Chapter 15

4.3K 82 2
                                    

Tyron's POV

"Ewan ko Tyron pero sa tingin ko nakakahalata na si Jorgette" sabi ni Josh sabay lagok ng alak.

Tsaka na ako magpapakita sa kanya kapag nakapag-isip na ako. Gusto ko siyang puntahan at magpaliwanag kung bakit ko siya lalayuan pero diko magawa. Ayoko siyang mapahamak. Hindi ko kasi maiwasang sisihin ang sarili ko nang dahil sa akin binabantaan na siya.

"Hayaan niyo lang siya. Kung pwede lang sana na siraan niyo na lang ako sakanya. Sabihin niyo may babae ako o kahit ano basta magalit siya sakin." sabi ko. Kahit masakit, basta kaligtasan niya tatanggapin ko.

"Tanga kaba? you think maniniwala yon?" Clark

"I don't know. Just do what i say. Ayokong masaktan siya kaya mas pipiliin kong makipaghiwalay na lang sa kanya"

"Kausapin mo na lang siya. Nang hindi siya nasasaktan" Yohan

"Gusto sana kaso-"

"Kaso hindi yon ang gusto ng taong nagbabanta sa buhay niya? paano kaya kung bantaan din natin si Unice?" napabatok na lang ako sa ulo ni Lester dahil sa pinagsasabi niya. Paano kung sa pagbanta namin kay Unice ay ang labis na ikakagalit ni Erwin? tangina, si Jorgette ang pinag-uusapan dito kaya doble ingat ako.

Matapos kaming nag-inuman nila Josh ay umuwi na din sila. Nakahiga lang ako nang biglang mag ring ang cellphone ko. Si Jorgette. Hinayaan ko itong mag ring tsaka pumikit.

Nasasaktan ako dahil alam kong nasasaktan ko din ang babaeng mahal ko. Bakit ba kailangan ganito?

Jorgette's POV

Gabi na naman. Dalawang araw at dalawang gabi nang hindi kami nag-uusap ni Tyron. Wala akong ideya kung bakit siya ganyan. Dumaan muna ako sa coffee shop bago ako umuwi kaya medyo nagabihan ako.

Naglalakad ako papasok ng bahay nang makita ang kotse ni daddy. Meron siya, mas lalo ako nalungkot. Nandiyan siya para lang sa isa niyang anak. Pumasok ako nang bahay at nakita ko si daddy na nakaupo sa sofa at seryosong nakatingin sa akin.

"Hi dad" sabi ko tsaka nagmano.

"Umupo ka at mag-uusap tayo" malamig niyang sambit tsaka muling tumingin sa ibang direksyon.

"Bakit mo sinaktan ang mommy at kapatid mo? Si mommy Ruth mo sinagot-sagot mo na nga tapos itinulak mo pa. Ang kapatid mo, tinapon mo lahat ng gamit sa sahig! Wala ka na bang ibang gagawing hindi puro problema?! Jorgette dalaga kana! pero ang inaasal mo bata! Hindi yan magandang gawain, pinapakisamahan ka ng maayos ng mommy at kapatid mo pero anong ginagawa mo?! Pambabastos?!" Galit na saad ni daddy sa akin habang nakatingin sa TV. Nabigla ako sa sinasabi niya. Nababaliktad ata ang pangyayari? Kinagat ko ang labi ko tsaka pumikit at nagsimulang umiyak.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon