Chapter 9

4.3K 93 4
                                    


Tyron's pOV

Mula kaninang umaga hanggang ngayong maggagabi na, nandito parin ako sa harapan ng bahay ni Jorgette nagbabakasakaling pagdating niya'y magkausap manlang kami kahit saglit.

Ayoko ng ganito, Hindi ako sanay nang may samaan kami ng loob. Ngayon lang na nagtagal tampuhan o away namin. Mula kahapon hanggang ngayon.

Biglang may humintong taxi sa may tapat ng gate nila Jorgette. Agad akong bumaba ng kotse nang makita si Jorgette na pababa ng taxi.

"Babe!" tawag ko sakanya tsaka patakbong lumapit. Tumingin siya sa  sakin at akmang tatalikod nang mabilis ko itong nahawakan sa braso tsaka agad niyakap ng mabilis. Damn i miss her!

"Babe lets talk please. Let me explain kung bakit ko nasabi yon" sabi pero pilit niya lang akong tinutulak. Imbis na bitawan ko ay mas lalo ko itong niyakap hanggang sa mapagod siya kakatulak sakin

"Tama na Tyron. Ayoko na sayo" sabi nito na sobrang ikinadurog ng puso ko. Ayoko, akin ka Jorgette.

"Babe hayaan mo muna akong magpaliwanag" sabi ko. Biglang nanlabo ang mata ko dahil sa luhang namumuo.

"ano pabang ipapaliwanag mo?" tanong niya tsaka nagsimulang umiyak.

Bumitaw ako ng yakap tsaka siya hinawakan sa kamay at hinila papunta sa kotse ko. Hindi naman ito nagmatigas kaya maayos ko siyang napapasok sa sasakyan. Pumasok ako tsaka inilock ang bawat pinto ng kotse para masigurong hindi siya tatakas

"Bakit kailangan dito tayo?" malamig niyang tanong. Shit! di ako sanay na ganyan siya!

"Para wala kang takas"

"Ano bang sasabihin mo? bilisan mo sayang ang oras ko" sabi nito.

Nainis ako sa way ng pakikipag-usap at pakikitungo niya sakin kaya agad ko siyang niyakap at umiyak. Lalaki ako pero umiiyak ako sa simpleng away namin ng babaeng mahal na mahal ko. Hindi ako takot kahit kanino, maliban sa babaeng mahal ko.

Marami akong kinakatakutan pagdating kay Jorgette. Takot akong mawala siya sakin, takot akong mapahamak siya dahil sakin, takot akong magalit siya dahil diko kakayanin.

"Hayaan mo muna akong magpaliwanag please?" sabi ko habang umiiyak sa may leeg niya. Ramdam ko naman ang paghaplos ng palad niya sa buhok ko.

"M-makikinig ako" sabi niya tsaka pinunas ang luha sa mata ko.

"Babe walang katotohanan lahat ng sinabi ko kay Vince" Pauna ko tsaka umayos ng upo at humarap sa kanya.

"You know him?" tanong niya sakin. Tumango ako tsaka pinunasan ang luha ko

"Si Vince ay leader ng ilan sa mga gang na nakabangga namin"

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon