Chapter 30

4.4K 85 4
                                    


Jorgette's POV

"Ate hindi umuwi si mom" Bungad sakin ni Mia mula sa pinto ng kwarto ko habang abala ako sa paghaplos ng tatlong buwang baby sa tiyan ko.

"Ha? Eh saan naman yun uuwi?" tanong ko sabay tayo tsaka kinuha ang cellphone ko. Tinawagan si mom.

"Mom?" tawag ko sakanya mula sa kabilang linya nang angatin niya ito ngunit walang nagsasalita kaya't nakaramdam ako ng kaba.

"Mom, nasaan ka? Hindi ka umuwi kagabi-"

"Jorgette anak" boses ni daddy mula sa kabilang linya tsaka ito mahinang napahikbi ngunit dinig ko. Napatigil ako sa pagsasalita at inantay ang sasabihin niya.

"K-kasama ko ang mommy mo anak. Natulog siya dito sa bahay-"

"Pwede ko po ba siya makausap dad?" sabi ko. Hindi lang kasi ako makapaniwala na magkasama sila. Hindi sa galit ako pero ang alam ko kasi galit si mommy kay daddy at tita Ruth kaya paanong matutulog si mom sa bahay nang kasama si daddy at tita Ruth? Maliban na lang kung may mali sa nangyayari

"Tulog pa anak eh. Pwede bang pumunta ka na lang dito? g-gusto sana kitang makausap kahit konting oras lang." maalumanay na saad ni daddy. Napalunok ako tsaka tumingin kay Mia na nagtatakang nakatingin din sa akin.

"Kakausapin ko po muna si mommy dad. Pakigising na lang po" sabi ko. Nakabuntong hininga si daddy tsaka ginising si mom.

"Y-yes anak?" boses ni mommy na halatang bagong gising.

"Mom bakit kayo magkasama? Akala ko ba magkagalit-"

"Mabuti pa anak. Pumunta ka na lang dito. Mag-uusap tayo. Hihintayin kita" sabi niya tsaka ako pinatayan. Anong nangyayari.

"Hey! ate what's wrong? Where's mom?" tanong nito sakin.

"Magbihis ka. Aalis tayo" sabi ko tsaka ko sinimulang mag-ayos ng katawan.

Nagtataka namang umalis si Mia sa kwarto ko upang sundin kung ano ang sinabi ko. Pagkatapos naming mag-ayos ay lumabas na kami ng gate nang biglang huminto sa harapan namin ang dating driver ko mula bata ako.

Nakangiti itong lumabas tsaka kami pinagbuksan ng pinto sa likod. Namiss ko bigla si kuya eh! Dumiretso kaming bahay kahit kinakabahan ako sa anumang pwedeng mangyari. Nandito si Unice at ayoko ng gulo pero dahil utos ni mommy. Susundo ako.

"Ate what are we doing here? This is your house at sa loob niyan may 2 monsters!" sakristang tanong ng kapatid ko. Huminga ako ng malalim tsaka siya hinawakan sa kamay.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon