas sa mga mata ko. Ano bang naging kasalanan ko bakit kailangan magdusa ako nang ganito? hindi ko alam kung anong pagkakamali ko. Minahal ko naman siya, pero bakit ganon? Ang sakit lang.

Nagising ako dahil sa umiikot sa sikmura ko. Pakiramdam ko masusuka ako kaya agad akong tumakbo sa banyo para dumuwal kahit nahihilo pa ako. Pagkatapos kong sumuka ay diretso ligo at toothbrush na ako tsaka pumuntang baba. Ilang araw na akong ganito, matamlay pero wala namang sakit.

Pagkababa ko ng hagdan, agad akong nagtungo sa kusina upang kumain. Ilang araw na din akong ganito. kain ng kain na akala mo wala nang bukas. Pagkaupo ko ng lamesa, ang mabahong  adobong baboy agad ang naamoy ko samantalang dati gustong-gusto ko. Agad akong nainis at nagagalit sa simpleng dahilan.

"Ate ano ba yan?! ang baho pwede bang pakiayos." irita kong sigaw tsaka nagtakip ng ilong.

"Sorry po maam. Ito po kasi ang pinaluto ni maam Mia" sagot nito. Haysst ako ang mali pasensiya na. Hindi naman ako ganito dati

"Sorry ate. Pasensiya kana" paghingi ko ng pasensiya. Tumango ito tsaka ngumiti. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ng pritong manok. Ito na ngayon ang kinahihiligan kong kainin tuwing umaga at gaya ng sinasabi ko. Ewan ko kung bakit.

"Good morning baby" sulpot ni mom tsaka ako hinalikan sa noo. Agad ko namang naamoy ang pabango niya at ewan ko ulit kung bakit gustong-gusto ko ang amoy samantalang ayaw ko dati.

"Mom pahingi ng pabango mo" sabi ko. Agad kong nakita ang pagtataka sa mukha nito.

"Diba ayaw mo nang amoy?" takang tanong nito sakin.

"Opo mommy pero gusto ko na ngayon" sabi ko. Tumango ito tsaka ipinakuha ang pabango, nang nasa kamay ko na ito. Bigla akong naduwal sa baho ng amoy nito.

"Jorgette? are you okay? may sakit kaba?" alalang tanong ni mommy sabay salat sa noo at leeg ko.

"Okay lang po ako. Ang baho naman niyan, sayo na lang po" sabi ko.

"Anak i don't understand. Kanina lang gusto mo tapos ngayon... Jorgette. Buntis kaba?" natigilan ako sa tanong ni mommy. Napalunok ako tsaka kinabahan. B-buntis nga ba ako?

"Jorgette are you pregnant?" pag-uulit nito. Bigla kong naalala ang nangyayari sakin nitong nakaraang linggo. At maaring sintomas ito nang  pagdadalang tao ko. Napaupo na lang ako tsaka humagulgol. Agad umupo si mommy sa harap ko tsaka ako niyakap.

"Anak..."

"I'm sorry mommy" humahagulgol ako sa takot sama ng loob at lungkot. Nagkabunga ang panggagahasa sakin ni Tyron.

"Anak paano? anong nangyari?" tanong nito sakin.

"mommy. N-nagkamali ako" sabi ko habang umiiyak. Sasabihin ko bang ginahasa ako? o itatago ko para naman mabawasan ang pag-aalala sakin ng ina ko.

"Jorgette. Paano? sinong ama?" tanong nito sakin.

"N-nagkaroon po ako ng kasintahan mom. P-pero naghiwalay na po kami" sabi ko nang kumalma ako sa pag-iyak.

"Iniwan ka niya?" galit na tanong ni mommy

"N-no mom. S-sana po huwag na nating pag-usapan ang tungkol diyan. Ayaw kitang mag-alala mommy, im sorry dahil sa edad kong ito maaga akong magkakababy" sabi ko tsaka siya niyakap.

"Anong plano mo sa bata?" tanong nito sakin

"Bubuhayin ko mom. Anak ko to eh, aalagaan at mamahalin kagaya ng pagmamahal niyo sakin" sagot ko.

Nasaktan lang ako pero hindi ako mamamatay tao.

A/N

Tadaann!!! ewan ko kung maganda itong part na to haha. Wala ako sa tamang pag-iisip.

Kung may mali man sana paki message ako nang maayos ko agad. Thank you! muuaapzzz

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon