Bella's POV
Gusto ko lang alamin kung anong binabalak ng babaeng yon. Masasabi kong sa ngayon palang wala na siyang magagawa.
Nandito kami ngayon sama-samang kumain. Kasama si Mia, Jorgette, Jorge at Ruth. Maya-maya ay dumating ang babaeng anak ni Ruth. Ito siguro si Unice. Nakangisi itong tumingin sa anak ko habang si Jorgette nakayuko lang. Napatingin naman ito sakin tsaka ako tinignan pataas pababa at umirap tsaka tumingin kay Jorge tsaka nagsalita.
"Hey daddy, hindi ka talaga kakain ng wala AKO no? salamat sa pag-invite ng lunch" parinig nito sa amin. Hindi kumibo si Jorge na halatang nagtataka.
"Yes baby. Hindi talaga kakain ang daddy mo kung hindi ikaw ang kasabay so, let's eat?" sabat naman ni Ruth. Hayyy napaghahalataan kayo masyado. Akmang kukuha na ng pagkain si Unice nang malakas na nagdasal si Mia.
"Lord good morning thank you for this food Lord God. Amen!" Sabi nito na agad naman napatigil si Unice sa pagkuha ng pagkain.
Napatingin ako sa relo ko, 11:45 am palang. Napaaga ata kain namin, kasi itong si Jorgette gutom na daw. Naiintindihan ko naman dahil sa paglilihi niya. Nagpaorder na din ako ng pritong manok na paborito niya.
"Oh dahan-dahan Jorgette. Nagmumukha kang patay gutom niyan" sabi ni Unice sa anak ko. Nakaramdam ako ng galit sa narinig ko pero hindi ako umimik.
"Sawa na kasi si ate sa mga pagkaing gaya ng kinakain mo kaya manok na lang muna ang kinakain niya. Ikaw, kain pa baka ngayon ka palang nakatikim ng ganyan kasasarap na pagkain. Damihan mo ah, baka wala niyan sa bahay ni ate na tinitirhan niyo este bahay niyo pala" sabat ni Mia. Jusko eto na ang sinasabi ko sa batang to. Ayaw paawat pero go lang anak.
Halata ang inis ni Unice sa mukha kaya sumabat din si Ruth.
"Excuse me. Sinasabi mo bang ngayon lang makakatikim ng masasarap na pagkain ang anak ko? dimo pagsabihan yang sarili mo na bago ka nakatikim ng sarap sa buhay, nanggaling ka muna sa ampunan" sabat ni Ruth. Hindi ata pwede na hindi ako magsalita.
"Ruth, hayaan mo na ang mga bata. Nagkakatuwaan lang sila, isa pa ganon din naman kayo ng anak mo eh. Naghirap din kayo noon at mula nang magsama kayo ng ASAWA KO, ayan... ang ganda na ng buhay niyo" sabi ko na ikinagalit ni Ruth.
"Ang kapal-"
"Enough! kakain ba kayo o mag-aaway away?" pagtitigil ni Jorge samin.
"Hindi kami nag-aaway. Nagkakatuwaan lang ang mga bata, hayaan mo na" sabi ko.
Dapat lang yan sakanila. Kung away lang din naman naman ang hinahanap nila, okay ibibigay ko.
Pagkatapos naming kumain ay nagpatuloy kami sa trabaho. Si Mia at Jorgette naman pinahatid ko na pauwi.
Unice's POV
"Ang kapal talaga ng mukha ng mag-iinang yon mommy! pinahiya niya tayo! i hate them!" galit na saad ko kay mom nang makauwi kami. Gusto pang maiwan ni mommy kanina pero ayaw ni dad. Pinauwi niya kami para makasama niya si tita Bella?! tangina! nakakabwisit! sa amin lang si daddy!
"Hintayin mo lang anak, makakaganti din tayo. Ang tanging gagawin mo lang ay ang mapalapit pa lalo sa daddy mo" sabi ni mommy tsaka ako iniwan dito sa kwarto ko.
Kasalanan lahat ito ni Jorgette! dahil sa kanya nagkakaroon ng problema ang pamilya ko.
Nawala na din si Tyron sa buhay ko. Wala na ang lalaking mahal na mahal ko. Simula nang hindi na pumasok si Jorgette hindi na din siya pumasok pa.
Galit na galit ako sa babaeng yon! kasalanan niya lahat. Iniwan na ako ni Tyron. Ni kahit sa ibang gang hindi na nila alam kung nasaan si Tyron at nang kanyang mga kaibigan.
Pinahanap ko kila Erwin na boyfriend ko pero nag-away lang kami. Ayoko namang masira ang tiwala sakin ni Erwin dahil siya lang ang makakatulong sakin upang mahanap si Tyron, pagkatapos kong mahanap si Tyron at mapasakin, tsaka ko iiwan si Erwin!
BINABASA MO ANG
She's mine (BaFat#3)
Romance"You think you can scape from me?... You can't Jorgette! you're mine!" mga katagang pabalik-balik sa aking isipan. . Ayoko na! Tapos na kami! he raped me! galit ako sa kanya at hindi ko siya kailan man mapapatawad! "Mom? where's dad? i want him? i...