Unice's POV
"Baby are you ready to go home?" tanong ko sa anak ko tsaka kinuha ang bag.
"Not yet mommy" sagot nito. Hayyy napakakulit.
Samantalang ako excited na sa pag-uwi ko lalo na sa pagbabalik ko. Papayag ba naman akong matawag na talunan? Hindi uso ang paapi ngayon.
Mula kasi nang malaman kong buntis ako nagpakalayo-layo na ako. Ayoko si Erwin para maging ama ng anak ko. Si Erwin ang tunay na ama pero si Tyron parin ang pipiliin ko para sa anak ko.
Natatanong ni Kyle kung saan ang ama niya pero wala pa akong maayos na sagot dahil hindi ko alam kung saan lupalop ng mundo nagtago ang Tyron na yon. Pero okay lang, masyadong maliit ang mundo para sa aming nagmamahalan
Alam ko naman na ako ang mahal ni Tyron at hindi ang malanding yon.
"Apo, kailangan niyo nang umuwi. Ang daddy mo naghihintay na sayo" saad ni mommy. Nandito kami ngayon sa condo at nagtitiis sa masikip na bahay na ito.
"Huwag mo akong bibiguin Unice. Hindi ako makakapayag na tayo naghihirap dito habang si Bella at ang anak niya'y namumuhay reyna't prinsesa sa mansyong para dapat atin!" paalala ni mommy
Tumango ako tsaka ngumisi.
"Wala kang dapat ipag-alala mommy. Oras na para sa ating pagbabalik" asik ko.
Jorgette's POV
Nagising na lang ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Pagkagising ko'y walang Tyron at ang kambal sa tabi ko. Saan naman kaya sila?
Agad akong bumangon at ginawa ang morning routine ko. Pagkatapos kong magbihis ay agad akong lumabas nang maabutan ang tatlong abala sa pagluluto. Wow lang ha? Napangiti akong lumapit sa kanila.
"Good morning love" bati ko sa dalawa tsaka sila hinalikan habang nakangiti.
"Ako ba walang kiss?" tanong ni Tyron. Agad ko siyang tinignan ng masama pero ngumisi lang ito.
"Whats the matter mommy? Kiss daddy too" saad ni Zylan na ikinalunok ko. Bakit ba kasi sumisingit tong lalaking to?
"Narinig mo naman diba?" tumatawang saad ni Tyron. Napakamot na lang ako ng ulo tsaka tumayo at lumapit sa kanya. Teka hahalikan ko na ba? S-saan? Sa labi-este mukha? Oo tama sa mukha
"What are you waiting for baby? Kiss me now" ngising sambit nito. Bakit ba to nagmamadali?
Lumapit ako lalo sakanya habang napapalunok na tumiklay. Napahawak na lang ako sa dibdib niya nang hilain niya ako palapit sa katawan niya tsaka agad siniil ng mainit na halik sa aking labi.
Gusto ko siyang itulak ngunit kagaya ng dati, trinatraydor ako ng sarili kong katawan.
"Yieehh" tili ng kambal nang mapabitaw kami ni Tyron sa isa't isa.
"A-a-ahmmm... W-what are you doing baby?" pangiiba ko ng usapan nang makitang naghahalo si Zylan ng harina sa mangkok.
"What are those for?" muling tanong ko sabay hawak sa mga kung ano anong hinahalo nila.
"Were making cup cakes mommy. Do you like it?" napatawa na lang ako sa hitsura ng mga anak kong napakadungis na dahil sa harina.
"Of course baby. I can help you-" napatigil na lang ako nang mapansing may binubuksan si Dylan na isang maliit na plastic tsaka ito mabilis na isinubo.
"Dylan" tawag ko sakanya. Mabilis niya itong inilabas tsaka itinago sa likod niya.
"Give that to mommy, love" asik ko ngunit umiling lang ito tsaka lumingon kay Tyron.
"Daddy" saad nito. Huh? So nagsusumbong na siya ngayon?
"Son, give that mommy" maalumanay na utos ni Tyron kay Dylan na agad naman sinunod ni Dylan.
Siya na ngayon ang pinapakinggan kaisa ako?
"I just want to eat candy but mommy doesn't want to" sumbong nito tsaka tumayo at yumakap kay Tyron. Agad naman itong niyakap ni Tyron pabalik.
"That's okay son. Do you want to try this?" tanong ni Tyron tsaka iniabot ang naka plastic na biscuit.
"I don't like it" pagtanggi nito.
"I want..." Dylan
"I want puto" saad nito na ikinatawa ko.
"You don't even eat puto my love" sabat ko.
Humagikgik ito tsaka nagsalita.
"Kidding mommy "
Hinalikan ko ito tsaka tinulungan silang magluto. Pagkatapos naming magluto agad silang naligo at heto ako naghuhugas ng pinagkainan.
Nakakaselos lang dahil parang mas gusto na ng kambal ang ama nila kaisa sakin. Mula sa pagtulog magigising na lang ako ng walang kambal na nakayakap sa akin.
Pareho silang nakasiksik sa katawan ng ama nila, sa pagligo ganon din. Ayaw na nila akong kasabay dahil mas gusto na nila si Tyron. Sa pagkain din, halos dalawa sila gustong magpakandong kay Tyron na halos parang wala na ako sa kanila.
Hayysstt. Pero kapag nakikita ko ang mga anak kong masaya kasama ang ama nila, sumasaya na din ako. Siguro ito yung saya nila na kahit kailan hindi ko kayang ibigay.
Yung saya na binibigay ko'y hindi sapat upang maibsan ang pangungulila nila para sa kanilang ama. Yung sayang dulot ng isang buong pamilya. Kaya heto, buo na ang desisyon ko.
Bubuksan ko muli ang puso ko para kay Tyron.
Tyron's POV
"Are you tired?" tanong ko kay Jorgette habang kinukumutan ang natutulog na kambal. Ngumiti ito tsaka nagsalita. Ngumiti siya?
"Hindi naman ako yung kinulit ng kambal maghapon. Ikaw yon, kaya malamang ikaw yung pagod " sagot nito tsaka hinalikan ang dalawa.
"Okay lang naman. Anak ko mga yan kaya obligasyon kong bantayan at alagaan" sabi ko at inantay na siyang umangal dahil sa pagsabi kong anak ko ang dalawa ngunit ngumiti lang ito tsaka bumuntong hininga.
"D-di ka galit?" nagtatakang tanong ko.
"Tyron alam kong kailangan mong malaman ang totoo kung anak mo ba sila o hindi. Pero ako ba, naisip mo na kailangan ko ding malaman ang totoo?" seryosong saad nito tsaka umupo sa kama ng hindi nakatingin sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Hindi ko maintindihan pero kinakabahan ako.
"Tyron alam kong meron kang hindi sinasabi sakin" sabi nito.
Napalunok ako nang lumapit ito sa akin tsaka tumayo sa harap ko.
"Handa na akong makinig" ngiting asik nito na ikinagalak ko.
Ito na ba yung pagkakataong pinakahihintay ko? Yung araw na makikinig siya sa paliwanag ko?
Napaluha na lang ako tsaka lumuhod sa harap niya tsaka niyakap ang bewang niya sa sobrang saya.
BINABASA MO ANG
She's mine (BaFat#3)
Romansa"You think you can scape from me?... You can't Jorgette! you're mine!" mga katagang pabalik-balik sa aking isipan. . Ayoko na! Tapos na kami! he raped me! galit ako sa kanya at hindi ko siya kailan man mapapatawad! "Mom? where's dad? i want him? i...