Chapter 23

4.3K 79 4
                                    

Jorge's POV

"Hindi ko gusto yung inasal mo kanina. Nakakahiya ka!" galit na sigaw ko kay Ruth.

"Pinagtatanggol mo pa yung babaeng yon?! ako ang asawa mo at hindi siya kaya dapat lang na ako ang kampihan mo" umiiyak na sagot nito. Heto na naman kami sa topic na ito.

Wala kaming relasyon!

"Hindi kita asawa-"

"Ibinahay mo ako kaya asawa mo ako. May namagitan satin kaya asawa mo ako. At yung Bella na yon, makipag divorce ka sakanya para sa gaganaping kasal natin" sigaw nito sakin.

Sa inis ko kay napamura na lang ako tsaka padabog na umakyat sa hagdan. Nakasalubong ko naman si Unice na nanggigilid ang mata habang nakatingin sakin.

"L-let me explain" sabi ko pero umiyak lang ito tsaka tumakbo papasok ng kwarto niya.

Nawala na sa akin si Jorgette, pati ba naman si Unice na tinuring ko ng parang tunay na anak?

Dumiretso ako sa kwarto ko tsaka humagulgol. Nagkamali ako.

Wala kaming relasyon ni Ruth. Pinalabas lang namin na mag-asawa kami simula nang akala kong namatay na si Bella.

Sa kadahilanang ayaw kong lumaki si Jorgette nang walang ina. Na lumaki siyang kahit wala yung babaeng nagsilang sa kanya ay lalaki siyang hindi makakaramdam ng pangungulila kasi ako? ayaw ko siyang makita.

Hindi dahil sa galit ako kay Jorgette kundi dahil sa nakikita ko sakanya ang ina niyang nagbigay ng kulay sa madilim kong mundo. Ang ina niyang kasama kong bumuo ng mga pangarap. 

Ayokong mag-stay sa bahay na ito dahil sa bawat sulok ng bahay nato, masasayang alaala namin ni Bella ang nakikita ko. Mahal na mahal ko ang mag-ina ko.

Nagawa kong magpanggap na may asawang iba para makalimot pero wala eh. Hanggang ngayon si Bella parin ang laman ng puso ko. 

Hindi ko kinuha si Ruth para pumalit kay Bella sa buhay ko, kinuha ko lang siya para tumayong ina para sa anak ko hindi bilang asawa ko.

At para mangyari yon, kailangan ko ding tanggapin si Unice kahit hindi ko kadugo. Nabuntis si Ruth nang kasintahan niya noon pero iniwan din ito.

Mula nang makalipat sila Unice at Ruth dito sa bahay, palagi na akong wala. Bumili ako ng maliit na condo para uuwian ko. Ang akala ko maayos ang lagay ng anak ko sa piling ni Ruth at Unice, hindi pala. At yun ang malaking pagkakamali ko.

Jorgette's POV

Pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko. Pakiramdam ko pagod na pagod ako samantalang nag-ayos lang naman ng halaman sa harap ang ginawa ko.

Agad pumasok sa isip ko si Tyron. Magtatatlong buwan na wala na akong balita sa kanya. Pero okay lang, wala akong balak magpakita sa kanya. Ngayon pang nagbunga ang panggagahasa niya sakin?

Wala siyang karapatang makita o makilala ang anak niya kahit pa sabihin nating siya ang ama.

Kung kailangan na umiwas ako gagawin ko. Kung kailangan na aalis ako ng bansa malayo lang sa kanya gagawin ko.

Minsanan ko na siyang inalis sa buhay ko. Hinihintay ko na lang na pati sa puso't isip ko maglaho na ito.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon