Chapter 58

3.8K 62 1
                                    

Jorgette's POV

Nakita ko ang pag-alis ni Unice sa tabi ko kaya agad kong sinundan nang makita siyang hawak ng dalawang lalaki habang walang malay, tatakbo na sana ako nang biglang may panyong tumakip sa ilong ko hanggang sa unti-unting nagdilim ang paningin ko.

Pagkagising ko'y nakatali na ang mga kamay ko sa mesa at ganon din si Unice, nasaan kami? Napatingin ako sa may kaliwa kung saan nakakulong ang tatlong bata.

Agad akong napahagulgol ng tahimik nang makita ang mga anak kong natutulog sa may sahig at walang kumot habang lamig na lamig kasama si Kyle.

Jusko ano bang kasalanan namin at kailangan ganituhin kami. Ako na lang, huwag na ang mga bata.

"Gising kana pala miss beautiful " sulpot ng isang lalaki na hindi ko kilala.

"Sa pagkakaalam ko ikaw ang asawa ni Tyron at iyon ang mga anak" turo niya sa kambal.

"Nasaan ako !" sigaw ni Unice nang magising,

"Kyle anak ko!" umiiyak at nag-aalalang sigaw ni Unice dahilan ang pagkagising ng mga bata.

"Mommy!" sigaw ni Dylan habang umiiyak.

"Dylan, mommy's here. J-just behave okay? T-they won't hurt us" pagpapatahan ko kay Dylan.

"Where's daddy?" natatakot at naluluhang tanong ni Zylan, ,

"Mom! We have to get out of her! Let us go!" sigaw ni Kyle.

"Tingin niyo makakalabas kayo dito nang hindi kami nakakaganti kay Erwin at Tyron?! Ang tagal namin silang hinanap at mukhang kinalimutan na nila kung saan sila nanggaling. Ganon na din ang laki ng kasalanan nila samin" bulyaw nito.

"Boss sila Tyron parating!" tumatakbong sigaw ng isang lalaki, taranta namang umalis ang tinatawag nilang boss.

Napatingin ako kay Unice na pilit kumakawala kaya agad ko ding ginawa. Hindi naman mahigpit masyado ang pagkakatali sakin kaya agad kong naalis. Nang makita si Unice na nahihirapang tanggalin ang tali ay agad kong tinulungan.

"Don't mind me, iligtas mo ang mga bata" saad nito,

"Hindi kita iiwan dito huwag kang tanga! Kapatid padin kita" sagot ko. Hindi na lang ito kumibo nang marinig kong may parating na tao ay mabilis akong bumalik sa upuan ko at nagkunwaring nakatali pa ganon din si Unice.

"Walang tatakas!" sigaw ng lalaki tsaka muling umalis. Dinig mula sa labas ang ingay ng mga kalalakihan na halatang abala sa labanan. ,

Nang makaalis ang lalaki, agad kaming tumayo ni Unice at tinungo ang munting kulungan kung saan nakakulong ang tatlo.

"Mommy" hikbi ni Dylan.

"It's okay baby, mommy's here." sabi ko nang makita ang isang lalaking papasok sa kwarto kung saan kami naroroon at tinutukan ang baril si Kyle.

Wala na akong magagawa kundi ang saluhin ang balang papunta kay Kyle. Agad kong niyakap si Kyla kasabay ng pagputok ng bala, naramdaman ko ang pagpasok ng maliit at matigas ng bagay sa may tagiliran ko.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon