Chapter 45

4.4K 90 10
                                    

Tyron's POV

Gumagabi na din kaya kailangan ko nang magluto lalo pa't nandito ang mga anak ko. Habang hinihiwa ko ang lulutuin ko hindi ko maiwasang hindi mangiti habang iniisip ang mag-iina ko.

Hindi ko alam kung anong kakahantungan nito pero sana darating din ang panahon na maiintindihan ito ni Jorgette na nagawa ko lang yon dahil sa inggit ng kanyang kapatid.

Patuloy lang ako sa pag hiwa ng lulutuin nang maramdaman si Jorgette sa likod ko. Agad akong napatingin dito at pinanood ang kanyang gagawin. Kumuha ito ng baso sabay bukas ng ref at kumuha ng tubig sabay inom.

Sa pag angat niya ng baso, muling nagsalubong ang aming mga mata. Agad naman itong umiwas at kita ko ang pamumula ng kanyang mukha. Shit ang ganda niya.

"Anong tinitingin-tingin mo?!" galit niyang tanong kaya napangiti ako ng matamis.

"Masama bang titigan ang mahal ko?" nakangiting tanong ko.

"Tigilan mo ako Tyron. Pauwiin mo na kami, hinahanap na kami sa bahay!" galit niyang sigaw sakin.

"Mommy are you fighting with daddy?" sulpot ni Zylan mula sa sala.

"A-ahh n-no anak. Nag-uusap lang kami" sagot ni Jorgette.

"Is it true mommy?" paninigurado ni Dylan.

"Yes love. Were just talking" muli niyang sagot.

"Tsaka anak, he is not your dad. K-kaibigan ko lang siya" sandali akong nakaramdam ng sakit sa dibdib ko pero ayos lang. Magtitiis ako bumalik ka lang sakin. Hindi na lang ako umimik tsaka pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"No mommy" sagot ni Dylan habang nanggigilid ang luha. Yan kasi eh, kailangan kasi paiyakin ang bata.

"I want daddyyy" asik ni Zylan sabay lapit sa akin tsaka niyakap ako sa bewang.

"O-okay okay, huwag na umiyak anak ko. *Muah* im sorry. Y-you can call him 'dad" utal na saad ni Jorgette. Agad naman akong napangiti tsaka kinindatan ang kambal.

"Mommy do you love daddy?" muling tanong ni Zylan habang kumakain ng chocolate

"That's enough Zylan. Hindi maganda sa health sobrang pagkain ng chocolate " pangiiba ni Jorgette sa tanong ni Zylan. Sige lang Jorgette, iwasan mo kadaldalan ng anak natin

"I want some more daddy" akmang aabutan ko ito nang magsalita si Jorgette.

"Tama na nga diba? Huwag mo ng bigyan! Anak ko yan, ako ang masusunod. Dylan anak give that to me" pagsusungit nito sakin. Pag ako talaga napikon dito, hahalikan ko ito sa harap mismo ng mga bata. Kanina pa to mainit ang ulo.

"Mommy..." tawag sakanya ni Dylan na para bang takot sa sigaw ni Jorgette.

"I-im sorry anak, l-listen to me kasi-"

"Nagshishigaw ka kay daddy" may pinag manahan nga tong si Dylan at sigurado akong kay Jorgette to. Tigas ulo eh.

"Anak hindi ko siya sinisigawa-"

"Kiss him" kapwa kami napatigil sa pagsabat ni Zylan at seryosong nakatingin kay Jorgette. Nyahahaha that's my boy!

Humarap ako kay Jorgette habang matamis ang ngiti tsaka tumitig sa mga labi niyang natural ang pagkapula. Muli akong tumingin sa mga mata niyang agad niya namang iniwas.

"Anak maybe you can call him dad but-"

"Please mommy "

Pilit ko na lang itinatago ang saya sa puso at mukha ko tsaka pasimpleng kumindat sa mga anak ko, kumindat ito pabalik tsaka ngumiti. Asuss! Sakin kampi ang mga bata nyahaha

"Kiss me daw eh" ngising saad ko.

"Sa pisngi lang" inis na sagot niya.

Ibinaba ko ang mukha mo para maabot niya at nang makalapit ang kanyang labi, agad akong humarap sa kanya upang makuha ang mga labi niya. Agad ko itong hinawakan sa batok sakaling manlaban pero mali ako.

Pumikit ito at hinayaan ako, pumikit na lang din ako at dinamdam ang lambot at init ng kanyang mga labi kasabay ang mabilis na pagkabok ng dibdib ko.

Hindi ko alam na sa tuwing nahahalikan ko siya'y para akong minamagnet sa tuwing gusto kong humiwalay. Para akong hinihila pabalik sa kanyang mga labi.

Shit! Mahal kita Jorgette. Akin ka, akin kayo ng nga bato. You can't scape from me babe. Ikaw ang dahilan nang lahat ng mabuti sakin.

Inalis mo ang kasamaang meron ako at tinuruang maging mabuting tao. Tinuruang ngumiti at tumawa dahil sa saya. Ikaw ang unang babaeng minahal ko at sisiguraduhin kong ikaw din ang babaeng mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko.

Maaring hindi tayo maayos sa ngayon, pero handa akong maghintay hanggang sa dumating ang araw babalik ka sakin. Yung tipong papanoorin na lang kitang nakangiting naglalakad palapit sakin hawak ang mga bulaklak at pareho nating sasabihin ang salitang 'i do'.

"Yieehh!" sabay na tili ng dalawa kaya agad kaming napabitaw. Agad namang umiwas ng tingin si Jorgette habang ako pangiti-ngiti lang.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon