Chapter 16

4.3K 101 1
                                    


Bella's POV

"Maam nadiyan po sa labas sila maam Jorgette. May dala pong mga gamit" sabi ng isa sa katulong. Gamit?

"Papasukin mo sila. Susunod ako" sabi ko tsaka agad pinatay ang laptop ko.

Pagbaba ko ng bahay, napangiti na lang ako dahil kasama si manang Polly. Ang babaeng tumayong mama ko. Agad ko rin napansin ang mga maleta nila.

"Anak anong nangyari?" alala kong tanong tsaka siya niyakap. Halata pang galing ito sa pag-iyak dahil sa pamamaga ng mga mumula ng mata niya.

"Mommy ayoko na sa bahay. Sasama na ako sayo" sagot nito tsaka nagsimulang umiyak.

"Teka anak anong nangyari? Sinaktan kaba ulit? sabihin mo kay mommy" tanong ko. Ayoko lang malaman na sinaktan ulit ni Ruth ang anak ko dahil hindi ko siya sasantuhin kapag ang anak ko ang inaapi dito.

"Hindi mommy. M-mayroon lang kaming hindi napagkaintindihan ni daddy. Mom dito na lang ako" sagot niya. Hindi ako kumbinsido sa sagot ng anak ko pero hinayaan ko na lang.

"Oo anak. Hindi na kita iiwan, magkakasama na tayo. Nandito na si mommy" Masama ang loob ko kay Jorge. Pinaubaya ko si Jorgette sakanya dahil ang buong akala ko'y maaalagaan  ito ng maayos. Pero hindi pala.

Nagkamali ako, nagsisisi akong iniwan ang nag-iisang anak ko sa piling ng babaeng yon. Pero ngayong kasama na kita anak. Walang pwedeng manakit sayo.

Nagkwentuhan lang kami nila Jorgette at manang Polly kasama ang bagong katulong na si Mae. Dahil siguro sa pagod, maagang nakatulog si Jorgette kaya heto kami na lang nila manang at Mae ang nag-uusap pero hindi gusto ng tenga ko ang lahat ng naririnig ko.

Yung disiplinahan ang anak ko sa tamang paraan okay lang sa akin. Pero yung saktan si Jorgette nang walang dahilan, ibang usapan na yon! Hindi na pandidisiplina yon kundi pananakit na.

Napaluha na lang ako sa lahat ng nalaman ko. Kwinento din ni Mae sa akin ang dahilan kung bakit naglayas si Jorgette. Ang lakas ng loob ng mag-inang yon na manirahan sa bahay at lupa na pinundar ko para sa anak ko.

Tama na ang pang-aapi mo Ruth. Yung saktan at apihin ako noon kinalimutan ko na eh. Tapos gagawin mo ulit sa anak ko? Hindi na kita hahayaan. Lahat ng pinaranas niyong sakit sa anak ko ibabalik ko lahat sayo.

Papasok ako ngayon sa kwarto ni Jorgette. Miss na miss ko na ang anak ko kaya gusto ko sanang katabi. pagbukas ko ng pinto, ang magandang prinsesa ng buhay ko agad ang nakita ko. Mahimbing na natutulog.

Lumapit ako dito tsaka hinalikan ang kanyang noo. Halata ang sakit, problema at lungkot sa mukha niya kahit tulog ito. Anak patawarin mo si mommy ha? nagkamali ako. Hindi ko alam ang dinanas mo sa kamay ng babaeng yon habang wala ako. Ngayon wala nang mananakit sayo.

Hinawakan ko ang braso niya dahil nakasando ito tsaka hinaplos habang nasasaktan na nakatingin sa kanya nang mapadaing ito

"Hmm" sambit niya sabay galaw ng braso niya na tila ba nasaktan sa paghawak ko.

Na curious ako kaya agad kong binuksan ang ilaw at tinignan kung anong meron sa braso ng anak ko. Napatakip na lang ako ng bibig tsaka pumikit at humagulgol ng walang ingay.

Saan galing ang malalaking pasa na iyan? Paano siya nagkaroon niyan? napaluhod ako sa iyak dahil sa kalagayan ng anak ko. Mula bata ito ni minsan hindi nakatikim ng pananakit mula sa akin dahil ang laki ng hirap at sakripisyo ko sakanya. Pero ngayon? halos buong katawan niya may pasa na.

Mabilis akong lumabas at pumunta sa kusina kung nasaan sila manang Polly.

"Manang anong ginawa nila sa anak ko? Paano siya nagkaroon ng ganun karaming pasa?" umiiyak kong tanong. Yumuko ito tsaka sinabi ang totoo. Umupo ako tsaka humagulgol

"Mga walang hiyaaa!!!!" sigaw ko dahil sa galit, awa sa anak ko, paninisi sa sarili ko.

"AAAHHHH!!!" gigil na gigil ako sa galit. Wala siyang karapatan saktan ang anak ko.

"SINAKTAN NILA ANG ANAK KO!!!"

"MAGBABAYAD SILA SA PANANAKIT NILA SA ANAK KO!!!"

Agad kong kinuha ang susi sa may drawer at akmang aalis nang hilain ako ni manang.

"Bitawan mo ako manang. Magbabayad sila!" sigaw ko pero mas lalo lang akong hinawakan.

"Anak, kilala kita. Hindi ka masama, hindi yan ang gusto ng anak mo kaya niya tinago sayo" umupo ako tsaka umiyak. Hindi ko to palalampasin Ruth. Hinding-hindi.

Maghintay ka. Babalikan kita. Paghandaan mo ang paniningil ko. Dahil wala akong ititira sayo!

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon