Chapter 53

3.9K 74 1
                                    

Jorgette's POV

Week later

"Pagod ba mag-iina ko?" malambing na tanong ni Tyron sabay lapag ng binili naming gamit ng kambal sa pag-aaral. Masukan na kasi bukas at halos maghapon na kami sa mall.

"No daddy" sagot ni Zylan sabay takbo sa kwarto tsaka kinuha ang mga laruan at itinapon sa basurahan sabay kuha ng kanyang bagong laruan.

"What are you doing anak?" tanong ko nang makitang halos lahat ng lumang laruan niya'y sa basurahan ang bagsak.

"I don't like that mommy" sagot nito tsaka sinimulang maglaro. Kinuha ko ang mga laruan niya tsaka inilagay sa upuan.

Maayos pa ang mga ito na halos kakabili ko lang bago kami napunta sa bahay ni Tyron tapos ayaw niya na agad.

"Bibilhan ko na lang siya ng mga bago babe" saad ni Tyron, psh! Isa din to eh.

"Zylan" tawag ko sakanya tsaka umupo sa sofa, agad siyang lumapit sa akin hawak ng bagong laruan.

"Zylan, your old toys that you don't like anymore hindi mo kailangang itapon kung saan kapag may new toy kana. You have to give it away so that other kids can enjoy it"  saad ko. Tumango ito tsaka ako niyakap.

"Sorry mommy" sagot nito tsaka ako iniwan at bumalik sa kanyang mga bagong laruan habang si Dylan heto sa tabi ko dumedede ng bottle. Ewan ko sa anak kong ito kung anong trip niya't gusto dumede sa bottle samantalang minsan sinasabi niyang big boy na siya. Jusme!

"Mommy" tawag sakin ni Zylan hawak ang naka box niyang bagong laruan.

"Yes anak?"

"Look mommy it's spongebob!" saad nito.

"Whats inside son?" tanong ni Tyron sabay upo sa tabi ko pagkatapos niyang ayusin lahat ng pinamili, sipag naman.

"No chocolate inside? I think its candy " sabat ni Dylan habang nakahiga.

"No candy inside!" pagsusungit ni Zylan, sungit talaga neto kahit kailan.

"Daddy will open it" saad ni Tyron sabay bukas.
Isa palang truck na may tatak na spongebob ang nasa loob. Natawa na lang ako nang humagikgik si Zylan sabay kuha ng truck. Favorite niya talaga ang spongebob e.

Habang naghaharutan ang mag-aama sinamantala ko nang maligo upang mag-ayos ng mga gamit. Inayos ko na din ang bag at notebooks ng kambal.

Naglagay na din ng tubig sa tumbler para hindi ko makalimutan bukas. Pinaplantsa ko na din kay manang ang kanilang mga uniform. Gumagabi na din kasi kaya inagahan ko ng ayusin dahil baka maaga akong makatulog mamaya dahil sa pagod.

Nandito kaming bahay ngayon, ayaw kasi kaming pauwiin ni Tyron kaya siya na lang ang pinilit kong sumama. Si Mia naman nandun sa bahay ni Vince at sa tingin ko sila na nga.

Lokong babae yon halos hindi na umuuwi dito sa bahay. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako sa sala nang maabutan silang tatalo na payapang natutulog sa sofa.

"Maam kain na po tayo" tawag ng isang katulong tumango ako tsaka nilapitan ang tatlong natutulog.

"Tyron" Tapik ko sakanya na agad niya naman ikinagising.

"Kain na tayo" sabi ko.

"Tulog naman ang dalawa. Mauna na kayo susunod na lang kami mamaya mahal ko" sabi nito. Hindi pa naman ako busog kaya mamaya na lang din.

"Akyat na tayo sa taas" sabi ko sabay buhat kay Dylan, bumangon si Tyron tsaka binuhat si Zylan.

Pagkaakyat namin, agad akong nanguha ng basang face towel tsaka pinunasan si Dylan at ganon din ang ginawa ni Tyron kay Zylan.

Pagkapunas nito'y binihisan ko na tsaka inayos ang kanilang higa. Nanguha naman si Tyron ng towel at pumasok sa banyo na siguro maliligo na din.

Humiga na lang ako sa pagitan ng kambal tsaka pumikit. Rinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng banyo kaya napamulat ako ng mata nang makita si Tyron na tanging towel lang ang suot.

Tae bakit ba ako namumula sa tuwing nakikita ko siyang ganyan. Agad akong pumikit at nagkunwaring tulog. Ilang sandali nang maramdaman ko siyang umupo sa kama kaya muli akong napatingin sakanya.

Nakatalikod ito sa amin na tanging boxer lang ang suot habang nagpupunas ng basang buhok. Muli akong pumikit at nagkunwaring tulog, matagal-tagal din siyang nagpunas ng buhok hanggang sa matuyo ito tsaka nagsalita.

Maluwang naman ang kama dahil pinasadya ko to dahil sa likot ng dalawa kung matulog. Isinagad ko na din sa may wall para may harang sakaling mahulog sila.

Naramdaman ko si Tyron na binuhat si Dylan tsaka dahan-dahang inilagay sa tabi ni Zylan tsaka hinalikan sa noo ang dalawa.

"I love you" dinig kong bulong nito sa dalawa.

Nang maayos niya ang dalawa, bigla ko na lanh naramdaman ang mainit at malambot niyang lumapat sa mga labi ko. Hinalikan niya ako?

"I love you mahal ko" bulong nito tsaka humiga sa tabi ko tsaka ako niyakap.

Gusto kong tumili sa kilig pero pinigil ko at nanatiling kunwaring tulog. Tsaka, kaya niya pala nilipat si Dylan at inilipat sa tabi ni Zylan para lang makatabi ako. Ehmm!

"Mahal na mahal na mahal ko kayo" huling saad niya tsaka muling tumahimik hanggang sa nakatulog na ako.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon