Chapter 43

4.3K 78 2
                                    

Jorgette's POV

Maaga akong nagising dahil maaga ding nagpaalam si Mia, bumalik kasing probinsiya dahil may sakit si lola. Hindi naman ako makapunta dahil may dalawang chikiting na makukulit kaya nagprisinta na lang si Mia na siya na daw ang pupunta.

Nandito ako sa harap ng gate ngayon, medyo maaga pa at mamaya pang 9 ang gising ng kambal kaya minabuti ko na lamang na gupitan ang tanim sa harapan ng gate. Hindi na kasi naaasikaso kaya habang may oras pa ako, gagawin ko na.

Day off ngayon ni nanay Polly, si ate Mae naman sumama kay Mia sa probinsiya. May isa pang katulong na naiwan pero siya na ang inutusan kong mamalengke dahil paubos na ang stock sa kusina.

"Kidnap to!" nagulat ko nang may matigas na bagay na itinutok sa tagiliran ko.

Kidnap? Anong nangyayari?

"K-kuya k-kunin niyo na lang po lahat ng pera ko-"

"Hindi namin kailangan ng pera mo! Ikaw!" nanginginig kong itinaas ang kamay ko kasabay ng pagtulo ng luha ko sa takot.

Ako? Kailangan nila? May mga anak ako. Bakit ako?

"Kuya may dalawa akong anak, hindi na ako dalaga. K-kung k-kailangan niyo ng pera ibibigay ko. H-huwag niyo lang akong sasaktan-"

"Ipasok siya sa loob! Kunin ang dalawang bata!" utos ng lalaking naka takip ng mukha sa kanya pang mga kasama.

"Huwag! Kuya please! Bata pa sila, ako na lang pakiusap" hagulgol kong iyak nang simulang pasukin ng tatlong lalaki ang bahay namin

"Manahimik ka!" sigaw nito sakin. Napapikit na lang ako sa takot. Bakit kami pa?

"Kuya p-pakiusap. A-ako na lang huwag ang mga a-anak ko" hagulgol ko habang pilit kumakawala sa tali sa kamay ko.

"Walang masasaktan sa inyo, basta manahimik ka at sumunod sa gusto ko" sabi nito sakin sabay lagay ng panyo sa ilong ko. Pilit akong nagpupumiglas pero masyado silang malakas at sa huli ay unti-unting pagdilim ng paligid ang nakikita ko kasabay ng pagkawalan ko ng malay,

Vince's POV

Jusme patawad Jorgette. Napag-utusan lang.
Kasama ko si Josh at Lester na pumasok sa bahay ni Jorgette upang kunin ang kambal pero ilang kwarto na ang napasok namin bago narating ang kwarto ng kambal na mahimbing pang natutulog.

"Napaaga ata tayo, tulog pa sila. Tara balik na lang tayo mamaya-" Lester

"Gago!" sigaw ko, abnormal talaga tong bwisit na to!

"Hehe biro lang" Lester.

kausap ko kasi si Mia kagabi na aalis daw siya kaya naman nagkaroon kami ng magandang pagkakataon na makapasok sa bahay na to.

"Buhatin mo" senyas ko kay Lester habang hawak niya ang paa ni- hindi ko alam kung si Zylan ba o Dylan ang hawak niya pero sa halip na buhatin ito'y patuloy lang na tinitigan ang bata

"Vince..." takang tawag niya sa akin,

"Posibleng-" Josh

"Mamaya na kayo magtanong baka may dumating. Buhatin niyo na sila bilis!" utos ko na agad naman nilang ginawa.

Mabilis naming kinuha ang mag-iina at dinala sa bahay ni Tyron. Mabuti na lamang at mahimbing pa ang tulog ng kambal kahit buhat ito ni Josh at Clark habang nakahiga pa si Jorgette sa loob ng van.

"Tapos na trabaho namin, ikaw na bahala sa kanila" sabi ko sabay tanggal ng mask ko.

Maingat naman na pumasok si Josh at Clark na buhat ang kambal sa isa pang van tsaka ako sumunod, maingat din na binuhat ni Tyron si Jorgette na akala mo bagong kasal at muling ipinasok sa van.

'Saan tayo pupunta?" tanong ko sabay tingin kay Tyron habang nasa byahe.

Kita sa mukha ni Tyron ang saya at pagmamahal para kay Jorgette habang nakangiting nakatitig ito sa mukha ni Jorgette.

"Matunaw" tukso ni Josh

"I miss her so much" tanging sambit ni Tyron sabay halik sa noo ni Jorgette.

May dalawang oras siguro ang byahe bago kami nakarating sa teka, bahay ba to? Nandito kami ngayon sa anong klaseng-!

Pumasok kami sa isang madamo at lumang gate pero sa loob nito isang maganda at simpleng bahay na gawa sa kahoy ngunit matibay. Namangha ako sa ganda nito, kahit sa maluwang na paligid napakaganda.

"Pakipasok ang mga bata sa loob" utos ni Tyron habang buhat si Jorgette na wala pang malay.

Iniabot ni Tyron ang susi ng bahay kay Clark kaya agad naman nitong binuksan at mas lalo kaming namangha sa ganda at luwang ng bahay. Pumasok si Tyron sa kwarto at ipinahiga si Jorgette tsaka lumabas nang biglang magsalita ang batang buhat ni Lester

"Who are you? Where's my mom?" salubong na tanong ng bata. Maingat na ibinaba ni Lester ang bata. Nang makita ng bata ang kambal niyang buhat ni Josh at agad itong lumapit at sumigaw

"Wake up Zylan! Wake up!" sigaw nito upang magising ang bata. Nakangiti namang nakatingin si Tyron sa kanya, psh! Nakikitaan na kita ng future Tyron nyahahaa

"Zylan i said wake up!" muling sigaw nito dahilan ng pagkagising ni Zylan. Pagmulat ng kanyang mata ay agad sakin napatingin.

"Hey tito Vince, what are you doing here?" tanong nito tsaka pilit bumababa sa pagkakahawak ni Josh kaya ibinaba nito. Akala ko nakalimutan na ako ng batang ito eh

"Do you know him Zylan?" siya pala si Dylan,

"Nevermind, wheres mommy... Im hungry! Mommy!!!" jusko ang ingay pala ng mga to,

"Wu-wait!" sambit ni Tyron sabay upo sa harap ng kambal,

"W-whats your name?" tanong kay Zylan habang tong si Tyron halatang hindi makapaniwala.

"Im Zylan po and this is my twin, Dylan" ngiting sagot nito.

"Sigurado ka bang anak ng ibang lalaki yan, Vince? Isang batang Tyron ang nakikita ko sa kanila eh!" asik ni Yohan pero ngumisi lang ako.

"C-can you give me a hug?" utal na tanong ni Tyron sa dalawa

"Yes sure" maluha-luhang yumakap si Tyron sa dalawa tsaka tumingin sakin nang magsalita ang isang bata

"Can i call you daddy?" tanong nito na mabilis namang ikinatango ni Tyron

"Y-yes sure baby. Why not?" sagot ni Tyron,

Haisstt. Kamusta naman mamayang pagkagising ni Jorgette? Medyo matagal-tagal na din kaya nagpaalam na kaming umuwi.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon