chapter 32

4.1K 78 6
                                    



Chapter 32

Bella's POV

"Mameeee!! dadeeee!! manganganak na si ateee!!!" tarantang sigaw ni Mia mula sa taas. Halos napatakbo na lang kami ni Jorge sa may hagdan tsaka tumingin kay bunso sa taas.

"Manganganak na po si ate" pag-uulit nito. Mabilis kaming umakyat sa taas nang maabutan namin si Jorgette na nakatayong nakakapit sa may mesa habang basa ang suot niya pang-ibaba.

"M-mom" umiiyak na tawag niya sakin. Lumapit ako tsaka siya hinawakan at inalalayan.

"Konting ingat lang" paalala ko sa asawa ko nang buhatin nito si Jorgette.

"Mia sabihan mo sila manang Polly at ayusin ang mga gamit na kakailanganin ni baby at Jorgette sa hospital. Mauuna na kami ng daddy mo, ikaw na lang bahala sa mga dadalhin doon" bilin ko kay Mia. Tumango ito tsaka ko umalis ang sinundan ang asawa't anak ko.

Nang makarating kami dito sa hospital ay agad inasikaso ang anak ko. Sumama ako dito sa loob dahil halos dina binitawan ni Jorgette ang kamay ko.

Medyo nahirapan sa pag-iiri si Jorgette kaya mabilis ko siyang hinalikan sa kamay at noo kahit basang-basa ito ng pawis. Kaya mo yan anak, natural lang yan dahil ito palang ang unang beses mong panganganak.

"Kaya mo yan anak" bulong ko sakanya. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang munting iyak ng apo ko. Napaluha na lang ako sa saya nang makita itong hawak ng doctor.

"M-mom" tawag ni Jorgette sa pangalan ko sabay iri.

"Wait, p-parang may lalabas pa!" sabi ko nang magsimula ulit sa malakas na pag-iri si Jorgette.

"Iri pa, nakikita ko na ang ulo" sabi ni doc na ikinataka ko. Ibig sabihin kambal ang apo ko? teka, iisa lang ang nakita sa ultrasound niya ah.

"Sige pa, palabas na siya" sabi ni doc at tuluyan ng lumabas ang isa. Kambal nga!

"K-kambal ang anak k-ko mom" pagod at utal na sabi ni Jorgette habang naluluhang nakatingin sakin.

"Kambal nga" sagot ko.

Kalahating oras siguro nang natapos ayusin at linisan si Jorgette at ang aking mga apo bago napunta sa kanilang magiging room.

"Anong ipapangalan mo sakanila?" ngiting tanong ng asawa ko habang buhat ang isa sa apo namin, buhat ko naman ang isa.

"Dylan Angelo at Zylan Gello po dad" sagot ni Jorgette.

"Nice name huh" Jorge.

"Bakit dimo na lang kunin sa pangalan ng daddy nila?-" Mia

"Mia, please. Don't mention it. Im begging you. Ayokong marinig ang pangalan niya kaya please" sabi ko. Napatigil siya tsaka napayuko.

"Im sorry ate"

"Jorgette anak. I hope you don't mind but his lips, nose, eyes, eyebrows specially his eyelashes...." sambit ni Jorge ang mukha ng apo namin kay Jorgette.

Napatingin ako sa apo kong buhat ko, tama nga si Jorge.

"Baby pa lang sila pero ni isa wala silang nakuhang katangian sayo. S-sa daddy nila lahat" dagdag ko. Napaiwas ng tingin si Jorgette sabay punas ng luha niya.

"It's okay dad, mom. Ang importante ay hindi niya makikilala ang anak niya." sabi niya tsaka pumikit. Hindi na kami nangulit pa dahil alam naming nanghihina pa ng anak namin.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon