Chapter 38

4.3K 81 1
                                    

Tyron's POV

"Paano yan tol, pagmamay-ari na ng iba si Jorgette? Tsaka dapat masaya ka dahil sa wakas nakauwi kana" yun nga eh. Dapat masaya ako pero bakit ganon. Ngayong nakita ko na ulit si Jorgette para bang may part sakin na kailangan ko ulit mapalapit sakanya kahit pa ilang taon na kaming wala.

Na para bang nagkaroon ako ng pag-asang makasama ulit ang babaeng mahal ko. Nung tawagin siyang mommy ng isang bata, nasaktan ako sa nalaman kong may asawa na siya. Pero nang makitang maayos dalawang bata, napagaan agad ang loob ko.

Wala akong ideya kung bakit naluluha ako nang makita ang dalawang bata na para bang gusto kong yakapin at makilala. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha ng mga bata pero parang isang batang ako ang nakita ko sa dalawa.

"Naniniwala ba kayong may asawa nga si Jorgette?" tanong ni Lester.

"Hindi" sakristong sagot ni Vince na kanina pa tahimik simula nang makita namin si Jorgette.

"Pano mo nasabe?"  Clark.

Ngumisi si lang si Vince tsaka ako tinapik sa balikat at nagsalita

"Kung may gusto man kayong malaman tungkol sa mag-iinang yon, hayaan natin na si Tyron muna ang dapat umalam pero sorry dahil ako unang nakaalam" sambit nito tsaka umalis at sumakay ng van.

"Pinagsasabi nun? Labo!" singhal ni Lester tsaka siya sinundan. Napailing na lang ako tsaka din kami sumunod na pumasok sa van tsaka umuwi.

Sa aming magkakaibigan, si Vince lang ang hindi umalis ng bansa. Siya lang ang nag-stay dito kaya malakas ang kutob kong may alam ang gunggong na to at kung ano man yon kailangan kong alamin. Lalo pa't tungkol ito kay Jorgette at sa dalawang bata.

Habang pauwi kaming bahay, hindi ko maiwasang hindi mapaisip. Sa ilang taong pagkawala ko, kamusta na kaya siya?

Kamusta kaya ang buhay niya simula nang sirain ko ito? Nakapagtapos kaya siya ng pag-aaral niya? Tsaka nasaan na kaya ngayon si Unice? Nagtagumpay kaya siya sa lahat ng balak niya?

"Ayaw mo bang bumaba Tyron? Mag-iisang oras na tayo dito sa harap ng bahay mo. Tulala ka diyan" sigaw ni Yohan sabay yugyog sakin. Nagulat naman ako tsaka tumingin sa bintana ng van. Nandito na pala kami sa bahay bumyahe pa galing probinsiya dahil itong si Clark nagpasundo pa talaga. Pagka-uwi kasi niya galing Canada doon sa probinsiya dumiretso dahil miss niya na daw magulang niya kaya dumalaw sandali sa puntod ng kanyang mga magulang.

Pagkapasok ko dito sa bahay agad akong dumiretso sa kwarto ko't dina pinansin ang pagbati ng ilan sa mga katulong dito. Pakiramdam ko pagod ako pero masayang ewan.

Kinabukasan

"Good morning ser-"

"Sa labas na ako kakain manang. Tsaka huwag niyo na akong hintayin mamayang gabi, baka late na ako uuwi" sabi ko tsaka umalis.

Kasalukuyang nagmamaneho ako nang mag ring ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at sinagot

"Sir pwede mo na pong puntahan ang bahay. Kung sakaling may ipapaayos pa po kayo sakin lang po kayo tumawag" kabilang linya

"Okay" sagot ko tsaka pinatay ang cellphone.

Nasa daanan ako patungong bahay ni Vince pero dahil sa tapos na ang bahay na pinapagawa ko 6 months ago minabuti ko na lamang na puntahan muna ito.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon