Chapter 8

4.5K 79 7
                                    

Jorgette's POV

"Dad kitang-kita ko po. Si mom ang nakatingin sa akin. Hindi ako maaring magkamali" Kanina ko pa sinasabi kay dad na tama ang nakita ko pero hindi manlang ako pinaniwalaan.

"Anak, naiintindihan kita kung bakit ganyan ka. Kung namimiss mo siya hindi kita pagbabawalan pero sana naman anak tanggapin mo nang patay na siya." sabi nito tsaka ako hinalikan sa noo at umalis patungong trabaho.

Para sa akin buhay si mom, papatunayan ko yon dad.

Pagkatapos akong iwan ni dad dito sa harap ng gate ay agad kong tinungo ang lugar kong saan ko nakita si mom. Napapaiyak na lang ako bigla.

Umupo ako sa may simento tsaka humagulgol ng iyak. Mom bakit ka nagtatago? alam kong ikaw yon. Balik kana please? Hindi maganda ang trato nila sakin dito. Mula bata ako, sa tuwing may sakit ako, sa tuwing umiiyak ako, may nakakaaway ako ikaw palagi ang andiyan para masandalan ko.

Pwede po ba mom, na kahit ngayong dalaga na ako ay gagawin parin natin yon? Miss na miss na kita mom. Buhay ka pala pero bakit ngayon ka lang nagpakita? Iniisip mo ba na galit ako?

Hindi ako kailan man nagalit sayo. Nagalit ako sa sarili ko dahil hindi manlang kita hinanap. Please mom bumalik kana. Kahit para lang sa akin.

Ang tagal kong namalimos ng pagmamahal ng isang ina mula nang mawala ka. Ka'y tagal kong pinangarap na magkaroon ulit ng ina, na maramdaman ulit ang pagmamahal ng isang ina pero hindi yon ang nakita't naramdaman ko sa pangalawang ina ko

Pang-aapi, pananakit at pang-aalila ang natanggap ko mula sa pagmamahal na ibinigay ko. Ang sakit mom, ang sakit sakit. Kaya sana bumalik kana. Kailan kita mom, kailangan kita.

"Panyo" boses ng di pamilyar na lalaki ang narinig ko nang bigla niyang i-abot ang panyo sa harapan ko. Tumingin ako dito tsaka inabot ang panyo sabay punas ng mga luha ko

"Bakit naman umiiyak yang magaganda mong mata?" ngiting tanong nito sakin. Napasinghot na lang ako habang pinupunas ang luha ko.

"oh! masinghot moko ah" biro niya kaya napatawa ako.

"Yun! tumawa na siya" sabi niya tsaka umupo sa tabi ko.

"Bakit kaba umiiyak?" tanong niya.

"W-wala. May mahalagang tao lang na hanggang ngayon hindi pa nagpapakita sakin. Miss na miss ko na siya eh" sagot ko tsaka muling napaluha .

"Hmm. Siguro may plano lang siya. Tsaka malay mo soon magpapakita na siya, antayin mo lang" sabi nito pero napailing lang ako

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon