Chapter 41

4.2K 77 3
                                    

Mia's POV

"Mia pasuyo naman ako ng tubig sa labas" pakiusap ni ate sabay bigay ng pera.

Nandito kasi kami sa airport hinatid si mommy at daddy. Tumango ako tsaka inabot ang pera at akmang lalabas sana nang may maliit na kamay na humawak sa braso ko.

Napataas ako ng isang kilay nang makita si Zylan, alam ko na naman plano nito eh. Haisstt,

"Huwag makulit" sabi ko tsaka hinawakan ang kamay niya tsaka isinuot ang kanyang sumbrero at inalalayang lumabas ng van.

Pumasok kami sa mini mart tsaka naghanap ng mabibiling pagkain. Napatingin ako sa may mga junk food. Nag lakad ako patungo dito tsaka kumuha nang mapansing wala si Zylan sa tabi ko.

"Zylan?" tawag ko sa pangalan niya tsaka hinanap. Jusme yari ako kay ate

"Zylan?" muli kong tawag pero walang sumasagot.

"Miss may nakita ka bang bata, m-maliit siya tsaka cute. I-ito yung picture" kabang tanong ko sa babaeng nagtratrabaho dito.

"Ah Oo nakita ko po maam sa may gawi doon. May kausap na gwapong lalaki" sagot nito sabay turo sa may chocolates. Nagmadali akong naglakad tsaka pinuntahan si Zylan nang makita ang pamilyar na lalaki.

"Zylan" tawag ko sa bata sabay lapit. Agad naman napatingin sakin ng gwapong lalaki habang nakangiti. Shit pogi!

"Tita, meet my new friend. Say hi tito Vince" sabi ni Zylan, hasey totoo ba to?

"H-hi" bati nito sakin kasabay nang kanyang pamumula. O may Vince ang gwapo!

"Hi" ngiting bati ko pabalik.

"At ikaw Zylan. What are you doing here? Akala ko nasa tabi kita, yari tayo kay mommy mo niyan" sabi ko.

"Huwag mo nang pagalitan ang bata. Anyway im Vince" pakilala nito sabay lahad ng kamay. Jusme! Crush na talaga kita kuya!!

"Mia" pakilala ko sabay hawak sa kamay niya at ngumiti.

"P-pwede bang makuha cellphone number mo?" tanong nito, agad akong tumango at binigay ang cp number ko, hihihi bahala na.

"Teka parang nakita na kita...ahmmm-"

"Savemore and park?" paalala nito. Tama! Siya yung lalaking kasama ni kuya Tyron noon.

"Tama-" masayang sambit ko nang agad akong mapatigil dahil biglang pumasok sa isip ko si ate.

"Oh iiwas ka din ba dahil naalala mo si Jorgette at Tyron?" tanong nito, manghuhula ba to?

"H-hindi ah. Tsaka hindi naman umiiwas ang ate ko" pagsisinungaling ko

"Haha, ah ganon? Mabuti naman kung ganon"  sabi nito. Ngumiti ako tsaka nagpaalam

"Sige Vince una na kami"  paalam ko tsaka hinawakan ang kamay ni Zylan at pumuntang counter tsaka nagpabayad at bumalik sa sasakyan.

"Mommy! Mommy i have a new friend!" bungad ni Zylan na nakangiti sabay upo sa tabi ni ate

"Oh really? Who is he?" tanong ni ate. Agad akong kinabahan,

"Ate ito na yung tubig oh, nga pala ate anong oras tayo uuwi? Ang sakit na kasi ng puson ko, may regla ata ako" palusot ko. Jusko mahirap na.

"Ganon ba? Sige pauwi na tayo- wait" sabi ni ate sabay hawak sa puwet ni Dylan.

"Oh may gad ang baho" reklamo ko sabay takip ng ilong ko. Lakas makautot nitong si Dylan ah.

"Mommy poopooooo!!!" reklamo nito sabay talon talon.

"Mia maiwan muna kayo ni Zylan dito. Sasamahan ko lang si Dylan sa cr" madaling sabi ni ate sabay kuha ng bag na naglalaman ng mga gamit ng kambal sabay buhat kay Dylan tsaka lumabas ng van. Sinundan naman ito ni ate Mae.

Tyron's POV

"Ang tagal ah. Baka naman hindi tubig binili mo?" bungad ni Yohan nang makapasok si Vince dito sa van.

"Baka naman chicks na naman yan Vince" Lester. Tatagal tagal kasi eh alam nang nagmamadali.

Nandito kami sa airport ngayon sinusundo ang kapatid ni Josh. Since wala kaming gagawin, sumama na lang kami.

"Haisstt thank you Tyron, thank you! Thank you!" masayang sabi ni Vince sabay hawak sa braso ko tsaka niyakap ito. Humalik na din sa pisngi ko.

"Tangina ano ba?! Yuck! Babuy! Problema mo?!" inis kong sambit sabay punas sa pisngi kong hinalikan nito.

"Nakuha ko na number niya" kilig na saad nito,
"Sino?" Clark

"Si Mia" napatingin agad ako sakanya nang marinig ang pangalan niya. Ibig sabihin nagkita sila ni Mia ngayon? Kung ganon maaring nandito din si Jorgette

"At heto pa good news, nandito din sila Jorgette" sabi nito. Napaayos ako ng upo habang nakatingin kay Vince

"Ayun sila!" turo ni Josh sa may harapan namin. Buhat nito ang isang bata.

"So iyan yung bata- teka! Takte parang isang batang Tyron" sambit ni Lester nang makita ang mukha ng bata.

"Hmmmm" Vince,

May alam talaga tong kumag na to eh.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon