Chapter 6

4.6K 89 0
                                    


Jorgette's POV

Nagising ako dahil sa kirot sa may braso ko. Agad akong napatingin sa sugat ko. Kung paano ko na naman tatakpan to para di makita ni Tyron.

Kung nakasweater lang ako sigurado magtataka yon. Hindi naman pwedeng umabsent. Madami kasi akong gagawin at kailangan kong humabol ng grades.

Pinilit ko na lang bumangon kahit medyo masakit pa ang balikat at braso ko. Hindi ang isang  maliit na sugat ang magpapabagsak ng grades ko.

Nagtungo akong banyo tsaka naligo. Nag-suot na lang ako ng fitted na sweater tsaka palda na katamtaman ang iksi at haba tsaka sapatos. Okay na siguro to.

Nagmadali akong lumabas ng gate at papara sana ng sasakyan nang mahagip ng mata ko kotse ni Tyron. Haysstt. Bumukas ang salamin nito tsaka ako kinindatan.

Kumpleto na naman ang araw ko neto. Ngumiti ako tsaka tumawid at lumapit sa kanya. Pagpasok ko ng sasakyan ay ang kilay niyang salubong na naman ang bumungad sakin. Problema na naman ng isang to?

"nice outfit!" sambit nito tsaka matalim na tumingin sa akin.

"Wala kana bang masusuot?" tanong niya tsaka biglang ipinasok ang kamay sa loob ng palda ko papunta sa tampok ko sabay haplos ng legs at bewang ko.

"Anong ginagawa mo?!" tanong ko sakanya.

"At hindi ka pa nagsuot ng short eh no? ayoko niyan! magbihis ka dun!" sabi niya tsaka dumiretso ng tingin sa harapan

"Eh late na tayo" reklamo ko

"I don't care! Magpalit ka dun! Hindi tayo aalis hangga't hindi ka nagpapalit. So if i were you, lumabas kana ng kotse at magpalit" Utos niya sakin. Wala na akong nagawa kundi sumunod sa sinasabi niya. Nag-suot na lang ako ng over sized T-shirt tsaka jeans para matakpan parin ang braso ko. Siguro okay na to sakanya

"Okay na?" tanong ko sakanya nang makarating ako sa kotse niya.

Ngumiti ito tsaka ako hinalikan sa labi nang aksidente niyang masagi ang braso ko. Agad naman akong napailing sa sakit na ikinataka niya

"What's wrong?" tanong niya sakin pero ngumiti lang ako tsaka iniba ang usapan

"Aga mo ata ngayon?" tanong ko pero sa halip na sagutin ako, itinaas niya ang sleeve ng damit ko. Bumungad naman sakanya ang sugat na itinatago ko.

"Who did this to you?" Tanong niya sakin.

"N-nasagi lang sa may mesa" pagsisinungaling ko.

"Babe.. i need you to be honest with me. Sinaktan kaba?" Diretsong tanong ni Tyron sakin.

"O-oo" pag-amin ko. Napapikit naman siya at halatang nanggigil sa galit.

"sino?" tanong niya ulit.

"Babe late na tayo" pag-iiba ko pero di ako sinagot

"Sinong gumawa nito sayo?"

"Babe okay lang-"

"Ayoko ng sinasaktan ka nila. Kaya sabihin mo kung sino" pagputol niy sa sasabihin ko

"S-si mom" sabi ko. Agad niya akong binitawan tsaka akmang lalabas ng kotse upang sugurin si mom pero mabilis ko siyang niyakap

"Babe. Please, huwag mong gawin" pakiusap ko.

"No! Sinaktan ka niya. Di nga magawa ng dad mo sayo eh, siya pa kaya na walang pagod sayo? hindi. Pagsasabihan ko lang" sabi niya tsaka muling lalabas nang mabilis akong tumayo at umupo sa kandungan niya tsaka isiniksik ang mukha ko sa leeg niya. Shit ang bango niya

"Babe. Ayokong mag-away si mom at dad dahil sakin. Kung pwede lang sana itago na lang natin to kay dad" pakiusap ko. Ramdam ko ay yakap niya sa akin tanda ng pagpayag niya.

"Palalampasin ko ang araw na ito. pero sa susunod na makitaan kita ng pasa o galos. Hindi na ako makikinig sayo" paalala nito tsaka ako hinalikan sa ulo

"let's go?" anyaya niya sakin. Tumango ako tsaka umayos ng upo.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon