Chapter 56

4K 75 2
                                    

Jorgette's POV

Nagising na lang ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas, boses ng kambal. Teka wala ba silang pasok? Hala na late ata ako ng gising, anong oras na ba?

Agad akong bumangon at nagtungo sa kwarto namin, agad nag flash sa isipan ko ang pangyayari kagabi na agad ikinapula ng mukha ko. Nasaan ba si Tyron, pagkagising ko wala na siya sa harapan ko at...

Naku wala pa pala akong damit. Agad akong napatingin sa wall clock, 9:23 am?! Jusko alas otso ang pasok ng mga anak ko!

Agad akong nagbihis at bumaba ng hagdan nang maabutan ang mag-aamang abala sa panonood ng spongebob. Aba! Relax na relax! Nakalimutan atang may pasok pa tong dalawa.

"Anong ginagawa niyo? May pasok kayo diba?" asik ko habang nakapamewang na palapit sa kanila.

"Relax lang babe. Sabado ngayon" ganun ba? Sabado na pala? Hindi ko manlang namalayan isang linggo na naman pala ang patapos.

"Mommy you want puto?" tanong ni Zylan sabay subo ng puto na kinakain niya.

"Just one, love" sabi ko tsaka kinuha ang puto sabay kagat.

"Did you buy this for mommy?" tanong ko.

"No" sagot nito.

"Haha. Late kana kasi gumising mahal, may nakita kaming nagtitinda ng puto diyan sa harap kaya bumili na ako. Ayaw din naman papigil ng dalawa, gusto daw ng puto eh" sabat ni Tyron.

Ganyan naman yan eh, ni hindi matiis ang mga anak niya. Kung sabagay ganon din ako. Hindi na ako umimik at nakisama na din sa panonood ng spongebob sa tv.

"Labas tayo babe" pambabasag ni Tyron sa katahimikan, tahimik at seryoso ang kambal sa panonood kapag si spongebob ang bumibida kaya heto nakadekwatro pa, akala mo boss. Nyahahaha!

"Ha? Saan?" sabado ngayon. Wala siyang pasok sa trabaho na kaya dapat nagpapahinga tapos gusto niya nanaman lumabas. Mabuti sana kung behave lang tong dalawa.

"Mall?"

"Diba dapat pahinga mo ngayon?"

"Mas nakakapag pahinga ako kapag nakikita ko kayong masaya lalo na ang dalawa. Kaya tara?" sagot nito. Tumango na lang ako tsaka tumahimik.

Nang matapos na ang pinapanood ng dalawa, agad silang pinaliguan ni Tyron habang ako naghahanap ng damit nila. Naghanda na din ng extra shirt at pants ng kambal sa bag in case na kailanganin.

Pagkatapos nilang maligo sumunod na lang ako. Naligo, nagbihis at konting ayos lang okay na. Hindi na ako dalaga para mag-ayos ng bonggang bongga. Ang mahalaga malinis ang mga anak ko di baleng losyang ako.

"Mommy do i have to wear this? I want that woody one " reklamo ng anak ko sa suot niyang black shoes.

"Hahaha, okay anak go lang" saad ko tsaka kinuha ang bag.

"Mommy do that!" saad ni Dylan tsaka binigay ang pares ng sapatos.

"You can try baby" sagot ko.

"I can't try" muling sagot nito tsaka itinaas ng kanyang paa upang masuot ko ang sapatos nito.

Hayy... Mapili talaga to sa gamit samantalang yung isa nasa kotse niya sigurado naiinip na. Nang maisuot ko ang sapatos nito'y agad tumakbo palabas ng bahay at sumakay sa kotse.

"Don't get excited baby. Here we go" Tyron.

Nang makarating kami dito sa mall, sa toy shop agad dumiretso ang kambal na agad naman sinundan ni Tyron. Jusko naman, parang ako yung pagod kaisa kay Tyron na halos dalawang araw lang ang pahinga, ayan pa siya nag-hahabol ng bata.

"Look daddy its olaf and Anna" sigaw ni Zylan hawak ang picture ng frozen.

"I want this daddy"

"You already have this one, love" saad ko tsaka hinawakan ang laruan at tinignan, meron na siya nito kaso ibang kulay.

"Okay let's pay for it" agad akong napatingin kay Tyron. Bibilhan niya ulit ng bago samantalang isang linggo pa lang ang nakakalipas mula nang bilhan niya ang dalawa ng pagkadami-daming laruan tapos ngayon may hawak na naman ang dalawang magkakaibang uri ng laruan.

Jusko saan naman kayang kwarto itatambay ang mga laruan nila sa dami ng kanilang laruan. Hindi na lang ako kumibo at sumusunod-sunod na lang sa mag-aama. Ganyan naman sila eh, kapag magkakasama na sila para na akong hangin sa kanila.

Inabot kami ng ilang oras sa pamimili ng gamit ng dalawa at heto kumakain na kami dahil medyo hapon na din. Masayang nagsusubuan ang tatlo nang may mag-inang umupo sa tabi ko. Bakante kasi ang upuan sa tabi ko dahil magkakatabi ang mag-aama sa harapan ko.

"Wow saya" sulpot ni Unice kasama si Kyle. Problema na naman nito? Nananahimik kami dito eh.

"Inggit ka?" inis na singhal ko. Dahil din naman sa pang-aapi niya kaya ko natutunang pumalag.

"Bakit naman ako maiinggit Jorgette? Kainggit-inggit kaba?" ngiting tanong niya. Nga naman, kainggit-inggit ba ako para sirain niya buhay ko?

"Yun nga dapat itatanong ko Unice... Kung kainggit-inggit ba ako, bakit kailangan yung isa jan kailangan niyang guluhin nananahimik kong mundo" asik ko habang nakangisi. Patingin-tingin naman si Tyron sa amin habang ang kambal kumakain.

"Sa palagay mo, bakit niya sisirain ang buhay mo samantalang wala namang maganda sayo. Walang maipagmamalaki, kaya anong kinaiinggitan niya sayo?" hasuss. Daming sinasabi, akala mo santo.

"Siguro dahil ako ang tunay na anak, ako ang mas mahal ni daddy, sa akin lahat ang atensyon ni daddy, mas matalino ako, sa akin mapupunta ang pera, bahay at lupa o sabihin na nating mana. Mana, na gusto niyang makuha samantalang ampon lang naman siya. At higit sa lahat, ako ang mahal ni Tyron. Hindi ba mahal ko?" nakangising baling ko kay Tyron. Ngumiti ito ng pagkaloko-loko tsaka nagsalita.

"Oo naman mahal ko. Mahal na mahal ko kayo ng kambal. Kahit anong paninira gawin niya, hindi magiging hadlang yon para sukuan ko kayo ng mga anak natin. I love you" ngiting sagot niya. Ngumiti ako pabalik tsaka tumingin kay Unice na matalim na nakatingin sakin.

"Pinaparinggan mo ba ako?" masungit niyang tanong.

"Hasuss! Aba hindi ah, pero kung natatamaan ka. Wala akong magagawa, hi Kyle" sagot ko sabay baling at bati sa bata. Actually gwapo itong si Kyla, kamukha niya daddy niya kaya ang lakas ng loob ni Unice na ipakilala si Tyron bilang ama ng bata.

"Lets go Kyle!" iritang saad ni Unice tsaka sila padabog na umalis habang si Tyron umiiling habang di mapinta ang ngiti.

Tinuruan mo akong lumaban Unice. Hindi mo ako masisisi kung bakit ako ganito ngayon.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon