Chapter 25

4.2K 86 2
                                    

Bella's POV

"Good morning maam" bati sakin ng mga nagtratrabaho dito sa kumpanya ni Jorge. Ngumiti ako tsaka bumati pabalik.

"This way maam" turo sakin ng sekretarya ni Jorge sa daanan papuntang office niya. Habang naglalakad ako, napansin kong may lalaking kanina pa tingin ng tingin sakin. Nang sandaling tinignan ko ito, ngumiti ito at nag wave. Ngumiti ako pabalik at agad umiwas ng tingin, pumasok ako sa office ni Jorge.

"Maam pakihintay na lang po si sir Jorge. On the way na po siya. Have a sit maam, kukuha lang po ako ng maiinom niyo-"

"No, it's okay. I can wait" sabi ko tsaka umupo. Palabas na sana ang sekretarya nang makasalubong nito sa pinto si Ruth. Mas lalo akong ginaganahan kapag nandiyan siya eh.

"Good morning maam-"

"Get out!" inis na sigaw ni Ruth sa babae. Yumuko ang babae tsaka nagmadaling lumabas at isinara ang pinto.

"what are you doing here?! tapos na ang meeting hindi ba? o di kaya pumunta ka lang dito para landiin ang asawa ko?" saad nito. Tumayo ako tsaka naglakad palapit sa kanya. Ngumisi ako tsaka nagsalita.

"Malandi? ako? Hahaha! what did you say? ako nanlalandi? baka nakakalimutan mo kaibigan. Sa ating dalawa ako ang asawa at ako ang kabit?" kalmang tanong ko.

"Haha ganon? so nasaan ka ngayon? hiwalay sa kanya diba? so anong pinaglalaban mo? that certificate of marriage? takte papel lang yan at ako ang mahal niya" cool niyang sagot.

"Anong silbi ng pagmamahalan niyo kung kinasuhan kita mula sa pang-aagaw ng asawa sa may asawa? alam mo namang wala kang laban diba? puso ka lang, papel ako" sagot ko na ikinatahimik niya. Sakto naman ang pagdating ni Jorge. Kunwari akong ngumiti kay Jorge kahit kumukulo ang dugo ko sakanya.

"good morning mr. ALVAREZ" bati ko. Pinandiinan ko na talaga ang apelyido niya dahil hanggang ngayon yon parin ang gamit ko. Hindi dahil sa gusto ko pang tinatawag akong mrs. Alvarez kundi para lamang inisin si Ruth. Ang totoo niyang diring-diri na ako sa paggamit ng apelyido ng lalaking to pero kailangan kong mapanatiling kasal sa kanya.

Tsaka ko na siya hihiwalayan kapag sirang-sira na sila ni Ruth.

"what do you want to drink mrs. Alvarez?-" sulpot ng sekretarya

"Call her Bella! it's Bella! Then call me mrs. Alvarez!" galit na saad ni Ruth sa babae. Napahalakhak na lang ako sa loob-loobin ko. The fuck?!

"Stop it Ruth. Nakakahiya sa bisita" inis na suway naman ni Jorge.

"No it's okay. Sanay akong makakita ng mga baliw na tao. Alam mo bang bago ko nakuha ang kumpanyang pinamana sakin ng magulang ko ay nagtrabaho muna ako? nag alaga ako ng isang BALIW" Sabi ko tsaka tumingin kay Ruth. Yumuko naman si Jorge sabay hinga ng malalim.

"did you call me 'baliw' ?!" matalim na tingin nito sakin.

"Wala akong sinabi" sagot ko.

"Please! stop it! Ruth, lumabas kana muna. May pag-uusapan lang kami ni Bella" sabi nito. Padabog naman na lumabas si Ruth. Napatawa na lang ako sa loob-loobin ko.

"Umupo ka" masuyong sambit ni Jorge tsaka umupo sa harapan ko.

"Kamusta si Jorgette?" tanong nito sakin.

"Ngayon lang ata na kakamustahin mo ang anak mo? akala ko nakatuon pansin mo diyan sa ampon mo. Well, she's still not okay. Soon magkakaroon na din siya ng baby" sabi ko na ikinagulat niya.

"baby? what do you mean?"

"She's 2 months pregnant. And i don't even know kung sino ang ama. Kung sino ang naging kasintahan niya" sagot ko. Huminga siya ng malalim.

"Ni hindi ko manlang alam na may boyfriend siya" mahinang sambit nito. Paano mo malalaman?! ha?! paano?

Wala kang oras para sa anak mo! na yung oras sana na para sa kanya, binibigay mo pa sa iba!

"Okay. I came here para sabihin na next week pwede na tayo mag-start sa pagawaan ng sardines. At kung okay lang sayo na sa mas maagang araw natin simulan mas madami tayong magagawa at mabebenta-"

"Kamusta kana?" tanong nito habang nakatitig sa mga mata ko. Bigla akong nailang pero hindi ako nagpahalata.

"Yun lang naman ang sasabihin ko. Ako na din ang mismong nagpunta dito para magkaintindihan tayo. Nakakahiya naman kasi kung sa unang gagawin natin ay secretary ko agad ang kikilos diba? so i decided na ako na lang mismo" pag-iiba ko ng usapan. Nakita ko ang panggigilid ng luha niya na agad niyang iniiwas.

"Okay thank you mr. Alvarez. Excuse me i have to go" paalam ko tsaka mabilis na umalis at nagmadaling pumunta sa cr tsaka umiyak ng umiyak.

"I hate you! i really hate you!" sigaw ko habang umiiyak. Wala namang tao kaya okay lang umiyak.

Wala kang karapatang kamustahin ang anak ko dahil kung hindi dahil sa pagtataksil mo, hindi nagdusa ang anak ko at mas lalong wala kang karapatang kamustahin ako dahil hindi mo alam ang sakit na nararamdaman ko!

Magsama kayo ng kabit mo!

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon