Chapter 37

4.2K 73 2
                                    

Jorgette's POV

"

Mommy can i eat this one?" tanong ni Dylan sabay hawak sa may fishball na tinitinda ng isang ale.

"Okay anak. Your money is in your pocket" sagot ko

Nandito kami ngayon sa palengke, fiesta din pala ngayon kaya pagkarating namin kanina sa bahay nila lola at nagpahinga'y napagpasyahan naming mamasyal at maglakad-lakad muna dito kahit gumagabi na.

Mas maganda daw kasing mamasyal pag gabi dahil hindi mainit lalo pa't may dalawang chikiting na makukulit.

"Ate naiihi na ako. Maiwan muna kita sandali ah" nagmamadaling paalam nito tsaka umalis. 

Naiwan kami ni Zylan at Dylan dahil sa ibang direksyon naman nagtungo si daddy at mommy kasama si lolo't lola. Umupo ako sandali sa mahabang upuan tsaka ibinaba ang bag tsaka inilabas ang face towel tsaka pinunasan ang nagkalat na sauce ng fishball sa nguso ni Dylan.

"Mommy do you have 20 pesos?" tanong ni Zylan habang sinisimot ang baso ng ice cream. Favorite niya yan eh.

"Opo anak." sagot ko tsaka ko isinunod ang mukha at kamay niyang pinunasan.

"More mommy" sabi nito sabay takbo sa may nagbebenta ng ice cream nang may mamang nakabangga sa anak ko.

"Zylan!" tawag ko sa pangalan niya nang makitang nakahiga ito sa lupa. Agad akong tumakbo palapit sakanya tsaka siya pinatayo at pinagpagan.

"M-miss sorry-" pareho kaming napatigil nang magkatinginan kami ng lalaki.

"Mommy" tawag ni Zylan kaya agad akong napaiwas ng tingin tsaka tumingin sa siko ni Zylan na may gasgas.

"A-anak mo?" takang tanong ni Tyron. Hindi ako sumagot tsaka binuhat si Zylan.

"Dylan let's go" sabi ko sabay kuha sa bag ko tsaka hinawakan ang kamay ni Dylan at pumunta kung saan malayo kay Tyron.

Agad kong inilabas ang maliit na medicine kit na lagi kong dala-dala sa tuwing namamasyal kami para sa mga pangyayaring dimo inaasahan gaya ng pagkakasugat nila sa tuwing naglalaro sila.

Pinaupo ko si Zylan sa harap ko tsaka ito ginamot sa siko. Habang ginagamot ko ang sugat ng anak ko, hindi ko maiwasang hindi masaktan. Bakit siya nandito? Ito na din ang pinaka-kinatatakutan ko sa lahat. Yung muli naming pagkikita na akala ko nakahanda na ako.

Na akala ko okay na ako, yung hindi na masakit. Pero heto ako ngayon, bumabalik lahat ng sakit at poot na binigay niya sakin.

"Mommy why are crying?" alalang tanong ni Zylan sakin tsaka pinunasan ang mata ko. Napahawak ako sa mukha kong basang-basa na pala ng luha ko. Agad ko itong pinunasan at ngumiti ng mapait,

"It's okay mommy, hindi po mashakit. Hindi na ikaw po iiyak" Saad ni Zylan tsaka ako niyakap.

Sa pagkabitaw ko ng yakap kay Zylan kasabay ng pagmulat ng mata ko, si Tyron at ang mga kaibigan niya agad ang bumungad sa harapan ko.

"Tama ba nakikita ko ngayon?" saad ni Clark sabay kusot ng mata tsaka ulit tumingin sa akin at sa mga anak ko.  Agad kong hinila si Dylan nang makita si Tyron na naluluhang naglalakad palapit kay Dylan.

"A-anong kailangan n-niyo?" tanong ko.

"May anak kana pala" Josh

"Sinong ama?" Yohan

"O-oo, m-mga anak ko. Y-yung asawa ko n-nasa b-bahay. Susunduin na k-kami maya-maya" pagsisinungaling ko nang hindi tumitingin kay Tyron na halatang sa akin nakatingin. Nasasaktan ako!

"Ah ganon. Hi baby, anong pangalan mo?" tanong ni Lester sabay upo sa harap ni Zylan.

"Zy-" Zylan

"K-kailangan na naming umalis. Hinihintay na kami ng asawa ko. S-sige ah" agad kong kinuha ang bag ko sakto naman na sa gawi namin napadaan si Mia kaya sinigawan ko.

"Jorgette-" banggit ni Tyron sa pangalan ko pero hindi ko ito pinansin at nagmading naglakad papuntang kotse habang buhat si Zylan at si Mia naman kay Dylan.

Agad akong napahagulgol dito sa loob, hindi ko na napigilan kahit pa kasama ko ang kambal at ang kapatid ko.

"Ate" sabay abot ni Mia sakin ng tissue.

"Ate siya ba?" tumango ako

"Ito na yung tanong noon na hanggang ngayon dimo pa sinasagot. Ate mahal mo paba siya?" wala akong maisagot dahil maski ako hindi kilala ang sarili ko. Kung mahal ko paba ang isang tao o hindi na dahil sa sakit na idinulot nito.

"Kasi ate kung hindi na, hindi ka nagkakaganyan ngayon. Hindi ka masasaktan kahit wala pa kayong napag-uusapan" maalumanay niyang sambit tsaka ako niyakap.

"Mommy. Huwag na ikaw iiyak" sabi ng kambal tsaka sumali sa yakapan naming magkapatid,

"Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Masama loob ko, takot at galit." sagot ko kay Mia

"Ibig sabihin niyan ate-"

"Hindi. Ayoko, hindi pwede. Hindi ko siya mahal. Tapos na kami, wala na. Tapos na din ang letcheng pag-ibig na yan. S-siguro nasasaktan lang ako para sa mga anak ko na baka isang araw mawala sila sa akin" sabi ko.

"Hmmm. Sabi mo eh" saad ni Mia na para bang hindi naniniwala sa sagot ko.

"Itago na lang natin to kila mommy at daddy. Ayoko ko silang mag-alala" sabi ko tsaka inayos ng sarili ko ng makitang palapit na sila gabi na din kasi kaya kailangan na naming umuwi.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon