Chapter 20

4.6K 94 1
                                    


Bella's POV

Kakatawag lang sa akin ni Mia na nasa bahay na daw siya, naabutan niya daw na sinasaktan nung nagngangalang Ruth si Jorgette sa mismong bahay ko. Talagang walang pinipiling lugar ang babaeng yon.

Sige, sinaktan niya ang anak ko? humanda siya. Agad akong lumabas ng office tsaka nagdrive papuntang bahay. Bahay ni Jorgette. Baliktad na kasi ang mundo ngayon, yung nakikitira na ang nag rereyna reynahan at yung totoong may-ari? sila na yung mag-aadjust.

Ayoko nang nananahimik ang anak ko bigla na lang susugod ang babaeng yon upang saktan ang anak ko at isisi lahat sa anak ko ang kasalanang hindi niya naman ginawa. Stress na stress na ang anak ko, hindi ko na nga makitang ngumiti eh.

Yung ngingiti na makikita sa mata niya, nakangiti ang labi niya pero malungkot ang mata niya. Ilang beses kong sinubukan kausapin si Jorgette kung ano ba talagang problema pero wala siyang sinasabi kahit halatang meron.

Halimbawa na lang ang pag-aaral niya. Bigla na lang siyang napatigil sa pag-aaral at wala akong ideya kung bakit. Pumunta ako sa school para icheck kung may nagawa ba siya, pero wala naman daw. Matataas pa nga mga grado niya.

Nandito na ako sa harapan ng bahay ni Jorgette. Bahay niyang tinitirhan ng mag-inang ahas. Nakita kong naka-lock ito kaya sumigaw ako

"Ruth buksan mo 'to! magtutuos tayo!" sigaw ko pero walang lumalabas.

"Ruth! Anong karapatan mong saktan ang anak ko? walang hiya ka lumabas ka diyan!" galit kong sigaw. Lumabas ito at gulat nang makita ako na agad ding ngumisi.

"Oh long time no see. Kamusta kana kaibiga-"

"Lumabas ka diyan! walang hiya ka, ang lakas ng loob mong saktan ang anak ko?!" sigaw ko.

"Nagsumbong pala sayo, so nagmana pala sayo yang anak mo? sinaktan ko? kinausap ko lang-"

"Sinungaling ka! lahat ng ginawa mo sa anak ko alam ko na. Habang wala ako, pinagmamalupitan mo ang anak ko. Nakikitira ka lang dito, bahay niya yan kaya lumayas ka diyan!" sigaw ko. Humalakhak ito at nag lakad papuntang harap ko kung saan hindi ko kayang abutin.

"Ito ang tatandaan mo, asawa kona si Jorge. Asawa ko na ang asawa mo, kaya anong karapatan mo sa bahay na to? Ako na ngayon ang asawa niya kaya sa akin na ang mansyong ito. Isa pa, ako na ang kinakasama-"

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon