Chapter 13

4.1K 80 0
                                    

Jorgette's POV

Pagkatapos kong kumain at maligo ay tinext ko si Tyron kung okay na ba siya o hindi pa pero mag-iisang oras na wala pa siyang reply kaya minabuti kong tawagan na lang kaso hindi din sinasagot.

Ngayon lang ata na ganito siya, dati-rati kapag may ginagawa siya sinasagot tawag k kahit busy ito. Haysst siguro tulog pa.

"Yohan?!" tawag ko sakanya tsaka tumakbo palapit sa kanila.

"Hindi paba okay si Tyron?" tanong ko.

"Okay na siya" sagot ni Yohan habang naglalakad.

"Okay na naman pala. Eh asan siya? hindi niya sinasagot tawag ko" sabi ko sabay check ulit ng cp ko

"A-ahh kumain kana ba?" pangiiba ni Lester ng usapan. Tumango ako tsaka muling tinawagan ni Tyron pero wala paring sagot

"Bakit ba hindi niya sinasagot?! Okay lang ba talaga siya?" tanong ko ulit. Paano ko malalaman na okay talaga siya kung kahit isang text manlang sana ang sagutin niya.

"Pupuntahan ko na lang siya sa condo-"

"Huwag na. Gusto niya munang mapag-isa. S-sana makinig ka nalang" pigil sakin ni Clark tsaka ako iniwan. Nabato ako sa narinig ko. Gusto niyang mapag-isa? bakit? anong problema? B-bakit hindi niya sinasabi sakin?

Natapos ang maghapong hindi ako kinakausap nila Josh, Clark, Yohan at Lester. May nagawa ba ako? nanibago lang kasi ako dahil meron man o wala si Tyron nandiyan sila para libangin ako lalo na kung wala si Tyron. Kaso ngayon pakiramdam ko, di nila ako kilala.

Galit ba sila sa akin? anong nagawa ko? anong kasalanan ko? ni ayaw manlang sabihin nang makabawi naman ako.

"Clark..."tawag ko kay Clark mula dito sa likuran. Tumingin ito sa akin at inantay ang sasabihin ko.

"M-may nagawa ba ako?" tanong ko.

"Nagawa alin?"

"Bakit gustong mapag-isa ni Tyron? m-may problema ba? tsaka bakit pati kayo feeling ko galit din sakin" Pigil luha kong tanong.

"H-hindi ah. Sige una na kami, may kailangan pa kaming ayusin eh" paalam nito tsaka sila umalis.

hindi na ako nagsalita at hinayaan na lang sila. May mali eh. Hindi pwede to, pupuntahan ko si Tyron. Mabilis ko silang nilagpasan papuntang gate at alam kong nakatingin sila sakin. Sakto naman na dumating ang driver ko kaya agad akong sumakay at nagpahatid sa condo ni Tyron.

"Maam parang kilala ko ang babaeng yon" Biglang salita ni kuya Clarence sa babaeng nakapayong na naglalakad papuntang kotse.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon