Chapter 59

4K 69 7
                                    

Tyron's POV

"Magpahinga ka na anak, ako na bahala sa anak ko" tapik ng mama ni Jorgette sa balikat ko. Napangiti na lang ako ng mapait,

"Okay lang po ako maam. Gusto ko po na sa paggising niya, ako ang una niyang makita" sagot ko habang hawak ang kamay ni Jorgette. Napapikit na lang ako tsaka hinalikan ito.

"Ano kaba naman, tawagin mo na lang akong mommy" usad nito.

"Opo...m-mommy" pag-uulit ko, sakto naman na may tumawag sa cellphone ko. Agad akong nagpaalam lumabas tsaka ko ito sinagot nang makitang si mommy ang tumatawag.

"Ano ba Tyron, halos hindi na kita nakakausap ah! Umuwi ka ngayon dito, may family reunion tayo-"

"Hindi ako makakapunta. Pasensiya mom" singit ko sa mga sinasabi nito,

"Aba bakit? Kailangan ka dito-"

"Mom mas kailangan ako ng asawa ko. Ni halos hindi ko na nga mapuntahan ang mga anak ko, diyan pa kaya? Matutuloy ang family reunion niyo kahit wala ako" sagot ko. Wala akong pakialam sa mga nawawalang kamag-anak ko kung sino man sila, kailangan ako ng mga anak lalo na si Jorgette.

"A-asawa? A-anak? Mga anak mo ba kamo?" pag-uulit nito. Napabuntong hininga na lang ako.

"So i-ibig sabihin may mga apo ako? Jusko Tyron kailan ko sila makikilala? Jerome! May apo na tayo! Jusko uuwi kaming pinas ngayon" nabigla na lang ako sa inaasta ni mommy. Hindi ba't ayaw niya pang magkaapo dahil masyado pa daw siyang bata para tawaging lola?

Bumalik na lang ako sa loob nang makita si Jorgette na kumakain. Agad akong napangiti at napaluha, nakangiti naman itong nakatitig sa mga mata ko. Halos patakbo akong lumapit sa kanya tsaka ito siniil ng halik.

"Oy baka nakakalimutan niyo may tao dito" usad ni Mia.

Napabitaw na lang kami tsaka napatawa pareho. Umupo ako sa tabi nito tsaka niyakap.

"Ang anak natin, kamusta sila? I want to see them if okay lang sila. Hindi ba sila nasaktan?" halata ang kaba at takot sa mukha ni Jorgette kaya ngumiti na lang ako tsaka ito hinalikan sa labi.

"Nasa bahay na sila ngayon kasama ang daddy mo. Huwag ka ng mag-alala, miss kana ng mga anak mo kaya magpagaling ka nang makauwi kana agad, i love you" paliwanag ko.

"I love you more"

Ilang araw pa kami nag-stay dito hanggang sa may mag-ring sa cellphone ko na hawak ni Jorgette, unknown number ito at agad naman niyang sinagot,

"Hello?"

"A-ahh opo." sagot nito tsaka iniabot sa akin ang cellphone.

"Yes?"

"Tyron? Saang room kayo?" boses ni mommy.

"Ha? R-room number 5" sagot ko nang biglang magbukas ang pinto ng kwarto ni Jorgette.

Pumasok si mommy kasama si daddy na may dalang bulaklak at mga pagkain. Napakurap-kurap naman si Jorgette habang si mommy Bella ay nagtatakang nakatingin sa magulang ko.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon