Chapter 19

4.2K 84 4
                                    


Tyron's POV

"Masaya kana?! ha?! sirang-sira na buhay ni Jorgette?!" galit kong sigaw kay Unice sabay basag ng bote sa harapan niya.

"Oo masaya na ako. Kulang pa yon sa lahat ng paninira at pang-aagaw niya sakin. Gusto ko mawala lahat sa kanya. Gusto ko lahat ng mahal niya sa buhay iiwan siya!" sagot nito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang mabilis kong hawakan sa panga si Unice

"Wala siyang inagaw sayo. Inggit ka lang Unice dahil kahit kailan, kahit ilang beses mong siraan si Jorgette hindi mo parin siya mapapantayan!" sigaw ko. Dadalawa lang kasi kami sa lugar na to ngayon.

"Hindi totoo yan! Ngayong wala na kayo, sa akin kana Tyron. Hindi na din siya mahal ni daddy. At dahil sa ginawa mo sakanya sigurado akong pati sa school apektado siya. And I'm happy for that" ngising sabi niya. Huh? mapupunta ako sakanya?

"Mangarap ka" sabi ko tsaka siya iniwan. Nagtungo ako sa bar at naglasing hanggang sa diko na kayang umuwi mag-isa.

Nagising na lang ako nang nasa condo na ako. Pagkagising ko may nakahanda nang pagkain sa lamesa sa tabi ng kama ko.

Siguro sila Clark may gawa nito. Agad akong napatakbo sa banyo tsaka sumuka ng sumuka. Nahihilo pa ako at ang sakit ng ulo ko.

Nag toothbrush na lang ako tsaka uminom ng kape. Pagkatapos umalis ulit papuntang bar. Wala ng silbi ang buhay ko, bakit ko pa gugustuhing mabuhay? wala na siya. Galit sa akin. Sinira ko buhay niya, pagkatao't pangarap niya. Gago ako eh. Gago ako!

Jorgette's POV

Halos dalawang araw na akong hindi pumapasok at nagkukulong lang dito sa condo ko. Nag-iisa at nasasaktan.

Bakit niya yun ginawa? akala ko ba mahihintay niya ako? akala ko ba magpipigil siya? akala ko ba hihintayin niya ako hanggang sa maging okay na ako? bakit? bakit niya yon nagawa?

Kahapon pa din tawag ng tawag si mommy na pupuntahan niya ako pero tumatanggi ako sabi ko busy ako. Gusto kong sabihin kay mommy pero paano?

sasabihin ko bang biktima ako ng rape? kung ang lalaking sobrang mahal ko ang gumawa sakin nito?

Mahal na mahal ko si Tyron pero galit ako sakanya. Hindi ko siya mapapatawad sinira niya ang lahat sa akin. Kung hindi dahil sa kanya hindi ako magkakaganito.

Lumipas ang ilang linggo nang hindi parin ako pumapasok. Napagdesisyonan ko na lang huminto sa pag-aaral. Ayoko nang makita si Tyron.

Kinausap ako ng maayos ni mommy kung anong dahilan ng pagtigil ko sa pag-aaral pero ang sagot ko lang ay sawa na ako kaya hinayaan na lang niya ako.

Nilibang ko na lang ang sarili ko sa bahay na ito. Tumutulong kila manang sa paglilinis para naman kahit papano may silbi akong tao.

Hindi parin maiwasang tanungin ako ni mommy kung ano ba talaga ang problema pero iisa parin ang sagot ko. Walang problema.

Si mommy din palaging wala dahil may inaasikaso daw na trabaho pero kahit papano nabibigyan niya padin ako ng oras. Masaya na ako don, kaisa sa mawala sakin si mommy.

"Jorgette?" tawag sakin ni mommy

"Tatawagan kita mamaya. Dadaanan ko kayo nila manang kakain tayo sa labas ha?" sabi ni mommy tsaka ako hinalikan sa ulo at tsaka umalis.

Sinundan ko pa siya hanggang dito sa labas ng gate at inantay siyang makaalis hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Nang papasok na sana ako, biglang huminto ang pamilyar na kotse sa harapan ko. Lumabas si tita Ruth tsaka lumapit sa akin at mabilis akong sinampal ng ilang beses. Sakto namang may huminto ulit na kotse at lumabas ang isang babaeng kasing edad ko tsaka lumapit sa amin ksama ang driver niya.

"Kuya awatin niyo sila" utos ng babae sa driver niya. Lumapit ang lalaki tsaka hinila si tita Ruth habang ang babae naman ay hawak ako sa braso habang matalim na nakatingin kay tita Ruth.

"Don't you dare hurt her or else papapulis kita! are you okay ate?" pagtatanggol at tanong nito sakin.

"Huwag kang makialam dito! Dapat lang yan sakanya! dahil mula nang umalis yan sa bahay hindi na naging maayos ang relasyon namin ng asawa ko!" sigaw ni tita Ruth.

"I don't care. Wala kang karapatang saktan ang ate ko!" napalingon ako sa babaeng pinagtatanggol ako. Ate ako? ha?

"Umalis ka dito bago pa ako mawalan ng pasensiya at respeto sayo. Magaling ako sa away, lahat ng kaaway ko bugbog sarado sa akin so if I were you, umalis kana!" banta niya kay tita Ruth kaya nagmadaling umalis ito.

"Haha! takot pala eh- Anyway are you okay ate?" baling niya sakin.

"Hmm I'm Mia nga po pala. Anak ni mommy Bella so magkapatid tayo! Yeyy may ate na ako!" masayang sabi nito tsaka ako niyakap.

"A-anak? you mean nag-asawa si mommy ng-"

"No ate. Ampon lang ako. Alam kong mabait ka dahil palagi kang kinukwento sakin ni mom kaya kilala na kita. Mula favorites mo, hobby mo, height mo alam ko na hihi" ang kulit din pala ng isang to. Napangiti na lang ako.

Pagkatapos niyang magpakilala ay nagkwentuhan lang kami sa kwarto ko. Ang saya niyang kausap, khit papano nalilibang ako. Sa lahat ng problema ko.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon