Chapter 31

4.3K 81 4
                                    

Jorgette's POV

Months ago

"Check up mo ngayon ate, kaya bumangon kana diyan" sermon sakin ni Mia na nakapamewang sa harapan ko. Babangon na sana ako ng maramdamang gumalaw ang tiyan ko.

"Wait!" masayang sabi ko tsaka hinawakan ang tiyan ko.

"h-he's  moving!!" sabi ko habang naluluha sa saya. Mabilis lumapit si Mia tsaka ito hinawakan pero bigla itong tumigil.

"Wala naman eh" reklamo nito tsaka binitawan ang tiyan ko nang magsimula ulit itong gumalaw.

"Haha! iyan na naman siya!" sabi ko pero tumigil ulit nang hawakan ulit ni Mia.

"Hindi ko manlang naabutan" sabi nito tsaka binitawan nang muli itong gumalaw ulit.

"Gumalaw na naman!" tawang sabi ko. Bumusangot si Mia sa harapan ko tsaka pumantay sa tiyan ko.

"ikaw little pamangkin ha?! hindi kapa lumalabas, nakikitaan na kita ng ugali. Jusme, huwag ka lang sana maging pilyo't makulit" sabi ni Mia. Natawa na lang ako.

"Good morning mga anak" sulpot ni dad tsaka kami hinalikan ni Mia sa noo.

"Dad alam mo ba, sa paglabas at paglaki ni baby alam ko na ugali niyaa" saad ni Mia kay daddy.

"Ano" daddy

"Pilyo at makulit" sagot ni Mia sabay tawa. Napatawa nama si daddy.

"Magbihis na nga kayo, check up mo ngayon Jorgette. Kailangan natin agahan dahil papasok pa akong work" paalala ni daddy. Haysst

"Eh daddy ako na lang sasama kay ate" prisinta ni Mia.

"No anak. I'm sure iiyak-iyak na naman yan sa injection na itutusok sa kanya kaya kailangan ko sumama" sagot ni daddy tsaka lumabas ng pinto ng kwarto ko. Tumingin sa akin si Mia habang tumatawa.

"Huwag kang tumawa, masakit yon!" sabi ko tsaka siya inirapan habang tumatawa sabay tungo sa banyo.

"Yung maliit na injection iniiyakan mo, pero yung laki ng injection ni kuya Tyron napaungol ka sa sarap!" sabi nito sabay halakhak at umalis ng kwarto ko.

Hindi ako natawa sa biro ng kapatid ko kahit alam kong biro lang ito. Hindi niya alam kung anong sakit at galit ang naramdaman ko nang gahasain ako ni Tyron. Yung pagmamakaawang huwag niyang gawin pero itinuloy niya parin. Ayoko nang marinig ang pangalan niya dahil mas lalo lang akong nasasaktan. Nang matapos akong maglihi, agad kong dinelete lahat ng pictures niya sa gallery ko.

Wala nang dahilan para isipin ko pa siya. Ayoko siyang makita.

"Okay relax ka lang. Huwag kang kabahan injection lang to" sabi ng doctor sabay pahid ng cotton sa may braso ko kung saan nila itutusok ang karayom. Ang lalalim ng hininga ko sa kaba. Hindi ito ang unang check up ko pero takot na takot parin ako.

Pumikit ako habang yakap ako ni daddy. Nang maramdaman ko ang karayom, napakagat na lang ako sa braso ni daddy tsaka pumikit.

Natapos ang check up na iyak ko lang ang nariring mula sa loob ng hospital hanggang dito sa kotse. Oa ba? pasensiya na ha? masakit kasi talaga!

"Here" sabay abot ni Mia ng tissue at tubig sakin.

"Ang sakit-sakit" reklamo ko sabay tingin sa braso kong namumula.

"Hahaha. Ganyan na ganyan din ang mommy mo noon sayo" tawa ni dad.

"hahaha uy hindi ah!" dipensa ni mommy.

"Oh okay kana, let's go" daddy.

Umuwi kaming bahay matapos kaming check up. Nagpahinga na din ako dahil ambilis ko ng mapagod. Panay din ang ihi ko hayy. Ang hirap magbuntis pero keri lang.

Lahat ng hirap ko nawawala sa tuwing sinasabi ng doctor na healthy ang anak ko.

Napapangiti na lang ako habang hinahaplos ang walong buwang tiyan ko. Next month magkikita na tayo anak. Makikita ka na din nila tita Mia, lolo-dad at lola-mom mo.

Maaga ko man silang nabigyan ng apo, hindi nakapagtapos ng pag-aaral gaya ng gusto nila. Ikaw naman ang gagawa  nito.  Pagtatapusin kita sa pag-aaral mo anak. Lahat ng pangarap mo tutuparin natin ng magkasama, sa ngayon wala kapang nagagawa proud na proud na ako sayo.

Pero sana lang anak, pagdating ng panahon huwag kang magagalit sakin kung bakit kailangan kitang ilayo sa daddy mo. Hindi siya mabuting tao.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon