Chapter 47

4.3K 80 7
                                    

Tyron's POV

N

agising na lang ako nang may mabigat sa dibdib at braso ko. Naamoy na din ang pabango paborito ko mula noon hanggang ngayon. Hindi ko man makita kung sino ang kayakap ko nasisigurado kong si Jorgette ito.

Natakot lang ako dahil baka magising nang dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Hinayaan ko lang siyang nakayakap sa akin hanggang sa maramdaman kong gumalaw na siya, iniangat nito ang ulo tsaka tumingin mula paa ko hanggang sa mukha ko.

Ngumisi ako tsaka kumindat sakanya, agad itong namula tsaka mabilis na humiwalay ng yakap sakin.

"N-nasan ang kambal?" maalumanay na tanong sakin. Waw bago yun ah. Hindi siya galit?

"I don't know, siguro nasa labas" sagot ko. Tumayo ito tsaka lumabas. Ang sexy niya sa damit kong suot niya, natawa na lang ako dahil todo tago pa siya sa dibdib niya dahil halata ang mga nipple niya. Anong magagawa ko eh mga gagong yun panty lang dinala. Tsaka kung dimo siya kilala pagkakamalan mo talaga siyang dalaga.

Pagkalabas ni Jorgette agad akong sumunod at nang paglabas ko nakita ko ang mga kaibigan kong kalaro ang mga anak ko, mabilis naman nagtago si Jorgette sa likuran ko nang mapatingin sa amin ang mga gunggong na to.

"Mga mata niyo!" sigaw ko sa kanila nang nakangising nakatingin si Vince habang si Clark at Yohan nakatitig sa legs ni Jorgette.

Agad naman silang umiwas ng tingin. Mga gago din eh. Kung makatingin akala mo kung sino lang na babae, sarap mandukot ng mata.

"Hahaha, napasarap ata kagabi kaya late na kayo nagising" kantyaw ni Vince sabay tawa.

"Manahimik ka!" inis na singhal ni Jorgette habang nagtatago sa likod ko.

"Baka masundan agad 'tong kambal ha?" dagdag ni Lester tsaka muling tawanan ng lahat na pati ako natawa.

"Isa kapa!" pagsusungit ni Jorgette sakin.

Humarap ako sakanya tsaka hinalikan sa noo, sinenyasan na din ang lima na huwag ng umimik at tumingin kaya naman patakbong bumalik si Jorgette sa kwarto tsaka isinarado ito.

"Good morning daddy/ good mowning daddy" sabay na bati sakin ng kambal. Shit lang! Ang sarap na nga ng tulog ko, babaeng mahal ko ang unang nakita ko nang magising ako tapos mga cute na batang bulinggit pa ang sasalubong sakin sa umaga.

"Good morning" sagot ko tsaka sila hinalikan sa noo sabay yakap. Ang sarap lang sa pakiramdam na daddy na ako. Yung ama ng anak ng babaeng mahal na mahal ko.

"Daddy i want milk" saad ni Dylan habang si Zylan laruan agad ang hinawakan. Ganito ba sila dati palang haha.

"Okay anak i will get" sagot ko tsaka nagtungong kusina sabay timpla ng gatas.

"Daddy'ng-daddy kana dude!" tawang saad ni Josh sabay upo sa may mesa.

"Diko alam naka shoot ka pala. Tsaka mukhang naganahan ka kaya ayan, doble" sabat ni Lester, gago talaga to kahit kailan. Marinig pa ni Jorgette

"Shut up. Nakikinig mga bata" asik ko.

"My love, you drink your milk" tawag ko kay Zylan pero hindi ako pinansin kaya naglakad ako palapit sakanya tsaka siya binuhat. Humagikgik ito sabay sabing

"Daddy, can i ashkk you shomething?" tanong nito.

"Yes baby what is it?" sagot ko tsaka siya pinaupo sa lamesa sabay bigay ng gatas niya

"Can i eat condom?" the fuck!

"Y-you want to eat condom?"

"Yes daddy its delicious right?" napatingin ako sa mga kaibigan kong halos mamatay na kakatawa sa tanong ng anak ko. Mga gago.

"Paano niya nalaman ang tungkol sa condom?" sakristong tanong ko sakanila.

"Itong si Josh, hahaha diyan ka magtanong" sagot ni Lester sabay tawa ulit.

"Hihi" tawa ni Josh sabay peace sign, gago pala to eh. Ang sarap magmura kaso lang nandito mga anak ko nakikinig.

"Kasi kanina diko naman akalain na kakalkalin niya yung wallet ko na ipinatong ko sa sofa kanina. N-nakita niya condom ko" paliwanag nito tsaka muling ngumiti.

"Nagtanong kung ano ba yon, kaya sabi ko condom tapos may nagmana pala kay Jorgette yan na ang daming tanong. Kung ano ano tinatanong eh, tanungin ba naman ako kung anong gamit niyan kaya sinabi ko na lang na chocolate" paliwanag niya, tangina talaga ng bwisit na gagong to. Kung ano ano kasi nilalagay sa wallet alam na niyang may bata eh,

"Like thish daddy oh look" sabi nito sabay subo ng nabuksang condom. Taena. Agad ko itong kinuha tsaka tinignan ng masama si Josh.

"Lah saan niya naman nakuha yan wala na yan kanina eh" Josh. Taena wala daw!

"Zylan Where did you hide it?" tanong ni Josh. Maang-maangang ang gago sarap upakan. ,

"Fwom my bom" napasapo na lang ako ng noo ko.

"Baby look, this condom is not food so do not eat"paliwanag ko sabay pakita sakanya ng condom na nabuksan.

"Is that toy daddy?" sabat ni Dylan.

"No anak" sagot ko.

"I knew it daddy!" nagagalak na sigaw ni Dylan.

"What" sabay sabay na tanong nga mga tukmol.

"Balloon! Yeeyy!" napahalakhak na lang ng malakas ang mga tukmol sa sagot ng anak ko na kahit ako napangiti din. Ang talino ng anak ko talaga.

"Y-yes anak but this balloon is for tito Josh only" sabi ko. Agad naman itong tumango tsaka muling uminom ng gatas.

"Zylan what is that taste like?" natatawang tanong ni Yohan. Tangina humihirit pa eh!

"It doesn't taste good tito" sagot ni Zylan tsaka nilagok ang kanyang gatas.

"Bakit pala kayo nandito?" tanong ko sa mga tukmol

"Nah! Nakalimutan mo na? August 12 na po!" singhal ni Vince.

"Ano naman kung August 12?" tanong ko.

"Birthday mo!!!" sabay-sabay nilang sigaw na ikinagulat ng kambal. Agad ko naman silang binatukan tag-iisa. Sumisigaw pa eh!

"Kailangan sumigaw!" asik ko

"Hahaha sorry na. Nagdala na din kami ng alak na maiinom" napatingin ako sa limang magkakaibang wine na nakalagay sa ref nang buksan ito ni Josh.

"Eh damit ni Jorgette nagdala kayo?" tanong ko. Mamaya magrereklamo nanaman yon na walang bra

"Haha makakalimutan ba namin yon, pinakuha ko na mga gamit nila sa bahay nila. Kinausap ko na din si Mia at pinaliwanag sakanya ang nangyari, gusto nga niya sumama miss niya na daw ang kambal at ang ate niya" paliwanag ni Vince.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon