Chapter 57

3.7K 64 1
                                    

Unice's POV

"Umalis kayo ng anak natin nang hindi ako kasama? Paano kung mapahamak kayo? Alam mo namang sa dami ng nakabangga ko di posibleng kayo ang gantihan" asik ni Erwin sakin habang hinehele si Kyle na tulog na tulog.

"Tigilan mo nga ako Erwin! Huwag kang umastang parang sino!pupunta ako kung kailan ko gusto, tsaka bumalik naman ako diba? Kagaya ng sabi mo hindi mo sasaktan si mommy huwag lang kaming tumakas. So ngayon akong kinagagalit mo diyan?" tanong ko sabay ayos ng mahihigaan ng anak ko.

Maingat naman nitong inihiga si Kyla tsaka sandaling hinalikan tsaka tumingin sa akin. Naglakad ito tsaka umupo sa harap ko habang naka upo naman ako sa kama malapit kay Kyle.

"Look. Hon, you know how much i love you. Hindi ako papayag na saktan kayo ng kahit na sino, hindi ako papayag na mawala ka ulit sakin dahil lang kay Tyron" asik nito, hindi ko alam pero parang may bulateng nabudburan ng asin sa may sikmura ko.

"Mahal kita, sana naman kahit konting pag-asa na magkaroon ako ng puwang diyan sa puso mo. Hindi ko yun sasayangin" saad nito tsaka ako niyakap. Ang alam ko hindi ko siya gusto pero bakit ganito? Nakikita ko na lang ang sarili kong nayakap pabalik sa kanya.

Pagkatapos naming magyakapa'y dahan-dahan kaming humiga sa magkabilaan ni Kyle. Sandali akong hinalikan ni Erwin sa labi tsaka isinunod ang noo ni Kyle tsaka kamai niyakap pareho.

Ngayon ko lamang narealize kung gaano ako kamahal ni Erwin at nang anak namin. Kung tutuusin sobra-sobra na ang pagmamahal nito sa akin na kailan man hindi ko nakita dahil sa pagmamahal ko kay Tyron.

Siguro kailangan ko lang palayain si Tyron sa puso ko at bigyan ng chance si Erwin. Pero ang pagpapalaya ko sa kanya ay hindi kasama sa pagpapakawala ng galit ko kay Jorgette.

Siya ang puno't dulo ng lahat ng ito. Siya ang may kasalanan ng lahat, dahil sa kanya nagkasakit si mama at nanghina. Inilayo niya sa akin si daddy at kailan man hindi ko ito hahayaan.

Nandito na yon, ito na yon at hindi ko hahayaang ang chansang ito mapupunta lang sa wala.

Kinabukasan

"Mommy lets go, im late!" singhal sakin ni Kyle habang ako nagmamadaling hinahanap ang susi. Kung saan naman kaya napunta yun.

"Hon, what's wrong?" sulpot ni Erwin. Nakasanayan ko na kasing ako ang hatid sundo ni Kyle, si Erwin kasi busy sa trabaho.

"Yung susi. Nakalimutan ko kung saan ko nilagay" sagot ko.

"Here" sabi nito sabay kuha ng susi sa kanyang bulsa at pinakita sa akin. Aabutin kona sana ito nang iiwas niya.

"Ako na maghahatid" prisinta nito,

"Eh paano trabaho mo? Late kana-" usad ko ngunit mabilis na lumapat sa labi ko ang mainit niyang labi.

"Mula ngayon ako na maghahatid kay Kyle sa school, i love you" ngiting asik nito tsaka ako kinindatan. Nakilig ako.

Hinayaan ko na lang ang mag-ama habang ako tumulong kila yaya na mag-linis ng bahay. Wala din naman ako ginagawa. Nang mapagod ako'y dumiretso na lamang akong kwarto at nagpahinga hanggang sa makatulog.

Hapon na nang magising ako nang mag ring ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot nang makita ang number ng teacher ng anak ko. Ano na naman kayang problema bakit iba kutob ko?

"Misis. Jusko buti sinagot mo" bungad nito habang kinakabahan.

Nabigla ako at nag-alala sa narinig ko nang magkwento ito sa akin. Mabilis kong tinawagan si Erwin at ipinaalam ang nangyari. Mabilis naman akong nagdrive ng kotse at nagtungo sa school habang umiiyak.

Nadatnan ko pa si Tyron na yakap si Jorgette na humahagulgol. Mabilis akong lumapit sa kanila at nagtanong.

"Anong nangyari? Nasaan ang anak ko!" umiiyak kong tanong kasabay nang pagdating ni Erwin ata agad akong niyakap ngunit agad ding bumitaw nang makita si Tyron. Agad nitong sinapak at gumanti naman si Tyron.

"Ano ba tama na!" sigaw ni Jorgette habang ako wala sa isip ko kung anong totoong nangyari. Nasaan ang anak ko?

"Ano bang problema mo gago!" galit na sigaw ni Tyron,

"Sa dami ng may galit sayo na imbis ang anak mo lang ang kinidnap, dinamay pa pati anak ko! Gago ka eh! Dapat sayo mamatay!" galit na sigaw ni Erwin ngunit pinigilan ito ng mga teacher,

"Kumalma lang kayo mr. Perez. Wala pong may gusto nang pangyayari. Tahimik na nagsusulat si Kyle nang may pumasok dito sa classroom na limang mga lalaki. Agad po akong tinutukan ng baril sa ulo sabay tanong kung sino ang anak mo at anak ni sir Tyron. W-wala na po akong nagawa dahil pati ibang bata pinagbantaan na papatayin kapag hindi ako nagsalita kaya napilitan na lang po akong ituro ang kambal at ang anak niyo" kwento ng guro.

Sabay naman kaming napahagulgol ni Jorgette sa takot, bakit pa ang anak ko? Pwede naman na ang kambal lang. Bakit si Kyle pa.

"Babe please hanapin natin ang kambal. Mamamatay ako" umiiyak na pakiusap ni Jorgette kay Tyron.

"Kasalanan mo ito eh!" galit na sigaw ko kay Jorgette.

"Alam mo kung hindi dahil sa kamalasang dulot mo, hindi madadamay ang anak ko. Sana mamatay na lang ang kambal nang wala-" hindi ko napatapos ang sasabihin ko nang malakas niya akong sinampal at tinulak kasabay nang pagsabunot niya sa akin. Agad naman kaming pinaghiwalay ni Tyron at Erwin.

"Murahin moko Unice, sabihan mo akong malas, salot, tanga, bobo! Pero hindi ang sabihing mamamatay ang mga anak ko dahil kaya kitang patayin kapalit ng buhay ng mga anak ko!" humahagulgol at galit na sigaw ni Jorgette sakin na ngayon ko pa lamang nakita..

"Babe, relax-" Tyron

"Paano ako kakalma Tyron?! Nasa panganib ang mga anak natin na hindi natin alam kung ano na ang kalagayan nila ngayon!" bulyaw ni Jorgette.

"Hon hanapin natin si Kyle. Pakiusap, lahat ng gusto mo gagawin ko maibalik lang siya sakin. Pakiusap" mahinang pakiusap ko kay Erwin habang humihikbi. Agad naman akong niyakap at bumulong.

"Hahanapin ko si Kyle, ligtas ang anak natin. Babalik siya sa atin, okay? I love you" mahinang pagpapatahan nito sa akin.

Halo-halong kaba, takot, lungkot at galit ang nararamdaman ko sa oras na ito. Nandito kami ngayon sa isang lumang building kung saan palaging nakikipagsuntukan ang mga gangsters katulad ni Tyron at Erwin.

Magkatabi kami ni Jorgette habang walang imik at inaantay sila Erwin na nakikipag usap sa kani-kanilang mga kagrupo. Sa inis ko dahil sa tagal nila'y sandali akong lumabas ng building at nagtungo dito sa likod kung saan maraming punong kahoy.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon