Chapter 29

4.2K 83 5
                                    


Bella's POV

"Maam saan po tayo? gabi na po oh. Hindi pa po ba tayo uuwi?" tanong ng driver ko. Hindi ako sumagot tsaka pumasok sa kotse at inayos ang sarili ko.

"M-maam umiiyak k-ka po ba?" muli niyang tanong.

"Sa bar tayo, mamaya na ako uuwi. Ihahatid mo lang ako doon, tatawagan na lang kita kung papasundo na ako" sagot ko sa tanong niya.

Gusto ko lang mapag-isa. Pagkatapos kong marinig lahat ng mga iyon, lahat ng galit ko kay Jorge nalipat sa sarili ko. Hindi ko alam ang nangyari, hindi ko alam ang rason niya pero nagalit ako. Sana nakinig muna ako sa paliwanag niya.

Flashback...

Maaga akong pumasok ngayon upang masiguro na maayos lahat ng mga dapat ayusin. Kailangan kong isubsob ang sarili ko sa trabaho dahil soon magiging lola na ako. Dalagang ina si Jorgette at kailangan niya ng aalalay sakanya.

Naglalakad ako papuntang office ko nang may dalawang pamilyar na boses ang narinig kong mukhang nagtatalo. Sumilip ako konti at nakita si Ruth at Jorge na nag-aaway kaya minabuti kong magtago at makinig.

"Ruth paulit-ulit na lang ba tayo? Hindi kita mahal, wala tayong relasyon mula noon Hanggang ngayon mahirap bang intindihin yon?!" galit na sigaw ni Jorge kay Ruth. Anong ibig niyang sabihin? walang relasyon? diba kabit niya yan?

"Kahit pa wala tayong relasyon, sa mata ng mga tao ako parin ang bagong asawa mo! tratuhin mo naman ako bilang asawa mo sa harap ng mga tao lalo na sa Bella na yon! huwag mo naman akong pagmukhaing kaawa-awa at talunan!" humahagulgol na iyak ni Ruth. Nanatili akong nagtatago at nakikinig. Kailangan kong alamin ang totoo.

"Hindi ko kaya. Makakaya ko ang magalit sakin ang asawa't anak ko pero ang pagtaksilan ang asawa ko alam mong kailan man hindi ko magagawa. Tsaka pwede ba? sa bahay na lang natin to pag-usapan?! nakakahiya ka! isasama mo pa talaga dito yang issue mo na yan!" Inis na sigaw ni Jorge pabalik. Anong nangyayari? teka, ang gulo?

"No! dito tayo mag-uusap! Hiwalayan mo yang asawa mo, piliin mo kami ni Unice! kundi magpapakamatay ako!" banta ni Ruth. Ano ba ang totoo? gusto kong malaman pero bakit parang ang hirap ayusin sa isip ko lahat ng naririnig ko?

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon