Chapter 42

4.2K 77 1
                                    

Tyron's POV

Mahirap bang i explain kung anong nangyayari para maglihim sakin tong si Vince? Alam kong gago ako pero sana naman kahit ngayon lang sabihin niya sakin ang totoo.

Si Vince ang bagong kaibigan ni Clark noon, hanggang sa lagi na siyang napapasama samin, nung una duda ako sa kumag na ito pero nung nakilala ko siya okay din palang maging tropa tong bwisit na to. Kaya heto, naging matalik kong kaibigan.

"Can you please stop doing that!" suway ko kay Vince habang pinapatugtog ang gitara. Kanina pa yan strum ng strum sintunado naman!

"To naman, kill joy ka talaga kahit kailan. Kita mong nag-aaral ang tao" usisa niya. Wala akong pakialam. Isa pa tong kumag na to, kung sinabi lang sana niya ang tungkol kay Jorgette at sa dalawang bata edi sana alam ko ginagawa ko ngayon. The heck!

"Ano ba iniisip mo at ayaw mo ng maingay?" tanong nito tsaka ibinaba ang gitara pero sinamaan ko lang ng tingin

"Si Jorgette ba?"

"Fuck you! Nagtanong kapa!" singhal ko. Alam naman pala eh, may gana pang magtanong.

"Hehe. Hmmm what about...her?" muling tanong niya kaya sa inis ko'y nabigyan ko ng isang gatong.

"Aray! Gago ka talaga!" reklamo nito pero inirapan ko lang.

"Pinapatagal mo pa kasi eh. Kung may alam ka just tell me! Hindi yung ganito na pag-iisipin mo pa ako, kailangan pahirapan ako eh no?" sigaw ko pero seryoso lang siyang nakatingin sakin habang hinihimas ang ulo niyang binatukan ko

"You know what? Masyado kang aporado. Alam kong ikaw ang kaibigan ko pero sa oras na ito si Jorgette ang kakampihan ko. Nung ipagbuntis niya ang kambal, kinaya niya yung pagtitiis at hirap nang wala ka. kaya ngayon kailangan mo ding paghirapan malaman lang ang totoo. Hindi sa lahat ng bagay makukuha sa pagmamadali. Matalino ka Tyron, kung marunong kang magtyaga at magtiis. Magiging madali sayo ang lahat" mahabang linya niya sabay walkout.

"Ay!" Yohan

"Nag walkout!" Lester.

Nabato ako sa lahat ng narinig ko. Bigla akong kinain ng hiya ko. Hindi ako umimik tsaka naglakad papasok ng kwarto ko sabay bagsak ng katawan sa kama ko.

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Kung paano makakausap si Jorgette ng maayos. Sa tuwing pagkikita namin palagi siyang nagmamadaling umalis.

Ni hindi nga ako tinitignan kahit alam niyang sakanya ang buong atensyon ko. Anong gagawin ko? Dapat ba pwersahan akong makipag usap ng maayos sakanya? Tatanggihan lang din ako nun.

"Bro" sulpot ni Lester, Yohan, Josh at Clark.

"We can help" asik ni Clark.

"Tropa tayo diba?" Josh

"Problema ng isa, problema nating lahat" sulpot ni Vince, amputa! Kakasabi lang na kailangan kong paghirapan eh!

"Oh eh bakit ayaw mong sabihin samin ang totoo?" Josh

"May pa walkout-walkout pang nalalaman gago!" Clark

"Alam ko naman. Ang akin lang, wag apurado. Kung gusto mo talagang malaman ang totoo, alamin mo nang hindi nagtatanong sa kung sino-sino" ngiting sagot nito sabay upo sa harapan ko. Pigilan niyo ko, papatayin ko to!

"Gagawin ko?" tanong ko sabay patong ng ulo ko sa kamay ko tsaka pumikit at nagpigil ng luha.
"Kami nang bahala!" sigaw ni Josh na ikinagulat ko kaya nasapok ko. Kailangan sumigaw eh no? Kita niyang seryoso ang tao!

"Ouch!" Josh

"Ano naman yan?" Vince

"Kikidnapin namin si Jorget- arayyy!!" Josh

"Para matauhan ka! Kidnap ba kamo?" Lester

" Gago ka talaga kahit kailan! At saan niya naman dadalhin yang si Jorgette pagkatapos kidnapin? " Clark

"At nang dalawang bata sinong mag-aalaga?" Vince

"Tsaka paano kung mas lalong magalit si Jorgette sa gagawin natin edi mas lalong hindi magkakaayos yang si Tyron at Jorgette?" Yohan

"Tsaka paano-" Vince

"TEKAA NGA!! ISA ISA LANG PWEDE BA???"sigaw nito

"Si Tyron na bahala diyan, basta ang atin lang ay kung paano sila magkikita ng hindi makaiwas yang si Jorgette. Tsaka kung tungkol sa mga bata, edi isama na din natin. Eh kung hindi man sila magkaayos, edi atleast nakapag usap sila" sagot ni Josh. May punto siya don.

"Y-yeah your right! Do it. Please " pakiusap ko. Bahala na, kung hindi ko makuha si Jorgette sa maayos na usapan. Kukunin ko siya sa sapilitan.

"Hihintayin ko kayo dito sa bahay ko. Kunin si Jorgette pati na din ang kambal, at please lang, huwag niyo silang hahayaang masaktan kundi lagot kayong lahat sakin" banta ko. Tumango naman sila bilang pag tugon.

Dadalhin ko na lang silang tatlo kung saan ako nagpatayo ng bahay ko. Siguradong wala ka ng kawala sakin mahal ko, hindi na din magiging rason ang kambal para mapaaga uwi mo habang nasa pamamahay kita.

Huwag kang mag-alala dahil sa pagkakataong ito, hindi na mangyayari ang dahilan kung bakit tayo naghiwalay.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon