Jorgette's POV
"Ate pasyal daw tayo sa park sabi ni lola, nangungulit ang kambal kanina pa" sulpot ni Mia sa pinto habang abala ako sa pagtutupi ng mga damit na kinalat kalat ni Zylan kaninang naghanap ng laruan dito sa dala-dala naming bag.
"Tanghaling tapat na, matutulog muna sila after nila maligo. Mga batang yan talaga. Pwede naman mamayang hapon eh" sagot ko tsaka inilagay ulit sa bag ang mga damit na natupi ko. Lumabas ako nang maabutan si Zylan na hubad-hubad habang tumatakbo. Si Dylan na sinusuotan ng damit. Ang kukulit sobra.
"Come on nana!" sigaw ni Zylan sa aso sabay takbo. Agad naman itong hinabol ng aso habang tumatahol.
"Apo, papasyal tayo sa park " sambit ni lola nang makaupo ako sa tabi niya.
"La, tanghaling tapat po. Pwede po mamayang hapon na lang? Tsaka maggog-grocery pa po kami ni Mia mamaya. Patutulugin ko lang po sila" kakatapos lang niya bihisan si Dylan tsaka isinunod si Zylan, pinaliguan na pala niya.
"Kami na bahala sa dalawa anak, punta na kayo ni Mia dahil ubos na stocks natin" sulpot ni daddy tsaka iniabot ang pera.
Tumango ako tsaka inabot ang pera. Naligo tsaka t-shirt at maiksing pants lang tsaka tsinelas okay na ako. Konting lagay lang ng liptint at polbo tsaka kinuha ang wallet ko sabay labas ng kwarto.
"Hindi halatang may anak ate ha? Baka pagkamalan kang dalaga niyan" kantyaw ni Mia. Kalokang suot nanggaya pa talaga siya.
"Nanggagaya ka eh" biro ko sabay tawa at lakad papasok ng kotse.
"Hasuss nagkataon lang hahaha." sagot nito.
Nagmaneho ako ng kotse patungong savemore. Ayokong magpahatid kay daddy dahil sigurado akong pagod din siya. Kaya ko naman kaya okay lang kahit kami lang ni Mia. Pagkarating namin dito sa grocery agad kaming dumiretso sa may mga gatas dahil ubos na gatas ng mga anak ko.
Naghiwalay din kami ni Mia ng pupuntahan para na din mapabilis ang pamimili. Hindi kasi ako nagpaalam sa kambal kaya kailangan kong madaliin dahil sigurado akong hinahanap na ako ng mga yon.
Kung magpapaalam lang din ako sigurado akong hapon na kami makakauwi dahil ayaw din naman nila magpaiwan.
Lumapit ako sa may gatas nang hindi ko maabot ito. Nasa may taas kasi ang brand ng gatas na iniinom ng mga anak ko. Lumingon ako sa paligid at tinignan kung may tao bang pwedeng pakisuyuan pero wala.
"Haysstt bakit ba kasi ang taas" reklamo ko sabay tiklay at pilit inabot nang may kamay na umabot dito sabay bigay sakin. Nagulat lang ako dahil halos nasa likuran ko na siya.
Hindi ko ito nilingon pero dahil sa familiar na amoy, nakilala ko kung sino ito kasabay ng mabilis na pagkabog ng dibdib ko.
"Thank you " sabi ko sabay alis ng hindi nakatingin sa kanya sabay kuha sana ng cart nang mabilis ng hinawakan ni Vince.
"Aalis ka agad?" ngising tanong ni Vince. Sa gilid ng mata ko makikita si Tyron na nakatingin din sa akin pero wala akong pakialam. Muling namumuo ang galit ko sa kanya kaya ni Kahit salubungin ang mga titig niya diko pa magawa.
"Nagmamadali kasi ako. Kaya kung pwede bitawan mo na to" sabi ko sabay hila ng cart pero hinawakan din ito ni Tyron.
"Ano ba?! Kung gusto niyo to, edi iyan sainyo na" inis kong sabi sabay talikod pero hinawakan lang ni Tyron ang braso ko tsaka ako niyakap.
Agad akong nagpumiglas at pilit siyang tinutulak pero masyado siyang malakas. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sakin tsaka inilapit ang bibig sa tenga ko sabay sabing...
"Can we talk?" maalumanay na tanong nito sakin.
"Ang kapal ng mukha mo wala tayong pag-uusapan! Bitawan mo ko demonyo ka!" sigaw ko sabay tulak sakanya.
"Ate?" tawag ni Mia sakin sabay lapit at tsaka ako hinila.
"Hey gwapo! Alam mo bang nakakabastos kana? Bakit mo niyayakap ate ko?! After mong iwan mag-iina mo-" agad kong tinakpan ang bibig ni Mia sabay hila sa kanya palayo.
"Jorgette!" sigaw ni Tyron at Vince.
"Sorry ate" nakayukong paghingi ni Mia ng tawad habang nakaupo sa may passenger side,
"Mia, ayokong malaman niya ang totoo. Kaya kung pwede piliin mo naman ang isasagot mo" sabi ko sabay punas ng luha ko.
Natatakot ako na baka alam na ni Tyron na siya ang ama ng mga anak ko. Na baka isang araw kunin niya sakin ang dalawa.
" sorry ate."
"Ayokong malaman niya ang totoo. Ayokong magkaroon siya ng rason para magbalik at muling pumasok sa buhay ko. Sa buhay ng mga anak ko" sabi ko sabay iyak.
BINABASA MO ANG
She's mine (BaFat#3)
Romantizm"You think you can scape from me?... You can't Jorgette! you're mine!" mga katagang pabalik-balik sa aking isipan. . Ayoko na! Tapos na kami! he raped me! galit ako sa kanya at hindi ko siya kailan man mapapatawad! "Mom? where's dad? i want him? i...